[167] Karanasan sa bakla
Una sa lahat, hindi ito entry para i-discriminate ang ating mga kapatid na bakla at HINDI rin x-rated. Pero tama ang basa nyo sa titulo ng Dioniscio, tungkol ito sa karanasan ko sa isang bakla.
Kung maselan ka, dapat sa puntong ito ay hindi ka na nagbabasa kasi kung nagbabasa ka pa din ngayon ay pihadong interesado ka sa karanasan kong ito, may tama ba ako?
Wala, syempre.
Pero bago ang kwento ay gusto ko lang batiin ang idol kong si bok na pihadong magkokomento sa entry na ito. Bok, pakis pre walang malisya. Asan na kansonsilyo ko? Hakhak.
Ok, eto na mga bossing.
Nuong panahong yaon ay magpapakuha ako ng creative shot sa isang sikat na photography center malapit sa isa ding sikat na unibersidad sa Maynila. (Ayoko ng i-mention ang mga pangalan sa obyus na dahilan naman mga bossing).
Hayun at pumasok na ang Dioniscio nyo sa kanilang sikat na papiktyuran. Ang ganda ng lugar, halatang mga A-lists ang target market. At ewan ko ba kung bakit naligaw ang jologs na katulad ko dun.
Nang matapos makapagtanong at magbayad sa counter ay sinamahan ako ng isang lalaki sa kwarto ng mga make up artists nila.
Pag bungad ko ang dami nila, mga 6. Ang dami ding salaming malalaki at ilaw na malalaki din sa ibabaw at gilid. Parang yung mga napapanood sa TV na madaming babae na busy sa kanilang pag-aayos sa mukha.
Anyways eto na nga at pinag-agawan pa ako ng 2, kasi sila lang ang bakante noon. At hayun, ang natoka sa akin ay isang bakla na may masaganang dibdib.
Nagimbal ako. Namangha. Tila puputok kasi sa sobrang pintog! Yay!
Sinabi ko kung ano ang kailangan ko. Pinaupo niya ako at saglit lang daw.
Pagdating niya nagulat ako kasi walang dalang damit para sa creative shot ko at inumpisahan ang retouch daw sa akin. Nakalimutan ko na ang term basta may retouch na salita.
Sabi ko ng matapos na kame, “Nasaan na kostyum ko?”
Dinukot nya sa bulsa at inabot sa akin.
“Ha? E panyo lang ‘ata ‘to eh!” Sabi ko.
Sagot nya, “baby, ipagpag moh!”
Baby daw oh?
E di ako naman si pagpag.
Pag kita ko ay manipis na net muscle shirt. Ibig sabihin, iyung parang fishnet na ginawang damit. At ang jeans na lang daw na suot ko ang gagamitin kasi half body lang naman ang kukuhain ng photographer.
Ako naman ay hindi na tumanggi. Iyon daw ang bagay e.
Sumama daw ako at ituturo nya ang cr para masuot ko na. Pagbukas nya ng cr at pagpasok ko nagulat ako kasi pumasok din siya sa loob.
Maghubad daw ako ng shirt at isusuot daw niya sa akin.
Ako naman walang tanong-tanong, walang arte at hubad agad.
Kulay dark tsokoleyt daw ang balat ko, unang banat niya. Ngumiti na lang ako para hindi na humaba pa ang usapan.
Maya-maya ay dineretcho na nya ako sa kanyang balak.
Gusto ko daw ba, sabay turo sa boobs nya at pinisil ng marahan at sinabing paliligayahin daw niya ang Dioniscio!
Sa totoo lang, hindi na ako nagimbal pa.
Sinagot ko siya sa pinaka maayos na alam ako, “Hindi na lang, ok lang ako…” tanggi ko.
Mataray nyang sagot,
“Eh kailan mo pa papakain ‘yan, pag matanda ka na? Wala ng kakain nyan! Di ka naman guapo no!”
Sabay alis.
Nagulat ako na natatawa at inayos na lang ang sarili at dumeretso sa pictorial. Pagtapos ng ilang minuto at mabilis lang naman ay isinauli ko ang damit sa photographer na lang at nagpasalamat.
Hindi ko sinabing biktima ako o masama ang ugali ng bakla na iyon. Hindi naman kasi natin alam ang takbo ng isip ng ibang tao.
Pero tatlo lang ang alam ko: cool lang ako, nirespeto ko pa din siya at HINDI ko sinabi na guapo ako.
on October 22, 2009 on 11:48 pm
naks!oa birhen ka pa pala nun!LOL
pero tama yan,rude siya at di dapat pinupuwersa ang mga “malinis”(pweh!LOL) na gaya mo sa makamundong pagnanasa!hahahaha
on October 23, 2009 on 5:18 am
hahaha. hayup ka mac! wag ka namang maingay tsong… hahaha
on October 23, 2009 on 1:13 am
BOSS,
basta walang pwersahan..hehe
kung ayaw wag mamilit diba?
on October 23, 2009 on 5:19 am
nakakagulat di ba bossing? hindi naman tama yung ginawa nya na ako pa nilait nya.
on October 23, 2009 on 1:31 am
san ang picture? sige nga pakita mo nga..
ang damot mo..ahahahhahhaha
bleh!
on October 23, 2009 on 5:19 am
tae ka! wag na panget naman e.
on October 23, 2009 on 5:40 pm
mas dapat mong ipakita kapatid… akala ko ba sikat na photography outfit yan… mahamon nga! hahaha!
on October 23, 2009 on 8:10 pm
haha. game naman ako kaso nasa Pinas e. wala akong kopya dito sa dubai
on October 23, 2009 on 1:48 am
oo nga asan na yung pictyur na yun, jejeje
ayan bok my url na ko, sana tuloy tuloy na toh.
on October 23, 2009 on 5:27 am
BOK! litsi! cge cge kapag ka nauwi ako sa pinas scan ko tas post ko dito.
wow my url na! hahahaha. lab yu bok!
on October 23, 2009 on 8:14 am
hmm, alin dun ang iiiscan mo? yung ano o yung ano? teka, teka, adult content ba tong blog mo? kala ko wholesome tong blog mo jejeje
on October 23, 2009 on 9:08 am
ano yung ano? uten ko ba yun? hahahaha! pede namang send sa email e pero yung ipopost ko dito, hindi pede! hahahahahahaha!
on October 24, 2009 on 4:43 am
masyado kang mahalay anak, tara, sakay ka na sakin este sa sikad ko pala, at naghihitay pa si irog koring sa porbes park, ihahatid natin ng padjak sa abs-gma.
on October 23, 2009 on 2:03 am
wahh
nakakatakot sya…
kuna ako yun malamang nagkaripas na ko sa takbo…
(phobia.)
on October 23, 2009 on 2:03 am
wahh
nakakatakot sya…
kuna ako yun malamang nagkaripas na ko sa takbo…
(phobia.)
buti na lang cool na cool lang si kuya dencio
on October 23, 2009 on 5:22 am
di ka naman papatayin e, haha. nag offer lang naman. pede namang tanggihan e. kaya di naman ako natakot.
on October 23, 2009 on 9:45 pm
Yay, kahit ako matatakot. Yay.
on October 25, 2009 on 11:39 am
@ Kuya Ax & Kuya Jason
Bakit hindi kayo tumatakbo pag tumitingin kayo sa salamin? Wahahaha… Juk lang!
on October 23, 2009 on 4:50 am
Wahehe… Ka Dencio!!! Wooo!!! Buti di ka pwersahan ginalaw… Haha!
Tama yung ginawa mo… Kala ko sasapakin mo eh. Yay!
on October 23, 2009 on 5:23 am
hindi naman ako nananapak kapag hindi din ako sinapak. nakuha naman sa salita e
on October 23, 2009 on 5:44 am
o asan na ang piktyur na net shirt hahaha
on October 23, 2009 on 5:48 am
ang dami ko na ngang hubo dito e, hahaha
on October 23, 2009 on 7:03 am
haay kuya..grbe namn un! oi bruha, papintugan nalng oh! joke! paminta lng, paminta! (lakas ng loob maghamon eh no?)
kuya dencio, ok lng yan para sken gwapo ka! keber ng mga chennelyn jan! hehe..^_^
aba teka kuya, c bok ba ay iyong kasintahan? aw! *kilig mode* ^_^
on October 23, 2009 on 7:38 am
si bok at si labandera ng sapa ay iisa. haha. silipin mo na lang ang blog niya (turo sa naunang comment)
tungkol sa papintugan niyo ng bakla, hahaha. precious ang laki ng sa kanya. parang mt.pinatubo pero fake. lols
wag na nating pansinin yan at pakiss na lang! hehe
on October 23, 2009 on 11:54 am
hat list ako orig! xa jafek! hehe..
oh? tlg? nako sori nmn kala ko kau hang swit eh…kakaselos… hat list nabunutan ako ng tinik! echos! ^_^
on October 23, 2009 on 7:38 am
ang cheesy ah hehehhe
on October 23, 2009 on 7:39 am
tsismis yan lei
on October 23, 2009 on 3:54 pm
hahaha nakanaks
on October 23, 2009 on 11:56 am
wg kang maingay lei..
joke!
on October 23, 2009 on 7:59 pm
selos si lei. sa kanya ka lang daw precious. pano ba yun? tsk
lol
on October 24, 2009 on 4:38 am
pwde nmng share kuya dencio eh…
sows, c lei? ang suplado nga nyan s kite awards eh! biro lng lei..
on October 24, 2009 on 3:12 pm
hala hndi ako suplado hehehe
on October 24, 2009 on 4:41 pm
haha hndi ah. sayo si ate precious. hehe
on October 27, 2009 on 8:57 am
itinaboy? haha..
on October 23, 2009 on 8:45 am
precious, not in a million years kami pedeng maging magkasintahan, kita mo ngang muntik na nyang tinadyakan yung bakla e pag ako baka di lang tadjak abutin ko sa mamang yan, saka diko type ang my six pax na abs eeeewwww kadiri yyuuuk, type ko yung parang pinaglihi sa salbabida na my six sax sa abs
lab u2 bok, jejeje
on October 23, 2009 on 8:57 am
nyak bat dito bumagsak to jejeje gtg na nga
on October 23, 2009 on 9:10 am
nyahahahhahaha!
uy sama mo, di ako nananadjak
at di kita tatadjakan kasi labsh kita e bohaha
on October 23, 2009 on 11:58 am
whoooo! hnd dw tpos sbay lab u 2…
weee..
wla
wla
wla
wla
haha..nangungulet lng!
on October 23, 2009 on 8:14 am
Hindi ko akalain na kahit dayukdok ka rin sa laman ay nagagawa mo pang bigyan ng kahihiyan ang sarili mo.. buwaaaa ha ha ha ha.. joke lang bossing.
Tama yung ginawa mo, hindi na porke’t me bunganga na handang mag buka para mag-alay ng sandaling kaligayan eh, basta basta mo na lamang papatulan..
ang masasabi ko lang sau bossing… Good boy! ang bait mo.. sana…..(huwag na lang) he he he
on October 23, 2009 on 9:03 am
boss alkapon,
hindi naman kasi issue ng pagpatol dun e hahaha.
ayoko na ipaliwanag hahaha
on October 23, 2009 on 8:27 am
gwapo ka pa rin.. imbyerna lang ang lola dahil di mo pinatulan.. hehehe…
eh pano kung sinabi niya libre na? toinks.. .
peace…
on October 23, 2009 on 9:04 am
libre na ang…? LOL!
on October 26, 2009 on 1:33 pm
gupit.. hehehe
on October 26, 2009 on 1:33 pm
est piktyur pala.. pascore nga lang.. hehehe
on October 23, 2009 on 11:55 am
ano ang main point ng kwento?
it still boils down to the appeal that you claim to have!
joke lang nyahaha! peace brother!
on October 23, 2009 on 2:33 pm
Tae ka mulong! LOL!
on October 25, 2009 on 10:57 am
tae ka rin!
on October 23, 2009 on 2:17 pm
ang lakas ng kamanadag ah.
hahaha
on October 23, 2009 on 2:34 pm
toinks!
on October 23, 2009 on 2:36 pm
Ahihi ilang taon ka na nun pre?
on October 23, 2009 on 2:49 pm
katursi haha. joke lang.
on October 23, 2009 on 2:47 pm
dear ate charo.. hehehe.. jowk.
on October 23, 2009 on 2:50 pm
dear ate charing na lang lol
on October 23, 2009 on 2:55 pm
and the “ang pinakamabilis na magcomment award” goes to dioniscio katindig! haha.. bilis ah. cge pag nakabili nako ng new cam ko, try ko magcreative shot. mura lang. haha.
on October 23, 2009 on 7:56 pm
hahahahhaah! ok cge cge mag practis ka muna, yung hardcore para expert kana pag nagpakuha ako ng pic
on October 23, 2009 on 4:53 pm
pakita nga ng creative shot mo!
sana sinumbong mo sa management…
buti di ka na rape…
hahaha.
mwah! (yan, sweet yan ha!)
on October 23, 2009 on 7:57 pm
ayeeeeeeee… kinilig ako, lols! muahhhhhhh!
on October 23, 2009 on 9:44 pm
Ano ang kansonsilyo?
Gusto ko sana siya iokray pero dahil hindi tayo ganon, kudos sa iyo!
on October 24, 2009 on 2:26 pm
kudos talaga. kansonsilyo? search mo sa net may mga piktyur hehe
on October 24, 2009 on 1:11 am
Buti na lang cool ka lang dude! Hayaan mo na ang nangyari! At least me pang 167 entry ka tribute sa kanya!
on October 24, 2009 on 2:27 pm
tribute talaga hehe
on October 24, 2009 on 4:24 am
Brad, isang saludo muna sayo! abot ang tawa ko sa blog mo na to, nakakaaliw lalo na sa mga nag cocomment. wahahehehehe
Nakanamen…..! pishnet ang peytur tlgang wholesome ah?! weh tlga bang pintog na pintog
lol
So may karanansan ka na pla brad. aheheeh kaso unang karanasan mo mataray at mapanlait pa! balikan mo ngayon ulit un, pkita mo sino si Dionisio nuun at ngaun. naks!
on October 24, 2009 on 2:29 pm
hahaha. di na ko babalik dun. ako na lang kukuha sa sarili ko LOL!
on October 24, 2009 on 5:45 am
nice at hindi ka bumigay sa kanya. hehehe…
on October 24, 2009 on 2:30 pm
hehe. salamat master!
on October 24, 2009 on 6:44 am
wahaha. Buti nalang at di napagsamantalahan ang munti mong katawan dencio! hehe.
on October 24, 2009 on 2:32 pm
hehe. di naman siguro
on October 24, 2009 on 7:29 am
waaah, buti na lang at hindi ka pumayag. hehe..
asan na ung bading na un na nagsabing hindi ka guapo..
way nya lang un para bumigay ka at makuha nya ang maitim nyang nais..wahaha
on October 24, 2009 on 2:36 pm
di siguro baka wala na siyang choice hehe
on October 24, 2009 on 7:43 am
ang haba ng hair mo papa dence… naapakan ko na…
matinik ka talaga sa mga katulad nila…
pero tama yung ginwa mo… nirespeto mo parn cla… naks…
hughugs!
on October 24, 2009 on 2:38 pm
oo naman, equal rights tayo unless mamilit, iba na yun
on October 24, 2009 on 10:50 am
tinurukan mo sana ng canister haha.
on October 24, 2009 on 2:40 pm
hahahahaha. natawa ako sa canister. san ba nakakabili nyan? LOL!
on October 24, 2009 on 11:57 am
ang pagdadalaga ni dioniscio katindig. huhlolz!
parekoi, mabuti nga ganun lang. nung ako nga, dinukot pa eh. tamang lasheng na kasi. eh hindi ko naman alam na bading pala ampotah. charge to experience na lang. haha!
on October 24, 2009 on 2:42 pm
natawa ako sa ang pagdadalaga ni dioniscio katindig. hayup ka. hahaha
kapag ganyang lebel ibig sabhin sobrang hot mo na. e ako hindi naman e hehe. idol! paotograp! haha
on October 24, 2009 on 1:03 pm
yay! yan ang mga baklang di ko gusto. Marami kasi akong baklang kilala na alam kung saan ang limitasyon lang nila. Para sa akin, mabuti na yung bakla.. pero yung di nagpapalagay ng boobs or nagpapa sex transplant.. nababastusan ako dun.. ah basta ayoko kay BB. GANDANG HARI hmp! at dapat yung sinagot mo dun sa bakla, “kung papakain ko lang naman ito.. sa babae na hindi sa binabae..”
on October 24, 2009 on 2:24 pm
i get ur point, kanya kanya naman ang tao. pero di ko na sinabi yun kasi nakuha naman sa simpleng salita e. kung namilit, e ibang usapan na yun. hindi na usapan yun, bugbugan na yun.
on October 24, 2009 on 2:37 pm
ang liniiiiiis! hahahaha! jokeness! magaling ang pagkakatanggi mo ha. para ka lang tumanggi sa grasya. hahaha. makilala ka pa kea nun ngaun?
on October 24, 2009 on 2:58 pm
ano ka ba naman, hindi naman ito issue ng pagpatol. eto masyado, hindi ako nagmamalinis. ayoko lang talaga noon. eto masyado. alam mo naman na hindi ako malinis talaga e hahaha
on October 24, 2009 on 4:40 pm
ayaw ko pa matulog hehehehe
on October 24, 2009 on 4:42 pm
hahaha. yaman online pa din
on October 24, 2009 on 4:50 pm
anu myman dito. haha, nayayamot n nga ako sa facebook eh hndi ako mkaonline. mabubulok pananim ko dun. panu ako makakatulong sa pagpigil ng global warming? waaaahhhh
on October 24, 2009 on 5:03 pm
hmmm.. alam ko na, lumabas ka ngayon din at magtanim ng puno haha
on October 24, 2009 on 5:07 pm
bukas n gabi na. bwahahaha
on October 24, 2009 on 7:09 pm
aysus….may ganun…ang gentleman ng dencio….pero sa isang banda tama lang naman ang treatment mo sa sitwasyon…saan ba ung kodakan na yan…makapakuha nga ahiiiiiiii!
on October 25, 2009 on 11:45 am
Natawa naman daw ako dun sa “Bok, pakis pre walang malisya.”
Ako nga din, pa-kiss sa lips, five minutes wala din malisya! Ahahaha…
Naku! Sana ini-scan mo yung photo mo tapos pinost mo dito, para nakita naman namin yung kulay dark tsokoleyt mong balat under that muscle shirt! Ahahaha…
Ganyan talaga ang iba, mga hindi kagalang-galang… Dito nga sa may Angeles, yung mga bakla sa mga nakahilerang parlor, kahit kasama mo na nanay mo o lola mo, hahablutin ka pa rin at hihilain. Naku! Yung iba namang parlorista, pasimple pa! Kapag nagpapagupit ako, kunwari e mahuhulog sa kandungan ko yung suklay, at sa pagdampot niya dito, naku! Yung kamay niya ay magse-say “Hi” na kay Jun-jun koh! Ahahaha…
Perstaym ko po dito! Ehehehe… Ayun!
on October 25, 2009 on 2:42 pm
wala akong kpya dito nasa pinas. pasinsya na ha. hekhek
welkam na welkam ka dito kurog!
on October 25, 2009 on 11:48 am
Oops… Pakoment ulit… Di ko po pala perstaym dito! Ahahaha… Ayun lang…
on November 4, 2009 on 3:43 pm
[...] ko si Dioniscio[172] Huwag mo kameng alalahanin dito[143] Kwentong Dyakol[133] Syempre malibog[167] Karanasan sa baklaHUBAD[174] Must see event[154] 69[118] Opinyon sa napapanahong usapin sa PilipinasMY LINKS[152] [...]
on November 5, 2009 on 2:45 am
haha ang kulit nito…anyway, first time ko dito sa blog mo. kung ako nasa lugar mo, matatakot din ako. di naman ako tripper eh. hehe
on November 5, 2009 on 4:59 am
Panalo ‘tong entry na ‘to.
Ang taray ni ate. Haha…
Pero saludo ako sa pagiging kalmado at gentleman mo!
Hehe…
on November 6, 2009 on 7:33 am
lagot yan sa nanay mo
on November 12, 2009 on 10:28 am
aba naman at andami kagad koment nyahaha. taray naman nung baklang yun eh ano naman kung me boobs siya??? dapat ba patulan mo siya. nyahahaha! sige pagtanda mo ako na lang ang kakain niyan (joke lang) at guapo ka naman ah. gagew yun. wahehehe.
dapat nireklamo mo pare.
on November 13, 2009 on 11:36 am
Adik lang. Hehe. Links ex tayo bro?
on November 13, 2009 on 10:50 pm
cge link kita kapag nagkatime sa weekend at kapag hindi naulol ang net ko ha.ingats!