…eh tayo handa na din ba?
Hindi ko mapigilang hindi mag-post tungkol sa nalalapit na eleksyon. Nagba-browse kasi ako ng ilang political blogs and latest news nang makita ko ang ilang balita tungkol sa ilang hopefuls sa pagka-Presidente at Bise Presidente sa Pilipinas.
Ang GMA-7 ay nagsagawa ng isang oath na ang pamagat ay: “Eleksyon 2010: Tatakbo ka ba?”
Ayun at 13 nga silang nagsidating at sumumpa. Ang balita dito.
At bago sila sumupa ay mayroon pa kamong “Unity Wall” at heto ang kanilang mga sinulat.

(A+ para sa piktyur nila na kapit bisig daw)
Mas gusto ko ang sinabi ni Perlas.
Tayong lahat ang magbabago ng Pilipinas. Kelangan lang ay tulong tulong at informed hanggat maaari ang karamihan sa itinatakbo ng batas. Kung kailangan malaman ng tao at puede naman (at naaayon na dapat talagang ipaalam) ay dapat may transparency.
At sana tayong mga mamamayan naman ay marunong tumingin at aralin ang ating mga adhikain. Mahirap kasing dakdak tayo ng dakdak pakatapos ay hindi naman natin alam ang sinasabi. Basta huwag pangunahan ang batas.
(Aminado na ganyan ako dati pero at least doing everything right para magbago)
Kung ako naman ang magsusulat diyan, ang ilalagay ko: MADEDEDBOL ang BUWAYA!
Mabalik tayo sa oath na yun. Balita pa ulit dito.
Ano ba kamo ang laman? Heto sa baba ang pinaka laman na pinadenggoyko kay tsi kay flicker.

Mahusay, hindi ba? At least may effort ang media para maibato sa tao ang magandang adhikain (at hindi puro na lang sa ratings ng teledrama nila, tugsya!).
Sabi nga ng Senior Vice President ng GMA News and Public Affairs,
“Puwede nating singilin ang mga tatakbo sa kanilang sinumpaan. This is our collective challenge to aspirants to do what’s right.”
Naisip ko,
Kapag nakaupo na kaya ang mga iyan e maalala pa kaya nila ang sinumpaan kapag kinakalabit na sila ng mga buwaya nilang konsensya? Hahaha. E kasi, kung iyun ngang sagradong batas natin ay walang epekto sa mga politiko, paano pa kaya ito?
Pastilan, naboang na ako dong. (kamot ulo) Hahaha.
(Heto na naman ako at baka mabato na naman ng bulok na kamatis!)
Well at least nga ay may effort para makatulong sa bayan at iyon naman ang PINAKA importante. Tama?
At tama na sa umpisa pa lang ay may mga ganito na as sign of warning na din sa kanila – para sa mga kapunyetahan nilang balakin (kung mayroon man – para naman di ako mag mukhang negative hehe).
Mabuhay pala para sa GMA-7 at sa kanilang effort pero hindi ko pa nakalimutan ang punyemas at MALING BALITA nila sa Yellow Ribbon ng Barrio Siete at ni Kamahalan. Mag sorry naman kayo! Anak ng putang impakto naman o!
Teka tanong ko pala ay ito mga bossing,
Handa na silang tumakbo, eh tayo handa na din ba?
Nakapili ka na ba?
Nako, ARALIN MABUTI.
lookin’ at this picture, truly si Kiko lang and Binay ang true to their word to run. just look at how truly prepared they were sa dramang to.
this is all just drama, di ako naniniwala sa mga kaeklavuhan nila dahil behind all these smiles eh nilakihan kamo ang pork bariles nang mga leche! hmpt!
idagdag mo si Erap mahal na reyna, tingnan mo naman kompleto ang outfit niya for jogging. hhehe
hahaha. may leche tlaga? lol
drama lang nila ito. papogi ba.
ewan ko lang, ekek lang to ..makakalimutan din nila ang mga sinumpaan nilang yan noh.. tingnan natin. agree ako kay reynz, drama lng itech! pero i salute the media for the effort though.
yun na nga. kung batas nga walang panama sa mga nakaupo na e hehehe. tama puede ang GMA kaso di pa ata nag sorry kay kamahalan sa maling balita noon hehe
tama! tama! pero at least sila nag-effort pa magdamit pang jogging at magsayang ng laway para manumpa. well, kasi ung mga alagad ni gloria, di present eh. so ibig sbhin nun, sila lang ang lusot sa lantarang pandaraya. lol.
[...] Paki check din ang latest post ko tungkol sa Eleksyon 2010. [...]
hmmmm…un lang nasabi ko haha..
Nagsisimula na ang political circus, expect entertainment to come… hehehe… Tama ka kapatid… ARALIN MABUTI…
Yun lang muna…
Dasal ko lang ay iboto ang karapat-dapat. At sa mananalo, magbigay ng serbisyo na tapat.
13 ang dumating, ang galing. number ko yan bossing dencios. sino kaya sa kanila? ah, kahit sino man ang mapili basta ang importante walang dayaan, solve na ako dyan.
Wait 13 Candidates for Filipin president? Ang dami naman.
halo2 kasama pati VP. 9 ata lahat ng President kasama na si noynoy kung tatakbo sya. not sure yet.
Thanks for clarification. bossing dens.
Follow up lang. You know this already di ba na si Noynoy pala parang tatakbong president na.
oo nga boss darbs
di pa ko naka update hehe
thank you sa info
wala to. as if naman lahat sila susunod sa pangakong pampadagdag exposure lang. sows.
may tama ka! hahaha
Tara na dencios… tatakbo rin tayo…baka sakaling di tayo maabutan.. he he he
uy! may bagong GRO si Tiyo Paeng.. para sau yung isa.. mamaya daanan kita.. inuman tayo sa videoke bar..ha ha ha
hahaha.
e iba naman ang nakita ko sa bahay mo
tutal ‘little america’ na ang bansag sa atin..
bakit hindi pa natin lubos-lubusin ang panggagaya..
dapat sana’y dalawa na lang ang kandidato na tatakbo sa pagkapangulo..
katulad noong kila obama and mc cain diba?
para hindi na magulo..
marami kasing gusto pang umepal sa eleksyon kahit alam nilang wala silang pag-asa ee..ampf
ewan ko ba sa mga PILIPINO..
bakit kay sa dinami daming tao ay mga “corrupt” pa ang naiisipang iboto?
wla na tayong pag-asa..
hanggang kelan tayo ganito?
yanÜ..
VOTE !!!!
NoyNoy Aquino for President
Zaldy Ampatuan for Vice-President
THE MASSACRE PARTY…..
WATCH MEETING DE AVANCE AT MAGUINDANAO, MENDIOLA AND HACIENDA LUISITA.
ALL ARE INVITED ESPECIALLY THE FARMERS AND JOURNALIST.
SEE U THERE….