[100] Sayang ba ang pagka-Biodiversity ng Pilipinas?
Pauna: Hindi na busy ang Dioniscio nyo at ang magandang balita e hindi na din ako hiatus tulad ng aking nasabi at sa mga nalaswaan sa litrato ko dito pasensya na pero hindi ko na iyan tatanggalin. Kung nasagwaan ka ay malaya kang makakaalis, huwag ng dumalaw at ayus lang sa akin!
Teka may balita ako.
Edukasyong pangkalikasan ang tema ko ngayon.
Kangina lang ay binutingting ng Dioniscio nyo ang Wikinews at nakita ang balitang ito.
Sinasabi kasing mayroon diumano isang klase ng ibon na “akala” ng mga Ornithology (o yung isang branch ng Zoology na nag-aaral tungkol sa mga ibon) ay extinct na. Pero nagulantang ang mundo na sa Pilipinas ay mayroon pa pala!
Heto kamo ang istorya mga bossing.
Etong si Desmond Allen na isang Birder ay nanood ng DVD copy ng paborito kong i-Witness hosted by Mr. Howie Severino na ang episode ay tungkol sa “akik” o yung tradisyunal na pamamaraan ng panghuhuli ng ibon sa Nueva Vizcaya. Duon nakita ni Allen ang ibong nakikita lamang nila sa sketch at mga specimens a century ago pa, take note century daw mga bossing meaning 100 years ago pa ang pinaka huling specimen!
Sa madaling salita ay na-document ng programang iyon ang ibong sinasabing matagal ng extinct ng International Union for Conservation of Nature’s 2008 Red List pero sa Pilipinas pala ay mayroon pang nabubuhay PERO sa hindi kagandahan balita ay nabibili sa halagang P10 (sampung piso) at kinakain lamang ng mga tao! Narito sa kaliwa ang itsura ng pobreng ibon na tinatawag sa pangalang Worcester’s Buttonquail na syempre ay sa Luzon lamang makikita.
Nagulat naman ako sa balitang ito noong Pebrero 2009. Ilang buwan na din akong huli sa balita pero sigurado ay karamihan sa atin sa blogosperyo ay hindi pa rin ito alam.
Sa totoo lang patunay ito na napaka diverse ng kalikasan at yaman ng Pilipinas. Hindi naman natin masisi ang mga lokal na tao sa paghuli’t pagkain dito kasi ay hindi naman tayo informed tungkol sa kung ano ang mga endangered creatures sa paligid natin. Heto nga’t kahit si Mr. Howie Sevarino ay naglitanya sa kanyang blog na,
I have also been taken to task by some blog readers for allowing it happen. To be fair though, not being a bird expert, I had no idea at the time of what was just caught by native bird trappers in the Caraballo Mountains in Nueva Vizcaya.
Sa isip ko lang WALA namang may kasalanan kahit nabalita din sa National Geographic na kinakain daw sa Pilipinas ang akalang extinct na ibon. Eto ang artikulo. E kasi nga hindi naman aware ang mga tao. Hindi sa sayang ang pagka biodiversity ng Pilipinas. Dapat lang ma-inform ang mga tao. O di kaya ay matuto tayong gumamit ng natural resources sa paraan hindi ito mauubos. Pero gayunpaman ay informed na din ang DENR ayon sa interview ni Mr. Sevarino at sana magkaroon na ng disiplina ang bayan ng Nueva Vizcaya at syempre ang buong Pilipinas na pagyamanin pa ito kasi may pag-asa pa! Sayang naman kapag naubos ng dahil lang sa pagsasamantala ng tao, hindi ba?
Singit ko lang, sana yung mga politiko natin instead na gumawa ng mga issue na walang kalaman-laman para sa kanilang 2010 kampanya para sa eleksyon ay nagpo-focus na lang sila sa mga ganitong klase ng pagpapapogi. Kung ayaw nila nyan ay mayroon namang puedeng palawaking mga halamang gamot na until now e hindi pa din aware ang mga kababayan natin. Oh tas kapag nagawa nila yan saka nila i-commercialized TV or Print Ad para sa campaign at strategy nila kahit pa kasama ang nagmumura nilang mga mukha tas saka nila ipalakol sa mukha ng taong bayan! E di ang ibinato nila ay may magagawang matino sa buhay ng pagsisilbihan nila. E di mabibigyan pa ng trabaho ang maliliit na Pilipinong nag-i-invest dun!
Kung anu pa man e hindi pa nahuli ang lahat para sa ating likas na yaman. Sana mabigyang pansin. Next post ko abangan nyo ang mga sinasabi kong products na very rare sa kaalaman natin.
sa Hulyo 14, 2009 sa 4:26 hapon
ang cute nung bird.. parang eagle.. nakakalungkot talagang isipin na marami ng hayop ang nagiging endangered.. ng dahil na rin sa mga tao.. I remember one time nung namyesta kami sa Bicol, di ba endangered species na ang Butanding o whale shark pero isa yun sa handa ng isang pamilya roon. nakaka lungkot. kawawang malaking pagong.
sa Hulyo 15, 2009 sa 3:50 umaga
I remember one time nung namyesta kami sa Bicol, di ba endangered species na ang Butanding o whale shark pero isa yun sa handa ng isang pamilya roon
**a talaga? yay! kawawang isda. may post din ako tungkol sa kanila. e siguro ganyan na nga tayong mga pinoy. awareness lang talaga ang kailangan natin.
sa Hulyo 14, 2009 sa 10:39 hapon
pssttt.. dencio, sali ka na sa barrio. contribute ka na.
sa Hulyo 15, 2009 sa 3:51 umaga
kapag mayroong unique na topic ibabato ko kay kamahalan
sa Hulyo 15, 2009 sa 2:58 umaga
awww… kasi naman kapag Pinoy ang nasa isip agad eh pagkain. pag may nakitang palaka, pagkain, ulam agad.
nakakalungkot isipin na hindi tayo aware sa mga endangered species na yan. pero sa tingin ko kung nalaman naman nating mga Pinoy yan eh pangangalagaan naman siguro ng Pinas. Iyon nga lang kulang na naman sa budget. Pero hindi ako naniniwala na kulang talaga sa budget. may magic lang kasing nangyayari.
sa post mong ito mapapatunayan lang talaga na mayaman ang Pilipinas. ang kulan lang eh hindi kasi tayo ang nag-eexplore dito kundi ang mga foreigners.
may nabasa ako dati eh na ang nata de coco daw eh ginagamit sa micro chips. napawhaaaat ako dun ah. eh paano ba naman kasi sa atin pagkain lang iyon tapos sa kanila kaya pala nilang iaapply sa technology.
mukhang pagkain talaga tayo! hay!
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:36 umaga
a talaga? nata de coco? hmm.. well ang seryoso ata ni cutie ngayon at nawala ang “hakhak” mo
tungkol sa pagkain, kasi wala na makain dahil sa kahirap. sana nga mabigyan ng pamahalaan nila ng pangkabuhayan.
sa Hulyo 16, 2009 sa 3:50 umaga
ay oo nga noh! walang hakhak! napaserysoso ata ako dun ah!
close to nature kasi ako. kapag nature pinag-uusapan… kelangan ang seryosohan.
sa Hulyo 15, 2009 sa 3:27 umaga
Naku, balik ka ulit sa apoy, teka mamaya ako magbabasa natatae ako..
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:34 umaga
ewww. haha
sa Hulyo 16, 2009 sa 5:16 umaga
hahaha, impernes.. katawa tawa.
sa Hulyo 15, 2009 sa 3:50 umaga
napanood ko tong episode na to. kakalungkot kasi dinadakip to ng mga locals para kainin. sayang talaga. siguradong marami pa tayong ibang hayop na nawawala na sa abuso ng tao.
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:34 umaga
oo nga. minsan nauubos na hano bossing? may koleksyon ka din ba ng animal shots like cool water?
sa Hulyo 15, 2009 sa 9:37 umaga
nakalulungkot naman ang mga ganitong isyu. kung tutuusin hindi naman ginawa ni God ang mga ibon para kainin or gawing kung ano ano lang. may mahalagang purpose ang mga ito sa ating daigdig kung kaya’t naisipan ni Lord na icreate sila pero ano lang pala ang gagawin ng pipol sa kanila diba?
mahirap magjudge ng tao. dahil na rin may mga sarili silang dahilan kaya nila ginagawa yun pero ang mas bigyan pa dapat pansin eh ang pagpapahalaga sa lahat ng living creatures sa mundong ibabaw. thou may mga designed para maging peste pero kelangan parin sila to maintain balance in nature…
ah basta yun na yun, ang point ko lang kuya eh kelangan nating alagaan, pahalagaan at mahalin mga nasa paligid natin.
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:32 umaga
oo nga hinay hinay lang sa pag gamit. wag naman ubusin
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:13 umaga
Hmmm, I too am a follower of Howie’s blog…
I met him once in Malapascua Island…
At hindi ako makikipagdebate sa yo ngayon…
We are in agreement…
I was actually the first to comment in his post and I told him that the media has done a lot to change the attitude of Filipinos towards ecological conservation. Along the timeframe of his documentary, there was an incident when melon headed whales got lost and eventually wounded up in a coastal community. The locals showed concern by guiding the whales back to sea. I told him that the concern of the locals was a by-product of the campaigns on the critical linkage of human survival and preservation of ecological diversity. With regards to the poor bird, sometimes incidents like this happen to heighten our drive for conservation…
This is again a proof that in order to have a thriving eco-diversity, we must achieve the balance of people empowerment and ecological preservation. We need to have sustainable development – developing higher levels of living while having conserving resource to eventually make it sufficient. And it is my belief that the only way to achieve this is to take pro-active steps to deliver the people in this area out of poverty. And you are right, the first among these steps should be proper education coupled with alternative means of livelihood.
Ecological preservation cannot stand against the primal need of man to feed his hungry stomach.
However inasmuch as we are bent to complain and to spurn out litanies, articles and stories such as this incident should always lead us to the man we see in the mirror. We should ask that man: What have you done lately?
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:31 umaga
alam mo hindi ako naniniwalang sa poverty lang yan. kasi may mga encounter ako na mayayaman pero naghahanda ng mga exotic food na rare lang talaga. eng-eng lang kasi tayo talaga.
kahit naman mahirap pag sinabihan mo nyan susunod yan e kung mabibigyan ng ibang trabaho ng gobyerno. e diba ang pamunuan naman nagbibigay ng mga alternatives. di na lang sila susunod uless matigas talaga ang ulo at gustong kumita ng malaki.
We should ask that man: What have you done lately?
arki ako, I/we study too and design sustainable living na kasama na lahat pati ikabubuhay nila pero syempre dapat lang alam din nila ang limits nila pag lumagpas na sila sa mga titirahin nilang resources outside. dun dapat aral na sila. yung iba kasi kahit alam na nanghuhuli pa din para mabayaran ng malaki para i smuggle sa ibang bansa.
bossing im not complaining at nag litanya lang ako hindi sa taong nakatira at nanghuhuli kungdi sa politiko na hindi na lang ito ang tutukan kesa magpapogi ng kabantutan lang.
sa Hulyo 15, 2009 sa 12:20 hapon
Ehem… Di nga ako nakikipagdebate eh… Hehehe…
Ibalik natin sa basic issue doon sa documentary… The kids and the people in the area basically do bird catching in order to eat, either they eat the birds or they sell it to buy other food… In other words, the people are poor… They also do not know the ecological value of the birds they are catching. It means they have this “rectifiable ignorance”. They can be taught about it… Kaya ko sinabi na ang solution is “proper education coupled with alternative means of livelihood”… Hindi pwedeng purely education lang or purely pagsabihan lang. Our primal need will rise above any law or authority. And that primal need is rooted in self-preservation.
This is the same in a case I encountered. You may check my Buagsong entry. I have convinced myself to do something about it and I must admit, it is easier said than done. But this must not deter us…
Naku, hindi patungkol sa’yo yung complaining and litanies part…
Figure of speech yun for everyone, myself included…
Hindi lang siguro na-expound yung “we are in agreement” part. Sorry, lesson learned.
I like posts like these that allow much room for self taught and provocation, with little rants but hopeful at the end. This is what YOU have done lately.
Okay na tayo kapatid?
sa Hulyo 15, 2009 sa 5:52 hapon
WELL SAID BOSSING! im sure mas maiintindihan ng mga babasa ang post ko dahill sa mga insights na yan!
Thanks sa iyong infos.
Deserve an applause!
yipeee!
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:46 umaga
pero kung tungkol sa i-witness (na hindi ko napanood) mismo na kung halimbawang tungkol sa kahirapan kung bakit nila nagagawa yun e dapat nga talagang masolusyunan yun.
sa Hulyo 15, 2009 sa 11:54 umaga
talaga na meet mo na sya? ako na meet ko pa lang si mr.clavio at si mr.mike gusto ko din sana si kara. ang gagaling kasi. nagyon lang ako nakadalaw sa bahay ni mr.howie medyo intimidating kasi inglesan haha.
sa Hulyo 15, 2009 sa 12:37 hapon
Oo… Last year sa Malapascua Island, Cebu. Gumagawa sila ng documentary tungkol sa mga nalunod na barko. May nalunod kasing barko na malapit sa isla… Nagulat siya na may nakakilala sa kanya dun… Tinabihan niya kami at kinausap ng matagal habang kami ay kumakain…
Gusto ko ring ma-meet si Kara… Ang galing din niya…
Bakit ba takot ka sa inglesan ha? Hehehe… Pasensya sa mga comments kong puro Ingles… mas komportable kasi akong nagpapahayag ng opinyon at kuro-kuro sa Ingles… Pero hindi naman ibig sabihin na bano ako sa Filipino…
sa Hulyo 15, 2009 sa 5:47 hapon
a nakita ko na si kara kaso tumatakbo siya gusto ko sana habulin kaso baka sabihin stalker ako haha. kidding aside e magagaling talaga sila. si howie at kara talaga ang gusto ko. buti kapa nakausap mo na sya. hehe. neweys salamat sa infos
bukas submit ko na entry ko sayo
sa Hulyo 19, 2009 sa 10:02 hapon
ako din may gustong sabihin kaso nangangamoy debate na dito. hahahhahahhaa. tska nakadebate ko na yata si kuya coolwaterworks. baka galiit na sya sa akin. hahahahhaha. =)
sa Hulyo 20, 2009 sa 3:17 umaga
Toinks! Hehehe…
Hindi ito debate… Ito ay palitan ng kuro-kuro…
At okay lang yun kahit magkasalungat ng opinyon. Ito naman ang dahilan bakit may pagpapahayag ng sarili eh. Marami kasing mga tao na iniisip nila na ang pananahimik at hindi pagtugon sa isang salungat na opinyon ay paggalang. Mali iyon… Ang tunay na paggalang ay ang pagbabahagi ng iyong sariling paniniwala sa kasalungat at pagbibigay ng pagkakataon sa kanya na ipaliwanag ang kanyang sariling paniniwala… Yun ang tamang paggaling…
sa Hulyo 15, 2009 sa 3:21 hapon
mayaman tayo sa kalikasan…bio-diversity paradise kayo tayo…ang siste kokonti lang ang nag-aaral tungkol dito…walang pondo ang gobyerno! huh!
sa Hulyo 15, 2009 sa 5:48 hapon
oo nga. di napopondohan. sana yun ang gamiting pagpapapogi ng mga running soon to be politicians hano?
sa Hulyo 15, 2009 sa 6:10 hapon
like what you said, mis-,dis- at uninformed ang mga pinoy tungkol dito – at least ang isang pangkaraniwang juan de la cruz na ang focus eh kung paano mabubuhay sa isang araw. yun namang nakakaalam (i.e., the gobyerno?) eh ang tamad mag-inform! maniwala ka namang hindi alam ng denr o ng dost o ng kahit ano pang sangay ng gobyerno na dapat makaalam ang tungkol dyan! sheeez!
sa Hulyo 16, 2009 sa 6:22 umaga
hindi ko alam e. pero at least sa ngayon alam na ang dapat gawin. di ba?
sa Hulyo 16, 2009 sa 3:09 umaga
Ganda ng topic mo Pareng Dencio. I like the exchange of opinions between you and CWW and the rest here. I guess as early as my childhood, i had those “uneducated encounters’ with bioversity since i grew up in a lake and farm. The problem is – those early encounters are often perceived more as experiences with poverty rather than a breeding educational ground. So eventually, since they viewed as something to overcome, every poor child then develops the desire to get out of the barrio as early as possible and navigate the more dangerous diversity of urban life. I’m thinking if somehow we could capitalize the experience of poverty in the countryside by turning it into an educational avenue. Mas malawak sa tingin ko ang kamalayan ng mga batang lumaki sa hirap sa kanayunan kung hindi lang lagi ipamukha na they have the urgent need to leave the sea, lake, rivers, mountains, farms. they have so much so to teach us if only we learn to tap the growing resources…
sa Hulyo 16, 2009 sa 6:52 umaga
agree ako dito:
“we could capitalize the experience of poverty in the countryside by turning it into an educational avenue”
totoo yan kasi mas may pitik ng katotohanan kung sa kanila mismo tayo matututo.
may ishe-share pala ako kasi 2 years ago we had vacation in Anilao Batangas na kung saan ang may-ari ay pinapahawak lang sa isang maliit na pamilya ang pagpapatakbo. sa totoo lang hindi ko sya masabing magandang resort kasi hindi naman sya talaga dinesign as a resort to attract tourist. siguro kung sino lang ang may gusto they can stay for a night or two. teka hindi yan ang kwento hahaha.
kasi kamo boss dfish umagang umaga that time nung makita namen yung anak ng katiwala na nakahuli ng ilang maliliit na isda, to be specific ay danggit at ilang sea horse na maliliit. nagulat kamo ang nanay nya at inutusang pakawalan ang mga nahuli kasi maliliit pa lang daw. at baka daw maubos agad.
isang example na hindi naman kailangang ituro sa tao yung importnace kung paano ipe-preserve o padadamihin ang likas na yaman natin. unless may pilit talagang umaabuso to earn much money.
sa case nila hindi daw nila inaabuso yun kasi they try to find alternatives sa paligid nila.
iyun ang maganda sa pamilyang pinoy na yun.
tama ka nga ser dfish mas matuto tayo sa kanila.
it a matter of parang balancing of nature e. kumbaga dapat we consume in a matter na hindi mauubos.
yun nga lang tama ka nga na minsan dala na ng kahirapan kkung bakit napipilitan silang ubusin ang resources kasi nga naman walang alterntive way to sustain living.
naalala ko tuloy since architects and designers kame we should always provide a design which could have an expansion for livelihood kasi common problem iyan lalo sa mga pabahay na walang means of growth and of living. basta makatayo lang ng bahay. ni walang provided garden para makapagtanim ng gulayan para makatipid man lang.
kaya nung nagpatayo ako ng bahay nilagyan ko talaga ng space where i could at least get other roesources sa oras na gipit. in a little way ican help myself and others too na nangangailangan o kahit pang pa meryenda man lang sa tulong ng tamin mo.
yun lang hehe. nako ser dfish si CWW talaga ang da magaling sa mga ganyan. very matalino at syempre salamat din sa opinyon mo
sa Hulyo 16, 2009 sa 4:08 umaga
ako naman ang busy.. buti ka pa hindi na!
sa Hulyo 16, 2009 sa 6:52 umaga
haha. yari ka!
sa Hulyo 16, 2009 sa 10:07 umaga
waah! hindi to pwede!
sa Hulyo 16, 2009 sa 5:14 umaga
imperness..
DENR entry na ba itoo? kung kelan wala na ko dun, saka ka naman nag entry ng ganito. tsk tsk. hehehe..
anyhow, iboto ako! hahaha..
)
it’ll really help, promise.
comment ka naman sa blog entry ko para sa kontes ni mon!
yung entitled “humihinga pa ko…” yung entry ko.
thanks! dencios, namimiss na kita! WOOT!
sa Hulyo 16, 2009 sa 6:52 umaga
np. daan ako sayo mamaya
sa Hulyo 16, 2009 sa 6:25 umaga
shitness. parang nakakain na ko nito nung nagpunta ako sa pampanga, sa mga ayta. anak… hehehe btw hanggang august 31 pa ang competition kaya mahaba-habang panahon pa para mag-isip at makasali; kahit hindi para sa kompetisyon, para na lang sa cause at para may mabasa ang mga mag-aaral na pwedeng mahiram sa kanilang mga takdang aralin sa Filipino
sa Hulyo 16, 2009 sa 6:54 umaga
“shitness. parang nakakain na ko nito nung nagpunta ako sa pampanga, sa mga ayta”
haha. ok lang. tama na yung isang beses haha.
ok subukan nating makasali dyan sa pakontes mo
sa Setyembre 29, 2009 sa 1:03 hapon
[...] sana mga ganitong paraan ay puedeng maka-breakthrough ang Pilipinas sa kasikatan (sikat na talaga tayo kaso kamo ay sikat din tayo sa pag-ubos kasi ang laging dahilan ng umuubos ay h…) kasi sa totoo lang naguumapaw ang pagka-biodiversity ng ating lupain kaya sana hindi [...]