Opo nasa Pilipinas na ang inyong lingkod. Pero bago iyon syempre kwento ko muna ang eksaytment sa aking puso nung maramdaman ko nang lumapag na ang eroplano sa lupa ng bayang sinilangan. Hala naglulundag ata ang puso ko at ayoko lang talagang ipahalata ang kasiyahan ko. Hahaha. Mukha ata akong gagong nagkikimkim ng saya at tuwa at kung anu anu pa na hindi ko naman puedeng ilabas baka mapagkamalan akong timang dun. Hehe. Pero eto pala sa baba ang huli kong larawan sa Dubai isang araw bago lumarga. Read the rest of this entry »
Imbakan para sa Marso, 2009
Si Dioniscio nasa PILIPINAS na!
In Buhay Dencios, Kwentong Galaan, Kwentong Litrato, Pinoy, Pinas, Usaping Pamilya on Marso 25, 2009 at 10:34 umaga[53] Remembrance ko sa inyo
In Kwentong Ako, Kwentong Sari-sari on Marso 19, 2009 at 6:21 umagaAt dahil sa kaunting oras na lang ay lilipad na ako sa aking bansang sinilangan ay gusto kong iwan sa inyo ang litrato kong ito sa baba na half tipsy lang naman. Hehe Read the rest of this entry »
[52] Si Dioniscio MASAYA TIMES TWO!
In Rants, Trabaho! Trabaho! on Marso 18, 2009 at 1:52 haponMaraming nagsasabing ma e extend diumano ang vacation ko. Bakit kanyo? Kasi wala pang pumapasok na bagong proyekto sa aming kumpanya. Ang siste ay bakante na halos lahat kasi ng tao/empleyado sa opisina.
Heto ang mga ispekulasyong kumakalat sa opisina:
*No termination, extension lang daw ng vacation.
*Malilipat diumano sa Bangkok Office kasi duon may bagong proyekto.
*Mababawasan half ang sahod.
*Extension of vacation hanggang sa ipadala na ang matitira ko pang gamit sa Manila. Wala ng balikan. Read the rest of this entry »
Si Dioniscio MASAYA!
In Buhay Dencios, Kwentong Litrato, Repleksyon at Aral on Marso 16, 2009 at 7:57 hapon
Dencios: Dare I say...
…this picture I took kinda make sense of happiness?
And this happiness sometimes can be found when alone
therefore, yeah NOT lonely.
Definitely rockin’.
I’m HAPPY.
50th Post: Sa Pananaw ng isang Lalaki
In Kwentong Ako on Marso 15, 2009 at 12:51 haponPagkain, Pagniniig, Katahimikan. Para sa akin ang nabanggit ay 3 sa mga pinaka importanteng bagay para sa isang lalaki sa isang relasyon. Kung tatanungin ninyo ako kung bakit ko naisipang mag post ng ganito? Pakiramdam ko kasi outnumbered na kame sa panahon ngayon. Syempre pa sa post na ito BIDA KAMING MGA LALAKI dito.
Pagkain: Kaming mga lalaki nakaka-appreciate ng babae/partner na mahusay magluto. Ika nga e alam yung kiliti pagdating sa aming mga paborito at alam din kung anu ang bawal. Kung hindi puede ang baboy o isda, huwag ng ipagpilitan. Minsan kasi sa ganoong kasimpleng bagay nagkakaroon pa ng hindi pagkakaunawaan.
Pagniniig o Seks: Kung alam mo kung nasaan ang kiliti naming mga lalaki, duon ka lumugar. Syempre gusto din namin yung paminsan-minsan (o sabi iba naman ay puedeng madalas) na pagiging wild at mahilig mag-eksperiment sa kama. Kumbaga wala ng arte. Sino bang lalaki ang gustong antukin sa piling ng kanyang minamahal? At isa pa ay hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay lalaki na lang ang laging nagtatrabaho. Ika nga e, Do your part. Serve us like a King.
Katahimikan: In english syempre silence. Huwag masyadong matanong kung nakuha naman na ang sagot sa isang salita. Huwag mong ipamukha na ikaw ang nakalalamang at nakaaalam sa lahat ng bagay na dapat kami lang ang gumagawa. At kapag kaming mga lalaki na ang nagsalita, makinig naman kayo at nakakasakit kasi sa kalooban ng isang lalaki iyun bang laging may kumokontra sa kanyang mga sinasabi. Kumbaga huwag nyong tapakan ang Ego namin. Kung tanungin ang opinyon lalo sa maselang pakiramdam ng lalaki ay saka na lamang kayo magbigay ng sariling pananaw.
Ito’y mula sa aking sariling pananaw lamang. Hindi ko naman sinabing magpakatanga ang isang babae/partner sa isang relasyon. Kahit sino ay puedeng magbigay ng opinyon sa isat-isa pero sana Let a MAN be the MAN sa alam naming paraan. Kung may napansin kang mali na paulit-ulit na, saka mo sabihin sa magandang paraan. Kasi kung ako ay magtitiwala naman sa mga opinyon ng mahal ko.
Excited Mode
In Pinoy, Pinas, Usaping Pamilya on Marso 13, 2009 at 5:16 haponNag e empake na ako kanina ng mga gamit ko para sa isang mahaba habang bakasyon sa Pilipinas. Maluwag pa pala ang luggage bag ko. E kasi naman ay ayaw nila ng pasalubong at noong Desyembre naman nuong nakaraang taon ay nakapag balikbayan box na ako.
Sa ngayon nagdala na lang ako ng konting pasalubong at yung ibang request ng erpat ko. Teka alam nyo ba kung anu talaga ang gusto nila lalo na ng aking ina? Cash. Haha. E kasi naman ay nagpapatayo kame ng bahay na maliit lang at ika nga e kubo-kubo lang. Tumutulong din ako sa gastusin para duon.
Maiba tayo. Last month bumili ako ng gift ko sa aking parents. Syempre kapag unang gift (at birhtday gift na din) dapat e pasabog talaga. Yung tipong tatambling sila sa tuwa. Bumili ako ng ilang alahas – singsing at hikaw para ke ermat at isang medyo mabigat na kwintas with pendant para sa aking erpat. Hindi ako nagyayabang pero kasi kapag para sa magulang ALL OUT!
Pagdating ko at sakaling kumain kame sa labas kailangan suot nila yun na parang sila pa ang galing ng Middle East e ano? Hahaha.
Sa kapatid ko namang lalaki shopping naman daw at pa facial tulad ng madalas nyang gawin. Ako naman hindi regular sa mga facial na ganyan. Pang Johnsons Baby soap lang ang mukha ng inyong lingkod. Hahaha. (Pero totoo na talagang hindi naman ako vain sa mukha ko – kahit anu na lang haha) At syempre pa ako ang taya sa lahat.
Exciting mga tsong!
Teka pala at piniktyuran ko ang aking bottom get-up ng walang magawa sa opisina. Kanya kanyang trip lang yan. Hehe.

dencios petiks mode