Hot-Blooded Pinoy Expat


[88] Oras para sa Ehersisyo

Ipinaskil sa Ehersisyo't Diyeta, Kwentong Ako ni hisnameisdencios on the Hunyo 18, 2009
Tags: , , , , ,

Pagkatapos ng mainit na talakayan sa politika kasama si Coolwaterworks at usaping buhay OFW/Domestic Helper sa nito ko lang na entry ay usaping pang fitness naman tayo.

Napansin ko kasi na may mga nagtatanong na sa akin ng personal tungkol sa mga diet at ehersisyo. Aba e nagugulat naman ako. Bakit kanyo? E kasi ang Dioniscio nyo ay hindi naman Nutritionist o Fitness instructor. Ang payo ko ay sa Professional talaga tayo magtanong. O huwag sasama ang loob ha. Ako naman ay handang makinig at mag-share pa rin sa abot ng sapat na kaalaman ko. Kaya kapag alam ko e di sasagutin yan ng inyong lingkod. Ako naman ay mahal ko kayong lahat ano!

O heto nga’t may nagtanong na ano daw ba ang numero unong rason kung bakit hindi makapag-work-out ang isang tao pero sa totoo ay gusto naman talagang  mag ehersisyo. Napakamot ako sa ulo at sabay hirit, “Gusto ba talaga? Talagang-talaga?” Noon kasi tinanong ko na ang sarili tungkol diyan.

*Motivation ba ang kulang sa akin? Kasi kahit gusto ko puedeng kulang pa ako sa motivation o yung drive ko to pursue fitness. Tama?

*Bago ako mag ehersisyo, anu ba ang ideal na workout plan ko sa katawan ko? Ano ba ang dapat unahin? Samakatuwid, paano ba ako maguumpisa?

*At higit sa lahat, PERA. May pera ba ako pang gastos para sa lahat?

Pero napagtanto ko na ORAS pala ang kalaban ko. Bakit kanyo mag bossing? Simplehan natin ha. Kapag nakikita ko na lumalaki ang aking tiyan at walang bumabagay na damit sa akin, duon pa lang sa aspetong iyon ay motivated na agad ako. Unang tanong, “paano ako magsisimula?” Isip, isip, isip! Pinaka mabilis at matipid na paraan ay yung simpleng pagtulong sa gawing bahay, yung tamang lakad kung kaya na bang lakarin ang pauwi mula trabaho hanggang bahay. Tamang isports at diet. O di kaya ay push up/sit up o stretching pag gising sa umaga, paano? Click mo lang ito. Madaming puedeng gawin na makababawas ng timbang na hindi ka gagastos hindi ba? Sinimplihan lang naman natin. Kasi kung ano pa ang simple ay siya pang pinaka mahirap gawin!

Tanong ng Dioniscio nyo, Magagawa mo ba iyang mga simpleng bagay/gawain kung hindi ka magbibigay ng oras o di kaya/at tatamarin ka?

Tandaan mo lang ang tatlong (3) bagay na ito:

  1. Kawalan ng oras ang pinaka unang balakid sa pageehersisyo.
  2. Ang mga simpleng ehersisyo (tulad ng nabanggit sa taas) ay magiging epektibo para sa iyo KUNG mabibigyan mo sila ng sapat na oras araw-araw.
  3. Kung ano ang sabihin at idikta ng utak at puso natin, iyan ang susundin at magiging repleksyon ng ating pangangatawan. Ha? Ano kamo? Simple. Kung tamad ka, lolobo ka.

Ngayon kung ikaw ay pursigidong mag ala darna at kapitan barbel pagdating sa tindig at kaseksihan, seek professional help. Hindi naman siguro mahirap intindihin iyan.

Hihiritan pa kita, Tandaan mo wala sa haba ng pageehersisyo o bigat ng binubuhat mo ang susi para sa maganda at masiglang pangangatawan, nasa pagbabalanse kung hanggang saan lang ang iyong kaya. Masamng pinapagod ng sobra ang katawan.

Heto naman ako sa baba nuong naguumpisa pa lang sa pag eehersisyo.

SUC59888

109 Tugon to '[88] Oras para sa Ehersisyo'

Magpahatid sa mga puna sa pamamagitan ng RSS o BakasPabalik to '[88] Oras para sa Ehersisyo'.

  1. anakngpating sinabi,

    base heheh..

  2. anakngpating sinabi,

    wow ha un lang hehe…
    eh sa wala lang po talaga akong masabi hehe,,
    imposible na sayo ang walang mag kagusto..
    o mag ka kras..
    i know may isa sa blog world na nahuhumaling sayo hehe..
    wooot..
    opppppsssss..

    • dencios sinabi,

      ginugudtaym mo na naman ako hehe

      • Star sinabi,

        alam mo dencios, sa totoo lang hindi ka ginugudtaym nyan!

        sya kasi yun eh..

        *yun yown eh! LOL*

        *peace, lovely!*

  3. yhen sinabi,

    gusto kong mag exercise pero andm ko ding excuses… haaaysh

    i know i really need to lose weight dahil di para maging sexy pero para maging healthy.

    nwei, actually ang isa pang motivation ko talaga yung totoo lang ha, gusto ko pag kinasal ako eh maganda ako.. yun lang yun.. hahha

    • dencios sinabi,

      …kaya start kana ngayon :)

      • yhen sinabi,

        gustohin ko mang magstart kuya eh nagagahol ako sa oras…

        nagappatulong nga ako s aofficemate ko na regular sa gym eh, nagpapagawa ako ng program… hehehe…

        kelangan ko kc ng inspirasyon pag gagawin ko to eh… hahhaha…

        • yhen sinabi,

          teka bago na naman po header mo ah… cpag naman sa pag ayos ng header… hehe

        • dencios sinabi,

          wala kasi magawa. ako na lang onspirasyon mo :)

          • yhen sinabi,

            wahahaha… cge ba… y not! ;-) tatanungin kong utang na loob s aiyo pag pumayat ako.. hahhaha

            • yhen sinabi,

              i mean tatanawin pala yun di tatanungin hahhaa… litang…

    • elmot sinabi,

      oo nga, lahat tayo puro excuses pagdating sa exercise, ahahha! masipag sa simula, tamad na sa dulo, kaya wala, lumulubo pa rin ehehe!

  4. ana_banana sinabi,

    aba.aba.aba… pwede! hehehe…. tnx sa tips

    • dencios sinabi,

      uy, musta?

  5. Ax sinabi,

    ayun yun oh! hindi humihinga nung kinuhaan ng pics! hehe. ayos sa tips!

    nag-uumpisa pa lang yan? ano pa ngayon?

    • Ax sinabi,

      lumalaki na yung tiyan ko, anong dapat kong gawin? hehe. ay, hindi po ako buntis!

      • dencios sinabi,

        stolen yan boy kaya iposibleng sadyain kong hindi huminga.

  6. flamindevil sinabi,

    Kawalan ng oras ang pinaka unang balakid sa pageehersisyo.

    -i second that

    parekoy, madaya ka dahil payat ka na talaga.ako hindi, kaya mahihirapan.unfair!

    • dencios sinabi,

      haha.

    • jan geronimo sinabi,

      Huli! Busy daw sya. Nangangapit-bahay pala. Ahahaha. Okay lang, Rye. Ako nga, dami gagawin eh.

      Pero I’m here inuusyoso new look sa bahay ni Dencios.

      @Dencios:

      My observation: I like the muted feel of this new look. Makes for sharp contrast dun sa hot pic on display.

      The previous theme was scorching hot. I like it too. No, I was even envious of it. Ahahaha. Pero whatever works for you? Sama ako dyan. “,)


      • mute muna tayo ngayon ser jan. haha. salamat sa iyong opinyon. :D

  7. Mars sinabi,

    hanep ang katawan, ako minsan gusto ko rin magwork a, kaso wala naman ako iwork out na katawan hahaha, magjoging nga lang tinatamad pa ako

    • dencios sinabi,

      pag sinipag kana gawin mo na para di sapilitan :)

  8. jeremiah sinabi,

    hays..marami talaga ang problemadong pumayat at magmaintain ng weight ‘noh? habang ako naman hirap magpabigat.. :| may tips ka din ba para tumaba, no, para mag-gain ng weight? hihi.. :D

    • dencios sinabi,

      e di eatwell lang :D

  9. Winkie sinabi,

    Kung tamad ka, lolobo ka.

    ==> nyay! tataba ako?!

    • dencios sinabi,

      para lang sa mga nagtatanong iyan :) walang patama sa mga matataba o mapapayat. ika nga ni coolwater: As long as you are happy, the world will understand. :D

      • Winkie sinabi,

        hehehe… tinamaan ako dun sa “tamad” :P

        bago header ah! simple and nice! gawan mo nga rin ako! hehehe!

        • Star sinabi,

          ay winkie, impernes.

          ako din, tamang tama dun! LOL

  10. coolwaterworks sinabi,

    Ang masasabi ko lang ito:

    There’s more to life than being slim.

    Eto pa ang isa:

    As long as you are happy, the world will understand.

    Walang kokontra! Hehehe…

    • dencios sinabi,

      ika nga ng commercial sa enervon, HAPPINESS! haha

  11. lio loco sinabi,

    alam mo ung nasimulan kong pagwe-weights ko parekoi? naudlot na naman. lecheng rebyu-rebyuhan talaga. tama ka nga. oras ang pinakakalaban. tsk tsk tsk.

    hmmkeibye.

    hiatus mode ule.


    • parekoy! bukas dalawin kita ha. lately hindi ako maka access sa bahay mo, bakit kaya? hmm..

      nako tingin ko mag rebyu ka muna mas importante yan :)

  12. bernardumali sinabi,

    tama ka, oras ang contrapelo sa buhay ko. may motivation naman pero dahil sa work, madalang akong makabalik sa gym sa isang Linggo. Dati halos 4-5X a week. HIndi rin hubog ng katawan nag importante, minsan marerealize mo na ang totoong dahilan kaya ka nasa gym ay para sa kalusugan. Mahirap na, lalo na ngayon na madali tayong tumanda.


    • oo minsan hindi naman porma ng katawan e yung benefits din talaga para mas malaks ang resistensya hano? nako sayang naman ang gym mo. di mo na ba itinuloy?

      • bernardumali sinabi,

        tuloy pa rin, pero hindi na ganun kadalas. baka magtransfer din ako from fitness first to goldsgym, naka 1 year na naman ako sa FF so tapos na ang contract, sayang din kasi mas mura ng 700 sa Golds. hehehe.

      • dencios sinabi,

        goodluck bernard. tuloy mo kahit minsan sa isang linggo lang, at least mababanat at matatagtag ka pa din :)

        • bernardumali sinabi,

          hehehe yup. tinutuloy ko naman. nanghihinayang sa binabayad at syempre health reasons

  13. TSI sinabi,

    take it from the EXPERT..alam na! ..noice..

    in fairness magkasingkatawan tayo dencio, pwamis.


    • nako e ako ay fair lang. ikaw malamang talagang maganda..

  14. mulong sinabi,

    isinantabi ko na yung pagiging conscious kung ano ang ayos ng katawan ko, isa na nga siguro yung oras, pangalawa sa dami ng problema ko, di ko pagkakaabalahan yun.

    sigurado din naman na hindi ako lolobo, yung lalong mamamayat siguro pwedeng mangyari sa akin.

    kakapagod na!


    • ok lang naman. wala naman akong sinabi basta ang mahalaga ay malusog pa din, diba?

  15. MC sinabi,

    Yun nga ang problema ko. I *DO NOT* have the luxury of time to excercise. :-)

    • dencios sinabi,

      hehe. kaya mo yan

  16. ACRYLIQUE sinabi,

    Kawalan ng oras.
    tsk-tsk-tsk. *mahaba at malalim na buntong-hininga*

    • dencios sinabi,

      naramdaman ko ang buntong hininga mo lol

  17. blurosebluguy sinabi,

    asus…mukhang magtatayo ka ng gym nyan…hehehehehe…..pwede naman tapos ikaw model….
    napagod ako kanina sa kakalakad…..hehehehehe

    • dencios sinabi,

      yeah maganda iyan walking-walking..

  18. Maldito sinabi,

    ahhmmmm………hi hi hi.

    • dencios sinabi,

      ahhhmm..

  19. anakngpating sinabi,

    si maldito oh may masabi lang hehe..

    hindi kita nigugudtym..im saying the truth meron talga..

    ang lupet ng custom header mo pagawa naman hehe..

    • dencios sinabi,

      salamat. :)

  20. ELIment sinabi,

    ayaw kong sagutin ang mga tanong mo..hahaha

    • dencios sinabi,

      haha. speechless bossing? :)


  21. [...] of june 19, 2009 sa LLM contest ni otep.  salamat po sa mga sumuporta lalo na kay ax ,  jason at dencios.  Langya, ginawa nyong tambayan yong post ko. [...]

  22. maccallister sinabi,

    ay shitt ang sexy mo dencio!!!!!hahahaha

  23. joycee sinabi,

    Sa tingen ko tamad lang kaya hinde talaga nakakapagehersisyo, parang ako, hehe. :)

    • dencios sinabi,

      asus tinamad si cutie :)

  24. barrycyrus sinabi,

    nah, exercising is not for me (tamad mode lol!)


  25. Hmmmnn… it’s time to motivate myself again to go to the gym and have some exercise. haha… sexy naman ng dioniscio na to! hahaha! :D

    • dencios sinabi,

      nice. motivate yourself para sayo na din. thanx :)

  26. Jonell sinabi,

    ang sexy talaga. sht.

    • dencios sinabi,

      kamusta?

  27. Alea sinabi,

    sabi na sayo iwasan mong maglagay ng picture mo dito eh. ayan dumadami lalo ang member ng “green” club. hahhaa.

    seriously. pang billboard to! apir!

    di ako mahilig mag exercise pero makulit ako tska malilkot.

    ah, may tanong ako kuya dens, kapag ba naggym ang babae magiging maskulada?
    ang pangit kaya kapag bato-bato ang katawan ng girl. agree agree?

    • dencios sinabi,

      sa babae tingin ko alalay lang. more of jogging kayo para hindi tumaba. mas maganda pa din kasi sa babae ang tender soft na katawan hehe :) nextime di na ko maglalagay ng picture haha.

      btw nice ng bagong bahay a :)

  28. Ax sinabi,

    uy, happy father’s day sa dad mo!

    • dencios sinabi,

      sa tatay mo din :)

      • Ax sinabi,

        thanks!

  29. eloiski sinabi,

    hay promise! ang tamad ko mag-exercise. Pero masasabi ko na ring exercise yung ginagawa kong paglalakad sa kabundukan ng Baguio at pag-akyat sa mga hagdanan papuntang room.
    Kaso grabe ako hingalin… nyahaha!

    Katamaran nga naman.

    Hakhak!

    BTW Happy Father’s Day sa dad mo!

    • dencios sinabi,

      haha. sa tatay mo din at para na din sa idol nating si ely! hak hak (nahawa na ako sa tawa mo lol)

      • eloiski sinabi,

        hakhak! kamon! uu nga! hindi ko naalala na tatay na pala si ely! nyahaha!

        hakhak! okay lang makigaya basta ba gayang gaya! yahooo!

  30. dhyoy sinabi,

    aray ko! parang may pinapahiwatig sa akin ang psot na ito ah… mejo nahihirapan na ako isara zipper ng pants ko wahahaha! ;)

    • dencios sinabi,

      haha. sus. pahambol pa daw si joy hehe

  31. jan geronimo sinabi,

    Huwaw. Nice bod. Nainsecure bahay kanin ko, bigla kong sinuck in para di obvious. Ahahaha. May nakatingin pa ba? Can I breathe now? lols

  32. dencios sinabi,

    boss jan, natawa ako sa mga hirit mo.hahaha.

    • jan geronimo sinabi,

      Kung sana man lang nakakaganda ng abs ang blogging, malapit na siguro akong magka washboard abs na sinasabi nila.

      Wala eh. Nakaupo na nga lang lagi sa harap ng desktop, lamon pa ng lamon. Ahahaha. Pag nag gym kaya ako makapindot pa ko ng keyboard sa gabi? Bad trip naman nun gym sa bayan namin. Kaisa isang gym nakalagay pa sa garahe ng bahay. Ang cheap. :)

      • dencios sinabi,

        tama ka nga ser jan, malamang na muscle man na tayo pag nakakalaki lang ng muscle ang blogging haha.

        ser buti nga sa bayan nyo may gym e sa bayan namen wala. haha

  33. jan geronimo sinabi,

    Dencios, patawarin mo ko ha? ishinare ko sa twitter itong picture mo. Wala lang. Ganyan akong matuwa eh. Pasensya na kung dagsain ka ng pedophiles at mga matrona. lols.

    Pag nangulit kutusan mo ng dumbbells. Ahahaha.

    • dencios sinabi,

      NP ser jan. basta ikaw.

      Pag nangulit kutusan mo ng dumbbells. Ahahaha.

      **anu bang mga hirit to bossing, natatawa ako magisa sa opisina namen LOL

  34. Mon sinabi,

    naks naman! kaka-insecure ang abs na yan ah! LOL

    ayun! hehe

  35. Jonell sinabi,

    Bakit nag-iba ka na naman ng theme.


    • for a change lang. simpleng design muna

      • Jonell sinabi,

        Hindi ka na namamansin ha,

        • dencios sinabi,

          sorry busy lang. kakadaan ko lang sa bahay mo :)

  36. Ax sinabi,

    bagong bahay!

  37. livingstain sinabi,

    sana mayroon ako din may disiplina para maging maganda ang katawan ko… nakakalungkot..


    • magagawa mo naman yan. kahit naman di maganda katawan basta healthy lang

  38. yhen sinabi,

    kuya dence dalaw ka naman… hehehe

    namiss kita.. naks… hehe

  39. yhen sinabi,

    bagong lay out na naman pala… infairness maganda sa mata.. fave ko kc ang green… hehe


    • thanx yhen. wala kapang update nung dumalaw ako hehe :) lagi naman akong nadalaw :D

      • yhen sinabi,

        meron na po dahil request niyo… hehehe

  40. curious_girl sinabi,

    haay hirap tlga magumpisa magexercise. lagi kong cnsb na dapat after work mag aerobics man lng ako. kaso katamad tlga!

    Please help me with my twitter dilemma

  41. jason sinabi,

    nako bat napapadpad si jasonhamster d2…

    kasi nabasa ko tungkol sa exercise…

    tama ba naman may baby fats pa ko eh di na ko baby.
    kelangan ko magwork out.
    gusto ko mag ka abs.

    para di na ko sasabihan ‘ng mga nagdodotang bading na:

    “kuya ang kyut mo naman, ang lambot ng braso mo parang marshmallows”

    walangya may bawi sa dulo!!


    • hahaha. ayaw mo nun cute ka daw jason. nice.. :)

      • jason sinabi,

        i add kita sa blogrooll ko.

        pero kelangan malawa tong baby fats ko.
        para muka na talaga kong binata. LOL

      • jason sinabi,

        i add kita sa blogrooll ko.

        pero kelangan mawala tong baby fats ko.
        para muka na talaga kong binata. LOL

  42. darbs sinabi,

    For a change…

    Template changed.

    At ang topic, ehersisyo. cool!

    importante talaga ang exercise and of course drink lots and lots of water and the right nutrition.

    who can be wrong with fruits and vegetables?

    I don’t think you really need to have a Phd in Nutrition to figure that out. hehehe.


    • malamang nga. haha. thanx for droppin by ser darbs :)

  43. Jonell sinabi,

    blah….?

    • dencios sinabi,

      hehehe

  44. flamindevil sinabi,

    padaan nga.

    kala ko may bago.

    :p


  45. [...] His Name is Dencios by Dencios  USP:  Engaging writer [...]

  46. Snow sinabi,

    Me? Housework ang exercise ko. Pramis epektib. ^_^


  47. [...] leave a comment » Ilang araw na akong pagod sa trabaho at hindi pa nakakapagpahinga ng maayos. Dahil din dun tinubuan ako ng ilang tigyawat at wala ng lakas ng loob humarap sa salamin para ngitian ang sarili at natigil din pansamantala sa pag gi-gym sa kawalan ng oras. [...]


Mag-iwan ng Tugon