Hot-Blooded Pinoy Expat


[103] Ang Umaapaw na Pridyeder

Ipinaskil sa Buhay Dubai, Ehersisyo't Diyeta, Pagkain at Kainan ni hisnameisdencios on the Hulyo 19, 2009
Tags: , , , , ,

Heto ang masaganang pridyeder namen. Pero bakit may bilog na nakasingit kanyo sa litrato? E kasi iyang binulugan ko mga bossing ay siya lang na pag-aari ko!

DSC00299

Nakakaawa ba? E paano naman kasi ay hindi namen kame bespren ni kusina at ang lagi ko lang na hinahanda kapag sinipag ay iyung madadaling lutuin pero healthy. Kadalasan ay sa labas na ako kumakain.

At ang Dioniscio nyo ay saksakan ng eng-eng lalo na dati na kahit itlog ay hindi ako marunong maglaga!

Pero kahit paano naman ay nagpupursige akong matutong magluto. Heto nga at nuong isang araw ay nagluto ako ng egg noodle, tuna, mushroom, itlog at nilagyan ko lang ng asin. Hindi na ako naggisa kasi hindi ko na talaga ginawa. Haha. Heto sya sa baba.

DSC00292

Mukha naman siyang masarap hindi ba? Pero sa totoo ay puede na din naman ang lasa at nabusog naman ako.

Teka narito pala ang apat sa mga stock na hindi nawawala sa cabinet ko o sa pridyeder.

Una, Vitamin C. Syempre minsan ay hindi ako nakakabili ng prutas kaya dapat may vit.C man lang ako twice daily.

DSC00293

Ikalawa, Fruit Juice. May nabibili namanĀ  na fresh 100% fruit juice na tumatagal ng 3-4 na araw lang. Bukod sa tubig ay mahilig talaga ako sa mga juice lalo na ang mixed at pineapple. After gym kasi ay hindi ako nasa-satisfy lang sa tubig.

DSC00297

Ikatlo, Brown Bread at light Garlic Mayo. Hindi kasi ako madalas mag kanin. Kaya ang karaniwang makikita mong stock ko ay isang katerbang brown bread with light mayo.

DSC00295

At ang pinaka huli ay Tea – Green Tea or Yellow label. Syempre kailangan ng Dioniscio nyo ng anti-oxidant at hindi naman kaila talaga ang benefits ng tea sa katawan hindi ba?

DSC00294

Paminsan ay nag o-oatmeal pa din ako pero sa ngayon ay mas pinili ko na din ang mag kanin sa tanghalian kung ako mag mag-eehersisyo sa gabi.

Yun lamang mga bossing! Start the week right and healthy! Oh huwag kalimutang mag stretch man lang ha?

20 Tugon to '[103] Ang Umaapaw na Pridyeder'

Magpahatid sa mga puna sa pamamagitan ng RSS o BakasPabalik to '[103] Ang Umaapaw na Pridyeder'.

  1. Nikko sinabi,

    minsan lang ako nagpuprutas pero waala akong maintain na vitamins..
    malakas naman katawan ko kahit laging puyat hindi pa din naman ako nagkakasakit…

    pero feeling ko malapit na hahahha… xDDD

    napadaan lang po..

  2. Alea sinabi,

    muka naman masarap ung luto mo kuya dens =) try ko din magtea. ung mama ko kasi kinukulit ako. eh tutal nandito naman pala sa list mo yan.. malamang subukan ko na rin. alam mo kuya dens. dapat sa talk show ka eh! ung pangkalusugan segment! hahhaha.


  3. yeah,, mukha nga xang masarap..sana matuto din ako magluto ng ganun..ahehe

  4. yhen sinabi,

    sobrang healthy talaga ng mga pagkain mo kuya dencio… galing… bilib na talaga ako sa lifestyle mo… ;-)

    yaan mo ipagluluto kita minsan… haha… ;-)

  5. livingstain sinabi,

    i love tea… lalo na yung lipton milk tea…

    ano naman lasa nung niluto mo, siguro anak mayaman ka noh.


  6. wow naman! hmmm may natutunan ako sa syo ka dencio haha

    ms diet girl din ako pero di ko inaaply gaano. ang resulta??? tabachingching!

    mukhang masarap nga yun picture sa taas :D

    add po pala kita sa link ko :D

  7. TSI sinabi,

    Naks sarap ng brown bread dencios, kala ko pa naman sayo lahat yun haha! nako green tea hindi ko makaya totoo.

    • dhyoy sinabi,

      green tea…? parang tea na nilagyan ng toothpaste hihi…

      • TSI sinabi,

        Basta. Pacoins joyo.

  8. barrycyrus sinabi,

    mukhang masarap yng pasta hehe

  9. Mars sinabi,

    ayun
    kahit di marunong magluto health conscious pa rin a

  10. bernardumali sinabi,

    wow healthy living talaga! okay naman daw mag rice sa breakfast at lunch , wag lang sa gabi.

  11. blurosebluguy sinabi,

    kaya naman pala yun lang ang contributio mo sa pridyeder nyo…eh di ka naman pala nagluluto at panay kain mo sa labas…..at talaga lang ha..healthy conscious mo parkoy…no wonder….hahahahhahahaha

  12. anakngpating sinabi,

    haha napag kamalan ka pang anak mayaman hehe,,

    abat nag ra rice ka na talaga ..

    parang masarap ung noddles na may itlog lang pero walang mushroom hehe..

  13. curious_girl sinabi,

    whoa! mkhang buhay ung noodles na yan..

  14. dhyoy sinabi,

    hmmm…. usapang pagkain…. nakakagutom

  15. marvin sinabi,

    lols…kala ko kung ano na. ascorbic pala un! :-) gusto ko yung mixed berry juice. na-try mo na?

  16. flamindevil sinabi,

    healthy living.wow

    buti ka pa nakakayanan mo walang kanin.

    galing

    ako wheat bread para full of fibers

  17. Ampness! sinabi,

    Waw, usapang pagkain ito. Nakakagutom tuloy. ;)

  18. sandi sinabi,

    daming laman ng ref mo pareko’y! ganda puro mga heatthy foods.

    siya nga pala.. lumipat na ako ng bagong bahay

    eto ang link: http://angtangingyaman.com

    maraming salamat,
    sandi


Mag-iwan ng Tugon