[62] Pagkaing Masustansya
Kapag usaping pagkain ang pag-uusapan doon ako sa masarap, mura at masustansiya. Ako pa e napaka health buff kong tao at kuripot din. Haha.
Aba, alam nyo ba ang pinaka paboritong pagkain of all time ng inyong lingkod? Ano pa ba kungdi ang Munggo Ginisa ng ermat ko. O heto ang kaparehong itsura nya.

source: thecookmobile.com
O napaka mouth watering ano lalo kapag nanay ko na ang nagluto. Pinapapak ko pa nga iyon lalo kung may daing o tinapa, dahon ng ampalaya o chicharon pa kung gusto mo.
At dahil mahilig din sa prutas ang inyong lingkod ay nag eksperimento ako ng isang napaka healthy fruit shake na napaka sarap naman talaga at nakakabusog na din kasi apat na klase ng prutas ang paghahaluin. Heto sya.
Carrot/s -Puedeng kalahati o isang buong medium size
Pinya – wag masyadong madaming nito para di umasim. Mga dalawang slices lang
Mansanas -isang buo.
Manggang hinog – kalahating pisngi ay okey na
Syempre lahat chopped yan para naman hindi mahirapan si blender na durugin ang mga sangkap mo. Aba matitigas din iyan lalo na si mansanas ano.
Isisingit ko lang, alam nyo ba nahirapan akong maghanap ng manggang hinog dito sa disyerto? At ang nakita ko pa kamo ay manggang hinog ng bansang Kenya. Wala na akong choice at sinubukan ko din. Akalain mong wala pa sa kalingkingan ng mangga natin ang jumbo mangga na ito? Hehe. Pero puede na din naman.
O mabalik na tayo, kapag ok na e di i blender mo na siya with water. Maglagay ka ng kaunting asukal mga bossing kung gusto mo ng mas matamis pa pero tandaan wag isosobra ang pinya ha para di siya maasim at malasahan mo pa ang ibang prutas sa shake mo kasi kamo ay may tendency na sakupin ng pinya ang lasa nito kapag naparami.
O heto hitsura ng eksperimento ko.

dioniscio: *tulo laway mode*
Oha ang sarap nyan lalo kung malamig.
Yung pangatlong piktyur may garnish pa na carrot ang plastic cup kasi ipinatikim ko sa kapitbahay na kaibigan ko din. Sabi niya, mas masarap pa daw kumpara sa mga shake sa labas. Yipee! Iyung nasa bote naman binaon ko sa opis. At yung pang apat na piktyur naman, apple shake lang para sa brekpas ko.
Bigyan mo lang ako ng masarap ng katulad nyan, idedeyt na kita. Easy to get naman ang Dioniscio nyo. Haha
Pero seryoso dapat laging healthy lifestyle ha para mas humaba ang buhay. I-enjoy ng tama ang pagkain at huwag sosobra!
sa Mayo 1, 2009 sa 8:25 hapon
[...] Original post by hisnameisdencios [...]
sa Mayo 1, 2009 sa 8:36 hapon
Pare! ok na sana yung pineapple, apple, saka mangga eh.. bakit may carrots pa?
wala lng.. auq lng na ishinishake ung carrots. hehe
sa Mayo 2, 2009 sa 6:05 umaga
masarap may carrot joff
may kakaibang lasa e
sa Mayo 1, 2009 sa 9:06 hapon
Munggo I like! Yumyum!
heniwey, may tag/award ako para sayo! *mwahugggs*
http://joyceish.com/?p=1299
sa Mayo 2, 2009 sa 6:05 umaga
gawin ko sya joycee
salamat
sa Mayo 2, 2009 sa 12:19 umaga
Daddy ko paborito ang munggo.Masarap kapag may pritong galunggong na kasama or hipon or baboy. hhmmnn sarap.
Masarap ba ang carrots shake? di ko gusto lasa kahit di ko pa na-try
sa Mayo 2, 2009 sa 6:08 umaga
sarap boy, try mo
sa Mayo 2, 2009 sa 3:29 umaga
nakakagutom! hahahahhaha
miss you dencio!
sa Mayo 2, 2009 sa 6:09 umaga
dumaan ako sa bahay mo, wala pa pala update
sa Mayo 2, 2009 sa 4:54 umaga
akswaly napag usapan na nating ung munggo at shake na yan di ba hehe,,kaya mag cocoment na lang ako about sa shake na ginawa mo..
muka nga syang masarao pero bakit nga ba may carrots pa hehe..pero sige itry ko nga yan minsan hehe pag may blender na kami hehe..:)
sa Mayo 2, 2009 sa 6:10 umaga
hahaha. oo nga pala. magkachat pala tayo
sa Mayo 2, 2009 sa 6:01 umaga
wala bang evaporated milk sa ingredient? di ba mas masarap pag may gatas? slurp..
ayos pre pang-nutrition month tayo ngayon! na-miss ko na magfruit shake. subukan ko yang apat na fruits na yan this weekend. ;p
sa Mayo 2, 2009 sa 6:11 umaga
nasa sayo naman iyan kung gusto mo may gatas
sa Mayo 2, 2009 sa 9:47 umaga
naks naman. hehehe. nakagawa ka ng sarili mong shake. masarap pala kung me carrots???
sa Mayo 2, 2009 sa 10:14 umaga
oo masarap talaga pag meron nun
sa Mayo 2, 2009 sa 10:09 umaga
okey ‘to! subukan ko ha? gusto ko lanhat yang binggit mong prutas at munggo.. okey din ako sa carrots.. minsan nga tomato eh.. asim
sa Mayo 2, 2009 sa 10:19 umaga
oo nga masarap din ang tomato
sa Mayo 2, 2009 sa 10:43 umaga
hahahaha healthy ang ang mga ito parekoy! peborit ko rin ang ginisang munggo
sa Mayo 2, 2009 sa 11:41 umaga
ayokong iimagine ung eksperiment mo..pero i lurve ginisang mongo talaga..
wow…nagugutom ako..ano beh..
sa Mayo 3, 2009 sa 3:45 umaga
Aba! panalo.. tamang tama tanghalian na. gusto ko yung apple shake.
health buff ka nga. daily routine exercise + healthy foods = dencio.
sa Mayo 3, 2009 sa 8:22 umaga
naks naman, panibagong theme.
sa Mayo 4, 2009 sa 6:05 umaga
naks naman…. mukang masarap yung inexperiment mo kuya ah… pero wag masyado sa monggo baka rayumahin ka… hehehe
sa Mayo 5, 2009 sa 2:53 umaga
sarap naman nito parekoy.. nakapa sustansya..
fav, ko yung munggo.. lalo na ngayon, mabagyo ang summer dito sa pinas.. lalo marahil ng climate changed.
sarap kumain.
sa Mayo 5, 2009 sa 5:36 umaga
nakakatuwa ka! habang binabasa ko itong entry mo, damang-dama ko na sarap na sarap ka. pero eto ako at naduduwal na.
gaano man kasarap yan parekoy, mukhang di ko yata talaga ita-try. una sa lahat, hindi ako kumakain ng epol. amoy pa lang nasusuka na ko, tulad na rin ng lanzones at ikalawa, ayoko rin ng carrot shake. gusto kong papakin yun as is. tpos dip lang sa mayo (sosyal… nyahaha!)
sa pinas lang talga matatagpuan ang pinakamasarap na mangga. maski dito sa SG, wala ring kalasa-lasa. galing pa sa Malaysia at Thailand ang mangga nila dito.
sa Mayo 5, 2009 sa 5:38 umaga
at isa pa pala… hindi rin ako kumakain ng mouth-watering ulam na paborito mo. ewan ko ba kung bakit. basta naduduwal din ako. parang maaligasgas kasi sa panlasa. pero kumakain ako ng bagong lagang munggo tapos lalagyan ng gatas at asukal. yung mga housemates ko dito, pag nagluluto nyan lagi akong ipinagtatabi ng nilaga. alam kasi nilang peborit ko yun. ahehehe
sa Mayo 12, 2009 sa 3:28 hapon
wow! parang gusto ko tuloy magpabili ng sarili kong blender.ü lalagyan ko rin ng garnishing yung baso ko.ü
natry ko na yung apple juice, kaya lang, bakit yung sayo, maganda ang hitsura? yung apple shake ko, parang kulay putik, hindi appealing. nasa uri kaya ng apple yun?
sa Hunyo 25, 2009 sa 9:27 umaga
[...] [89] Check if your FECES are Healthy Ipinaskil sa Ehersisyo't Diyeta, Kwentong Sari-sari ni hisnameisdencios on the Hunyo 25, 2009 Tags: Buhay Dencios, diet, Exercise, Healthy lifestyle, Thoughts Laging sinasabi ng Dioniscio nyo na maging healthy tayong lahat by all means at ika nga ni Daarbs ay hindi naman kinakailangang magpaka nutritionist tayo mga bossing para malaman ang masustansya’t maganda para sa katawan. Naalala ko tuloy one time ay nag share ako ng experiment kong healthy drink hindi ba? Click mo ito. [...]
sa Nobyembre 15, 2009 sa 8:27 umaga
ok yun masusutansya lalo na yung carots pangpalinaw ng mata dba…try ko ng ayan mamaya
sa Nobyembre 15, 2009 sa 8:28 umaga
ok yun masusutansya lalo na yung carots pangpalinaw ng mata dba…try ko ng ayan mamaya di ba maasim yan baka maasim bawal sa low blood eh….