[97] Ang Ilog sa aming Barrio
…na isa sa mga pinaka maruruming ilog sa mundo ayon sa Blacksmith Institute. Matagal ng issue ito at alam kong alam na ito ng buong blogosperyo. Nais ko lang balikan at ipakita ang ilan sa mga litratong aking nakalap. Interesante ito sa akin kasi ay halos kapitbahay lang namen ang ilog na ito at nakakalungkot na isiping lumaki talaga akong nakikita kung paano ito nasira.

source: inquirer.net

source: dirjournal.com

source: dirjournal.com

source: dirjournal.com

source: dirjournal.com

source: virginpecopro.net/yahoo_site_admin/assets/images/img007.93214908.jpg
Klik mo langĀ ito at ito para sa ilan pang mga balita noong taong 2007. Kung anu pa man ay positibo pa din ang pananaw ko na nagsisikap ang bawat mamamayan ng Marilao at ang Pamahalaan nito hanggang ngayon upang mabuhay muli ang ilog sa aming Barrio na kinalakhan ko (para sa mga di nakakaalam ay ang Dioniscio nyo ay sa dubai na nakatira).
Sino ba maaaring makapagbalita sa inyong lingkod at sa ating mga ka-blogosperyo tungkol sa kalagayan ng ilog na ito sa ngayon? May aksyon nga ba o wala? Bukas ang aking kemonto seksyon. Salamat!
nakakalungkot ang estado ng ating mga ilog sa ating bansa…
reyalidad na siguro sa atin ito pero wag mawalan ng pag-asa!
akala ko noong unang binasa ko, akala ko tinutukoy mo ILONG…ILOG pala..he he he….
that just show marami paring mga mangmang ang naninirahan sa Pinas..
Kailangan lang ng wastong EDUKASYON.
halos ganto rin sa amin…malamang magkarugtong ang ilog sa marilao at hagonoy…
Akala ko ang Ilong mo ang pinakamarumi sa inyong barrio… Ilog pala….
sa mga nakikita ko sa picture, marumi nga and im sure na maraming mikrobyo na maaring masagap sa ilog na yan.
Nasa disiplina na rin kasi ng mamamayan pagdating sa bagay na yan, hindi dapat magtapunan ng basura at kung anong mga bagay na ikarurumi ng Ilog.
Tara Ligo tayo sa inyong Ilog.. lol!
Naku sana masagip pa mga ilog natin.
Kapatid, nagagalak ako at optimistic ang post na ito…
Kung wala pa ring nangyayari sa Marilao River, then, dapat pa ring i-intensify ang campaign for its rebirth…
At tandaan, hindi sa lahat ng panahon dapat umasa sa gobyerno. A good citizen always show concern and takes the first initiative…
Mabuhay ka kapatd!
(O, hindi kita kinontra ha! Hehehe… )
Naku, kakalungot pa rin pala… Pero malaki ang nagawa ng Marilao LGU… Ang problema lang ang mga karatig bayan…
Heto ang latest news na nakita ko…
hmmmm saklap no?
pero ganon talaga… dapat nga talaga mag umpisa sa sarili yan
haizzz sana maayos pa rin yan para pag dumadaan kami sariwang hangin na ang malalanghap
hindi na ko magtataka kung bakit napabayaan ang ilog na yan, awareness at kamangmangan..dito nagkulang ang iba nating kababayang pinoy
nakakatakot, nabalitaan ko nga hindi daw umaagos ang tubig diyan… kailangan pang mapansin ng iba para mas mapagtuunan ng atensyong linisin, pero kung ok na sya ngayon mabuti naman…
musta dionisio
grabe talaga ang ilog pre, talagang napapasama sa listahan ng mga pinaka, mukhang mahirapan ng malinis yan, kasi dyan halos lahat ng daluyan ng mga galing sa mga malalaking kumpanya na dumi
Madami akong memories sa ilog, kasama na ang romance haha. Pero dito, mukhang walang ka romance romance Pareng Dens. Tsk. Tsk. Tsk.
naalala ko rin ung marikina liver na tuloy sa pasig river ang dumi din dati nun ..
tapos ngayon wag ka ok na ehhe..
kaya naging maturista din dun samen hehe..
dahil sa papansin na mayor namen hahha..
pero astig naman haha..sikat ang marikina haha..
wala lang may masabi lang..
ganyan pala sa marilao dati
para din palang ilog pasig ang Marilao River.
May malaking ilog din dito sa aming barrio. madumi na rin.
ang ilog daw ay syang kaluluwa ng bansa. nakakalungkot isipin na repleksyon ito ng pagkamamamayan natin. Sa tingin ko, tama ang obserbasyon na ito ay responsibilidad ng lahat; hindilangng pamahalaan o ng mga nakatira sa tabi bagkus pati ng industriya na may malaking bahagdan sa pagkakalason sa ilog, at maging tayo kung saan ang household waste na tinatawag ay deretso rin palang napupunta sa mga ilog.
gayundin nanininiwala ako na kaya pa nating linisin at maibalik sa dati ang kinang ng ating mga ilog.
ano sa palagay mo?
at least, kayo-kayo na rin ang gumawa ng paraan para maging malinis uli ang ilog na ‘to.
oo nabalitaan ko din to.
may pag asa pa yan. disiplina lang naman talaga ang kailangan nating mga pinoy.
bawat ilog ng Pilipinas ay may pag asa pang luminis.
nakakalungkot isipin na ang mga likas na yaman ng ating bansa ay unti-unting nasisira dahil sa kawalan ng disiplina ng mga tao. hindi lamang ito responsibilidad ng gobyerno. responsibilidad ito ng lahat ng tao lalo na yung mga nakatira sa paligid ng ilog.
at bulakenio ka pala parekoi. ang lupet ng research. nangalap ka pa talaga ng news clippings eh no? mapalad ang bayan ng marilao sa mga anak niyang may pakialam tulad mo. sa kasamaang palad, hindi ko pa nararating ang lalawigan ng bulacan. kaya hindi ko alam kung ano ang estado ng ilog niyo. hehe.
tsk tsk
sad. really sad.
wala kasing disiplina mga tao.
pwe.
lilinis din yan balang-araw. hanggang ngayon nga naniniwala pa ako na uunlad pa ang Pilipinas… yan pa kayang ilog na yan.. syempre namn oo!
tsk. tsk. tsk. nakakapanghinayang talaga. naaalala ko pa noong bata ako sa ilog kami naliligo linggo-linggo kasama ng mga kalaro ko. it’s a dying tradition.
love,
nobe
http://www.deariago.com
http://www.iamnobe.wordpress.com
anu bayan nakakahiya, isa sapinaka maruming ilog sa buong mundo!!!!!!
namamatay na ang mga kamaganak kong isda hellp
yay, parang yung ilog sa bocaue kung san lumubog yung pagoda at maraming namatay.
samin my malinis pa naman, yung sa likod namin sa tumana kelan lang natuyo naman.
meron pa, sa pogpog at sa bakas, malinaw pa sarap pang paglabahan at dun mo sa batuhan ikukula,pero matagal tagal ko na ring di napupuntahan pero sabi malinis pa till now.
taga marilao ka pala bok, dati akong agogo dancer sa marilao, nabuking lang na di pala ako 100% babae kaya ako nasipa.