[87] Litanya ng isang Pinay Domestic Helper
Nitong nakaraang linggo e nagpabunot ng ipin ang Dioniscio nyo. Hindi naman siya bulok kungdi binawasan lang para magpantay kasi hindi ba ay naka braces ako, click mo ito.
Kung anu man e, mga bossing hindi iyan ang topic. Hehe. Bago kasi ako magpabunot ay may nakakwentuhan akong pinay domestic helper. Sa totoo kinwentuhan nya lang ako kasi nakita niya ata na kinakausap ko ang sarili. Haha. Syempre pa ano pa ba ang mapapagusapan namen e di kanya kanya naming mga buhay dito sa bansa ng mga taong may putok este ng desyerto. E dito naman sa blogosperyo hindi na kaila ang istorya ng buhay ko, hindi ba?
Itago natin sya sa pangalang Rosamaria Consolasyon Batungbakal. RC na lang daw. Hehe. Hayan siya sa baba.

Naghihinaing si RC kasi daw kamo ay mukang hindi na sya ire-renew ng amo niya sa patapos na kontrata niya sa susunod na buwan.
Mga bossing nakausap na daw niya ang mga ito at hindi akalaing maikinumpara siya sa isang ethiopian at bigla siyang nasabihan pa ng masasakit na salita. Bakit daw ang sahod nya ay halos 4 na beses ang taas kumpara sa negrang iyon e samantalang parehas lang naman daw silang maid?
Bulalas ng Dioniscio nyo, ang mga domestic helper natin ay may kontrata na nabasa at napirmahan na nila. E di dapat sa una pa lang ay dun na sila kumuha at hindi na Pinay helper. Sabi naman niya, nasulsulan diumano ng kapitbahay nila. Alam naman daw ang dedication niya kaso brainwashed na daw kasi mukhang naghihirap na daw ang mga amo niya.
Sabi ko kausapin nya ulit ng mas maayos pa para bigyan sya ng extension para makahanap ng bagong trabaho. Nasa amo nya daw kasi ang power kung deretcho Pilipinas o mag stay siya dito hanggang anim na buwan pa para makapaghanap ng bagong trabaho. Wala daw siya kasing agency. Gusto ko sanang itanong at naguluhan ako na wala pala siyang agency kaso nag excuse siya at may tumawag sa kanyang telepono.
Maya-maya nadinig ko hirit nya sa huli, I lab yu too, anak!
Touched naman ang iyong lingkod. Anak daw niya ang tumawag. Pagkakuwa’y ipinakita niya agad sa akin ang mga litrato ng kanyang asawa at dalawang chikiting na nasa elementarya pa.
Ipinakita din niya ang mga pasalubong school supplies na bitbit at ilalagay sa kanyang balikbayan box in case mauwi siya. Pinasalat pa kamo sa Dioniscio nyo. Ako naman si salat. Hehe. Naalala ko tuloy nuong kadarating ko lang sa Pilipinas. Exciting talaga!
Bigla nya naikwento ang hirap niya sa Lebanon bago siya napunta ng Dubai. Kasi daw doon ay muntik na siyang ma-reyp ng kanyang amo! Hindi na niya inelaborate pa pero para sa kanyang mga anak ay gagawin nya daw ang lahat para lumaban. Larawan siya ng katatagan. Sinagot ko siya, Mabuhay ka kabayan! Humalakhak lang siya. Pero seryoso ako dun. At bilib sa mga katulad nya. Sa totoo ang daming OFW dumaranas talaga ng hirap dito. Akala lang ng mga kaanak nila e madali ang pera pero hindi.
Nagulat lang ako na sa sobrang sipag ng hitad ay hindi na pala niya pinagtrabaho pa ang kabiyak para mabantayan ang mga anak, tama nga naman. Siya lahat ang kumikilos para sa pamilya kasi siya naman daw ang malaki ang sahod. Naisip ko, e paano kung bumalik siya sa Pinas at matagalan bago makahanap ng bagong trabaho ulit abroad?
Hindi na nya nasagot kasi tinawag na ako.
Dioniscio Katindig next na po kayo!
sa Hunyo 17, 2009 sa 7:40 hapon
pinay din pala yung secretary ng dentista mo…
dun sa pinay domestic helper, parang dahil medyo may masamang impluwensya na sa utak ng amo niya eh baka mahirapan siya kung mananatili pa ulit siya duon. dahil dedicated naman siya, baka naman marami pang chance sa iba.
(opinyon lang po, i cant speak base on experience dahil hindi pa ko nakapagtrabaho sa ibang bansa bagamat gustong gusto ko!
sa Hunyo 17, 2009 sa 8:38 hapon
mahirap talaga ang mangamuhan sa ibang bansa…pero bilib pa rin ako sa mga kakabayan natng pilit tinitibayan ang loob mapaunlad lang ang kinabukasan…
minsan na rin akong nagsulat tungkol dito sa blog ko…
sa Hunyo 17, 2009 sa 9:17 hapon
Tama. Baka may ibang mas magandang nakalaan para sa kanya.
Saludo ako kay RC. Hirap nga ng buhay dun. Hay.
APIR para sa kanya!
sa Hunyo 17, 2009 sa 10:41 hapon
Kudos to all the Pinoy domestic helpers and ofw’s of the world!
May naririnig din akong mga malulungkot at hindi kanais-nais na kwento tungkol sa mga pinoy domestic helpers. May kakilala ako sa barrio namain na naging punching bag ng amo ng babae, at parausan ng amo niyang lalake. Kaawa-awa talga, at kahit na nagsumbong sya sa mga autoridad..wala talagang hustisya ang nakamit niya. Nagising nalng siya minsan na nasa hospital na siya. Kawawa talaga. Haiz. Bakit unfair ang mundo? Haiz..na naman.
sa Hunyo 18, 2009 sa 3:31 umaga
Nakakaawa talaga ang mga domestic helpers. Sa totoo lang mas dapat silang parangalan kaysa kay Manny Pacquaio. Si Manny, dumarami pera kada laban. Eh yung mga DH, puro hirap sa katawan at malayo pa sa pamilya.
sa Hunyo 18, 2009 sa 5:42 umaga
hayz… kawawa talaga yung mga DH lalo na dito sa gitnang silangan. Naalala ko nung pauwi ako last year, noong nagpaverify ako ng contract sa POLO, merong limang filipina na nagrereklamo laban sa kanilang mga amo.. Ang isa sa kanila ginugulpi pala. Meron pa talagang mga bakas ng pasa sa kanyang mukha. (kung maayos lang sana ang gobyerno natin wala ng mga taong tulad nila na maabuso sa ibang bansa…) tsk… tsk…. Sana lang matulungan sila ng OWWA.
sa Hunyo 18, 2009 sa 9:21 umaga
[...] Posts [86] No reason for the Senate to be worried DAW..[87] Litanya ng isang Pinay Domestic Helper[85] My lips are made for..burning?[65] Tree House[60] ipin, tiyan at katawanPasasalamat sa aking [...]
sa Hunyo 18, 2009 sa 9:34 umaga
My biggest dream for this country is for the time to come wherein walang Filipino na lalabas ng bansa para mangamuhan sa mga banyaga… It is also my dream that a time will come wherein Filipinos would learn to love our country enough to make the self-sacrifice of staying and using their expertise for the benefit of their fellow Filipino…
Kapatid, hindi ko sinasabing ang mga OFW do not have enough love for our country… Ang mga OFW ngayon simply do not have enough choices. Life is generally hard in this country.
This is the reason why I am active in these kinds of advocacies – those that dwell with nation-building, educational support and raising the Filipino pride. Kasi gusto ko talagang ipagsigawan na dakila ang lahi ko, mahal ko ang bayan ko, at may pag-asa ang Pilipinas. At dahil naniniwala ako sa pag-asang ito, gumagawa ako ng mga hakbang, kahit maliit man, kasama ng iba pang may malasakit at may katulad na hangarin, para sa katuparan ng aming mga pangarap para sa bayan…
sa Hunyo 18, 2009 sa 9:42 umaga
tama ka. alam mo iniisip ko din anu kaya kung mabaligtad ang mundo at halimbawang ang mga ibang lahi naman ang dumadayo sa pinas para magtrabaho. tapos napaka disiplinado ng mamamayan at sucessful. ano kaya hano? siguro wala ng talamak na patayan sa atin dahil sa pera. Hay..
Ako na OFW, tanungin mo ako kung gusto ko p amag work sa pinas? sagot ko, “ang hirap sagutin…” kasi mas kumikita ako dito. kung ang pangarap mo/natin ay matupad malamang hindi na ako umalis ng Pinas.
sa Hunyo 18, 2009 sa 12:24 hapon
“kung ang pangarap mo/natin ay matupad malamang hindi na ako umalis ng Pinas.”
Kaya ako nanatili para kahit papaano, I have worked and continues to work towards that dream in my own little way… Some people may be cynical about it, but I refuse to stash away that dream.
Many opportunities have come my way to work abroad. Above average naman kasi tayo eh (hayaan mo na, hehehe!). Up to now, I’m still here, enjoying my life… Good things have come my way.
Inasmuch as I honor those who have sacrificed by going abroad, I honor more those who have decided to stay and continue to make a difference: teachers walking kilometers a day to reach their schools in mountains and beyond, doctors assigned to the barrios that would take days to reach on land and water, health workers who cross flooding rivers and streams holding on to their kits with their dear lives, social workers who suffer with their charges, full-time volunteer workers who build houses for the poor, medical missionaries who put their lives in between firing lines, and many other Filipinos who definitely suffer more for the commitment and hope for the dream we share: a better Philippines.
sa Hunyo 20, 2009 sa 6:28 hapon
wala na. hanggang pangarap nalang to. let’s be realistic. uunahin mo pa ba magpakadakila habang ang naririnig mo ang anak mong umiiyak dahil nagugutom? kahit siguro mahal na mahal mo ang pilipinas.. mapapaisip ka kung paano kaya kung umalis ka.. karamihan.. ung mga OFW, hindi naman puro pera lang ang iniisip nila eh. it’s more about the future of their children – to provide them money so they can go to college. lalo na siguro kung ung parent na OFW eh hindi nakatapos ng pag-aaral. wala naman talagang gustong umalis ng pilipinas. sino bang may gusto? sino bang ayaw maging better ang Philippines?
isa lang ang masasabi ko dito.. those who didn’t experience to starve will never fully understand the will of these people to pursue their careers outside the philippines. how can people love philippines if philippines itself doesn’t love its own people or rather, the GOVERNMENT itself doesn’t care about its people?
there are things in life that one wouldn’t fully understand unless that “someone” has the same fate which that “one” has to live through.
peace.
sa Hunyo 21, 2009 sa 3:57 umaga
Time and again, we are pushing ourselves deeper into the mire and punishing ourselves by cynicism.
It is the fuel that slowly burns the hope of many for a better Philippines and it is the air that speeds up the flight of many away from our country.
We acknowledge that there are really valid reasons why people seek career opportunities outside of the country, and we cannot erase the fact that our government has contributed much to this exodus.
While there many with valid reasons, there are also many who take this as the easy way out. This is the reason why in a related post, I said that to effect change in our country would need amounts of self-sacrifice.
And yes, I agree that there are things in life that one wouldn’t understand unless one has not undergone that same experience. Setting modesty aside, I think that my words here will hold water when I say that my family has experienced being in the low for many, many years.
Love of country should not start with the government. This is a skewed view of nationalism. Love of country should emanate from the people, and it should be the driving force for a better government. The government is but a reflection of its people in general. If we love our country, then we should work for putting better people in the government.
I am happy for those people whose cynicism has turned the better of things for them outside the country. But for me, I cannot remain indifferent and think only of myself and my family knowing that I have neighbors who continue to starve and that there are still homeless children in the streets.
The state of the Philippines now is of our own making. We are all to blame, no one is excused, for a nation cannot rise above the level of consciousness of its own people.
Lastly, the great battle that the Philippines is fighting today to have a better future is in the hearts of Filipinos – in the hearts of those who have the education and the potential to effect change. It is not about governance, corruption or poverty. The great battle is between nationalism and cynicism. For if we believe that all is lost and the Philippines is hopeless, then indeed we force ourselves in that self-fulfilling prophecy.
sa Hunyo 18, 2009 sa 12:38 hapon
nako oo nga napanood ko sa iwitness ata or reporters notebook. wala kasi sila suporta sa pamahalaan. nako ako nagsasawa na pag nakaipon na ako babalik na ako at tutulong sa NGOs (naks!) at magtatayo ng busines sa aming barrio at mamumuhay na ng walang teknolohiya hahaha. naiisip ko na ang retirement agad. lol
sa Hunyo 18, 2009 sa 11:57 umaga
I feel for RC… but I salute her as well. Never ko pa naexperience to work abroad pero nakita ko ung hirap ng mga OFWs whenever I travel. Especially sa HK, I can feel their sacrifice to work and live away from their families just to earn big or worse, make ends meet. And aside from their regular work, they try to earn more by selling stuffs on the streets of HK. Nakakaawa… and at the same time nakakabilib. And yes, sad to hear all those bad things that happen to them. For the likes of RC, swertihan talaga to get a good employer.
I join Reesie in giving praises to all OFWs
sa Hunyo 18, 2009 sa 12:03 hapon
nakakalungkot talaga ang ilang kwento nila nao, sana maraming trabaho sa atin na kayang sumuporta sa mga kababayan natin, kung malakas lang sana ang loob nila at willing silang magsales, e di dito na lang sila sa company namin, marami ng sellers ang yumaman sa property selling hehehe sabay promote lol.
sa Hunyo 18, 2009 sa 3:23 hapon
Is there any other way para mabigyan ng decent job ng government ang mag ‘to instead na magpa alila outside the country?.. based on my experience in Riyadh, there are some DH na talagang nag titiis sa mga amo nila, i’ve talked to them, kwentuhan baga hirap sila don, the reason kung bakit nagtitiis sila don, gusto nilang makatapos sa pag-aaral ang kanilang mga anak and bilib ako sa mga taong ganyan..hirap, really sobra..
sa Hunyo 18, 2009 sa 9:28 hapon
Napakasakit ngunit tanggapin nating meron tlagang kailangan manginbang bayan upang mabuhay nang matiwasay kahit pano. Ngunit karamihan sa mga nangingimbang bayan ay naaabuso. Hanggang kalilan pa mangyayari ang ganito?
sa Hunyo 20, 2009 sa 6:01 hapon
ako din bilib sa mga OFW. sila ung tipo ng mga tao na malakas ang loob. ang hirap kaya mabuhay ng mag-isa sa hindi mo naman bansa. sabi nga ng mama ko, nung wala pa kami dito, ung pag-iisa ung pinaka kalaban nya, hindi daw maganda sa pakiramdam ung uuwi ka ng bahay tapos mag-isa ka lang, ikaw ang magbubukas ng ilaw -wala kang nadadatnan.
tungkol dun kay RC.. ang sarap sabunutan ng dalawang naging amo nya. jusko! kung alam lang nila ang pinagdadaanan ng mga kababayan natin!
di ko alam kung anong reaksyon ko dun sa asawa nya. kalalaking tao, pinababayaan ung babae maghanap buhay para sa kanila. ewan ko lang ah. pero against talaga ako sa idea na ung babae ung nagtratrabaho para buhayin ang buong mag-anak. pwede ung pareho kayong magtrabaho.. pero ung babae lang? tsk! tsk!
mali kasi ang gobyerno natin eh. ang sasabihin sa mga tao.. “WAG KAYONG MAG-ALALA, MARAMING TRABAHO ANG NAGHIHINTAY SA INYO —-DUON SA IBANG BANSA. NAKIKIUSAP ANG ATING MAHAL NA PANGULO SA IBANG BANSA PARA TUMANGGAP SILA NG MGA OFW. WAG KAYONG MAG-ALALA.. MARAMING JOB OFFER SA MIDDLE EAST, JAPAN, AUSTRALIA AT CANADA. MAGKAKATRABAHO KAYO!”
bullshit!
Hindi ba, dapat ung trabaho nasa pilipinas? Hindi ba, dapat gobyerno ang magbigay? Eh bakit ang nangyayari ung gobyerno pa ung nagtataboy sa mga pilipino? Gustong gusto naman kc tlga ng gobyerno magpaalis ng tao eh –para malaki ung revenue. Peste.
sa Hunyo 20, 2009 sa 6:13 hapon
teka ang init ng ulo mo cutie, haha. alam mo ganun talaga e. e sana nga naayos na nya yung problema nya kasi malamang na sa ngayon alam na nya ang nangyari sa kanya. hay.. hindi ko alam kung sino ba dapat ang sisishin sa mga nangyayari kasi kahit naman ang OWWA ginagawa ang lahat para matulungan sila e. siguro yung rights na lang sana ng mga OFW natin ang mas mabigyan ng importansya thru contrct sa papasukan para alam ang limits at scope ng work.
pagdasal na lang natin
sa Hunyo 21, 2009 sa 10:15 umaga
sad…pero pwede sya mag-stay sa dubai after mag-expire ng contract nya para makahanap naman sya ng ibang trabaho. sa experience nya, eh hindi sya mahihirapan. marami syang makikta dyan. at tsaka wag ngang ikumpara sa ethiopian! hellooooo! ang tatamad kaya! gudluck sa amo nya!