[60] ipin, tiyan at katawan

- ipin ko
BRACES. Nagbalik na ulit ako sa aking dentista nuong isang araw dito sa Dubai upang ipa adjust na ulit ang aking ipin. Nasa litrato ang itsura sa kanan. Sa tingin ko ay maayos na at sana matapos na din ito agad kasi kahit sanay na ay gusto ko talaga ng walang sagabal sa pagkain at pagsasalita.
FOOD POISON. Isang araw pagkatapos kong dumating galing bakasyon sa Pilipinas ay nakaramdam ako ng pananakit ng tiyan na naranasan ko na din noong college. Sigurado ako na na mild food poison na naman ako at sa tingin ko ito ay iyung kinain ko sa Singapore Airlines na refrigerated food/s. Tatlong araw ata akong nahirapan. Hindi kasi ako nainom ng mga gamot para natural lahat ng proseso ng paggaling. Sa ngayon ok na ulit ako.
GYM. Nag start na din ako sa gym pagkatapos kong magpahinga at kahit masakit ang aking tiyan at ipin. Kinaumagahan? ayun, nasobrahan ata ang pakikipag siping ko sa gym na iyon at nanakit ang natutulog kong mga masels. Pero ako naman ay sanay na kaya wala na iyon sa akin.
**Isipin mong pagsabayin ang sakit ng ipen, tiyan at katawan. Ang resulta ng pagdurusa kong ito? I-click mo ito.
sa Abril 28, 2009 sa 8:38 hapon
Aww ang hirap pagsabay-sabayin ng sakit na yan. Buti nakakapasok ka pa sa trabaho hihi..
sa Abril 28, 2009 sa 9:13 hapon
parang ayaw mong magpa-make over at parang hindi trabaho pinunta mo sa dubai…
teka, artista ka ba dyan? hehehe
sa Abril 28, 2009 sa 9:45 hapon
[...] Original post by hisnameisdencios [...]
sa Abril 29, 2009 sa 1:10 umaga
hala.. mukang nasosobrahan ka naman ata sa pagwork out kuya… nwei, bagay mo naman… naks… hehe…
yngat po lagi..
sa Abril 29, 2009 sa 1:49 umaga
di bale ng sumakit ang tyan at katawan wag lang ipin..ahahay
sa Abril 29, 2009 sa 2:14 umaga
nkow kaya mu yan bozz..:P
sa Abril 29, 2009 sa 2:18 umaga
hmmm… ok na? ayus na ba pakiramdam?
sa Abril 29, 2009 sa 5:23 umaga
nyahahaha natawa na naman ako sa nakita ko…
ayos lang ‘yan parekoy
minsan minsan kailangan din nating magkasakit para naman may thrill ang buhay nyahahahah..
ingat kasi!
BIOGESIC!
P.S gusto ko rin mag ka brace para may thrill din pag nakikipag kiss nyahahahaha
sa Abril 29, 2009 sa 6:17 umaga
ganda ng ipen! san dentist mo, dens? prang kelan lng nung kinabit yan ah! bilis naman!
sa Abril 29, 2009 sa 8:34 umaga
okey sa ipen!
haha.. sa buhok ba nabuhos para mawala ang sakit?
sa Abril 29, 2009 sa 9:30 umaga
hahahha…mahirap nga ang sabay-sabay…parekoy unti-untiin mo lang kaya…..
sa Abril 29, 2009 sa 10:07 umaga
haha masakit pala lahat ng katawan mo nung kinunan mo yan hehe wawa naman hehe..:)ok na pala ang ipen mo eh,pwedeng pwede mo ng ipakita yan ng walang braces sa susunod …at pwede ka ng magpakiss kahit kanino hehe..:)
sa Abril 30, 2009 sa 7:21 umaga
ahh so pag pinagsabay pala ang sakit ng ipin, tyan at katawan ang resulta.. half-naked pictures. lol
hehe.. wag ka na mag-macho dancing dun sa Chatbox ko parekoy. sa webcam mo gawin yan tapos post mo sa youtube LOL
sa Abril 30, 2009 sa 1:35 hapon
hehehe. naks naman at paganda pa ng paganda ang katawan mo. hehehe! go go go!
sa Mayo 12, 2009 sa 3:20 hapon
backreading!
unrelated sa topic muna ha. dito na lang muna ako magsisimulang magbackread at baka di ko kayanin. andami mo nang nasulat! prolific ka masyado, dench!ΓΌ sana magaya ako sayo na andaming nasusulat na post. God bless!
sa Hunyo 17, 2009 sa 7:02 hapon
[...] [87] Litanya ng isang Pinay Domestic Helper Nitong nakaraang linggo e nagpabunot ng ipin ang Dioniscio nyo. Hindi naman siya bulok kungdi binawasan lang para magpantay kasi hindi ba ay naka braces ako, click mo ito? [...]
sa Hunyo 18, 2009 sa 3:09 hapon
puro pamper ah, tsk tsk baka mamayat ka niyan hehe