[95] Huwag kalimutang ngumiti ha!

Kanina ang Dioniscio nyo ay gumala at napadpad sa tindahan ng mga telepono. Tumingin-tingin lang naman at walang balak bumili.
Papaalis na ng nakita ko ang batang babaeng Indian na sa tingin ko ay mga 3-4 na taong gulang na ngumiti sa akin at tipong gustong makipaglaro. Hayun pinakitaan ko ng pinaka matamis na ngiti at nakipag taguan pa sa likod ng mga displays sa kanya.
Tinakpan ko pa ang aking mukha sabay bukas at sabing, “iiiiiit… bulaga!”
Tuwang tuwa siya at akala siguro ay nasa Zoo at ako ang isa sa mga hayop duon! Haha. Naalala ko tuloy ang adventure ko sa Dubai Zoo.
Hay… Nakakatuwa ang eksena namin ng cute na batang iyon.
Naisip ko sana ay ganun din tayo tulad ng isang bata na hatid ay iyung magaang na karakter para sa kapwa.
Hindi man natin sila batiin o ngitian ay at least hindi tayo mabigat tignan at positibo ang hatid ng ating presensya sa ibang tao.
Ang sekreto ng Dioniscio nyo? Nako lagi kong pinapaalala sa aking sarili na habang nagpapasalamat ay dapat nakangiti parati.
Aba malay natin at baka maging “anghel” pa tayo na makapagpagaan ng loob sa kapwa, hindi ba? O may kwentong anghel pa ako na may magandang aral, klik mo ito.
O mga bossing huwag kalimutang ngumiti ha!
sa Hulyo 3, 2009 sa 8:44 hapon
C”,)
sa Hulyo 3, 2009 sa 8:45 hapon
(“,)
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:01 umaga
sa Hulyo 4, 2009 sa 1:15 umaga
Ganun ata talaga pag tumatanda na, nababawasan ang pag-ngiti. Kasi kapag bata pa lang walang iniisip na problema at puro laro lang.
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:03 umaga
basta ako hindi feeling tumatanda
sa Hulyo 4, 2009 sa 3:59 umaga
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:05 umaga
hi cutie!
sa Hulyo 4, 2009 sa 4:14 umaga
wow.

opo.
ngingiti na ko palage.
hehehe.
gusto ko rin ng mga bata
pero hindi naman ako
pedophile.
bsta there is really
something in them
na nabanggit sa blog
na to….
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:06 umaga
tama ka nga. nakakatuwa ang mga bata hano?
sa Hulyo 7, 2009 sa 6:54 umaga
oo. sobra.
sa Hulyo 4, 2009 sa 4:31 umaga
nako bat nagkarron ng ganto sa blog mo!
hehheehe
bata. oo bata
pero di na ko bata.
hehehe
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:40 umaga
di ka na bata jason, alam mo yan haha
sa Hulyo 4, 2009 sa 4:32 umaga
SMILE!! =)
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:41 umaga
smile!
sa Hulyo 4, 2009 sa 5:15 umaga
hehe ,.
basta pag dating sa chikiting ko hehe kahit ang kulet..
ngiti pa rin ang lola mo haha..
smile..
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:42 umaga
i know.. alam ko ang mga sakripisyo mo..
sa Hulyo 4, 2009 sa 5:17 umaga
Ha? ’san ang camera?
Say “CHEESE”!
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:42 umaga
haha
sa Hulyo 4, 2009 sa 6:48 umaga
sige smile lang..cute yung bata dencio?
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:43 umaga
oo. parang maliit na sto.nino
sa Hulyo 4, 2009 sa 7:32 umaga
wow naman hehe im quite annoyed at brats
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:43 umaga
e kasi brat ka haha
sa Hulyo 4, 2009 sa 9:52 umaga
ngiti lang pala eh..
^_^

ayun! hehe
but i agree with your point! kasi ang magandang ngiti talagang nakakahawa. hahayz! babawas-bawasan ko na ang pagsimangot!
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:44 umaga
nako tatanda kasi tayo agad pag nakasimangot
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:18 umaga
oo naman maraming naidudulot ang pagngiti
natawa ako dun sa sinabi mong para kang isa sa mga hayop sa zoo
ito pala ang una kong komento nakita ko kasi to sa dashboard ko
salamat
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:38 umaga
url mo, nakalimutan mo
sa Hulyo 5, 2009 sa 7:03 umaga
loveofmanila@wordpress.com
ito po sorry baguhan lang
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:22 umaga
ako parating may handang smile sa lahat…nakasmile kahit walang tao….at walang kaharap.hahahahhah
sa Hulyo 4, 2009 sa 10:39 umaga
wag naman baka naman sabihin nabubuang na tayo nyan haha
sa Hulyo 4, 2009 sa 11:03 umaga
ang mga simpleng bagay talaga, napakalaki ng impact satin. nakakatuwang iimadyin ang paghaharutan niyo ng batang indian. para tuloy gusto ko nang magkaanak. pero ayoko pang mag-asawa. may mag-vo-volunteer kaya? wahehehe. jokeness.
sa Hulyo 4, 2009 sa 11:07 umaga
ladies! pagkaguluhan nyo na si pareng lio! hahaha
sa Hulyo 5, 2009 sa 6:28 umaga
yay. natawa ako dito. malay mo meron!
sa Hulyo 5, 2009 sa 6:27 umaga
nakakatuwa naman tong post mo! hehe. sana nga lahat tayo carefree tulad ng bata. walang mga galit sa puso at walang pagaalinlangan ngumiti sa mga nakakasalubong.
pareho tayo, pag nag thank you ako lagi akong nakangiti!
sa Hulyo 5, 2009 sa 11:51 umaga
ang gustong gusto ko sa bata ay ung pagiging sincere at honest nila. hindi kasi sila nahihiya or nagdadalawang isip na magsabi ng totoo.
sa Hulyo 5, 2009 sa 2:21 hapon
hmmmm… title pa lang napangiti na ako
sa Hulyo 6, 2009 sa 1:20 umaga
thanks for making me smile kuya…
sa Hulyo 6, 2009 sa 6:57 umaga
wow ang sarap naman… sana pag dumating ka ng pinas bubulagain mo din kami dito. nyahahaha…
ngumiti ka lang at lakihan mo….
sa Hulyo 6, 2009 sa 9:15 umaga
But of course! say cheese ^_^
sa Hulyo 7, 2009 sa 4:33 hapon
kuya! miss you.. am sorry if i havent visited your blog more often.. baka ngayon lang ako makakapag update ng wordpress ko.. dun kasi ako sa blogspot madalas tumambay!
ingat kuya!
smile!
sa Hulyo 7, 2009 sa 5:44 hapon
oo nga e. di ko pa na update ang broll ko. musta? mamaya bisitahin kita. muntik na kong magtampo sayo hehe
sa Hulyo 12, 2009 sa 4:00 umaga
aysus… nitong nakaraang araw. lagi ng nakastapler ang aking bibig para ngumiti. hakhak! smile and the world will smile back at you!
sa Hulyo 17, 2009 sa 8:51 umaga
[...] huwag kalimutang ngaumiti ha. Happy weekend sa [...]