Hot-Blooded Pinoy Expat


Tula: Pulos Pangarap

Ipinaskil sa Poetry ni hisnameisdencios on the Pebrero 23, 2009
Tags: , , , ,
lonely man by salihguler

image by salihguler

Hindi birong sumulat ng tula para sa iyo.
Naupo sa paanan ng puno, minasdan ang karagatan habang
ginugunita maamong mukha mo.
May bitbit na panulat at lumang kwaderno
Habang nilalaro aking damdamin para sa iyo.
**
Aking naalala nang sabihing “mahal kita”
Nagsimula kang umiwas oh aking sinta.
Dahil ba ako’y ordinaryo at waring nanlamig ka na?
O dahil sa dami ng sumisinta na tila ako sa iyo’y walang ibubuga?
**
Inaamin ko namang ako’y simple lamang.
Walang magarang porma na kung mapapansin man ay sadyang kay dalang.
Hindi katangkaran, mukha’y sa dilim lamang maaaring iyabang.
Wala namang magawa kahit na mag agam-agam.
**
Gayunpaman ako ay nagagalak sa minsan nating kasiyahan.
Tinanggap ko na namang kailangan mo nang lumisan.
Heto na naman ako’t pulos pangarap na lamang.
Sino ba ang tatanggap ng wagas na pag-ibig ko lang ang kayang ipagsigawan.

by: Dencios (4:35pm; Pebrero 23, ‘09)

20 Tugon to 'Tula: Pulos Pangarap'

Magpahatid sa mga puna sa pamamagitan ng RSS o BakasPabalik to 'Tula: Pulos Pangarap'.

  1. mulong sinabi,

    ililigaw ka niyan…sinungaling mong puso! nyahaha

    dialogue yan sa pelikula of the same title!

    o kaya naman eh…wag mo nang abutin ang di mo kaya!

    tapos pasok ang kanta ng MLTR…i wont forget the way your kissing….

    from the movie…SUTLA!


    • hahaha. natawa ako. tamang ka a adikan lang. isama ba ang sutla? :D

  2. koSA.Pogi sinabi,

    walang hanggang pagtutula..

    yan ay kasama sa bawat araw ng iyung Buhay..

    sana ay.. sana ay..
    basta madami pang sana ay..

  3. MC sinabi,

    Napaka-makata mo naman Denz. Lagyan mo ng patent yan at baka may kumopya. lol

  4. Ax sinabi,

    huwaw! makata ka pala!

  5. azul sinabi,

    sana nagpatubo kana din ng patagilid na bangs,tas pinturahan mo ng itim ung ilalim ng mata mo.simulan mo na din ang pagsusuot ng baston pants na kupas.tapos maglaslas ka ng pulso…
    jan nagsisimula yan…hehe

    kung sino man yung girl na yun na tinutukoy mo na parang kilala ko kung sino ee bahala cia sa buhay nia..di natin cia bati.yamu na lang ciang maglaro ng lupa…

    “lintik na pag ibig parang kidlat,puso kong tahimik na naghihintay bigla mong ginulat”

    oha ang haba ng comment ko neon pero ciempwe non sense..ahehe

  6. marvin sinabi,

    haru dyosko! si dioniscio o! inlab/sawisawian mode! asus! :-)

  7. sandijmartin sinabi,

    hala.. may iniirog na naalala si dencios :)

  8. VANVAN sinabi,

    weee…

    poetic nerves on the go!!

    ang sweet kahit pa lilisan din pala…

  9. simplefula09 sinabi,

    inlababo si kuya…hehehe kipitup
    (abot blade) :P

  10. blurosebluguy sinabi,

    ikaw ha…emo ka na naman…..pero kidding aside may talent kang bata ka!

    hahaahah…ka dencio…..sulat ka pa ng maraming ganito ha…

    ang iyong fan (di electric)
    bluguy

  11. Mon sinabi,

    Parekoy, i love this entry. Parang nakikita ko ang aking sarili sa poem na’to eh. i mean parang ako yung writer haha.. nakaka-relate ika nga.. tsk tsk. Galing galing! Two thumbs up for Dencios!

  12. otep sinabi,

    Hahaha.. natuwa naman ako dito:
    “Nagsimula kang umiwas oh aking sinta.”

    parang kanta lang.. kulang na lang “oh yeah”… o kaya.. “oh baby baby”

    toinks! biro lang..

    btw, sino kaya ang emo ngayon? malaman ang tula mo ha..
    parang bitter na loser ang dating..

    parekoy, masaya na yun kung nasaan s’ya ngayon.. o sa ibang banda.. mahal ka din nun hinihintay lang sa pagbabalik mo..

    nice!! pang movie ang tula mo..

    o yeah! o yeah!!

    ingats :)


  13. [...] Tula: Pulos Pangarap [...]

  14. livingstain sinabi,

    aba naman, makikita mo din ang taong magmamahal sayo kahet ano ka pa at hindi ka naman panget, malay mo maakit mo sila sa mga tula mo, gaya ng tula ko whahaha…

    padaan lang po….

  15. Aling Baby sinabi,

    inlab/sawi??!

    isa siyang hangal sa pagtanggi sa’yo. – - nakakahawa ka hehe!

    ang galing mo naman gumawa ng tula, pati yung pikcher, bagay na bagay sa tula. :)

    sana magkatuluyan na kayo.

  16. vk03 sinabi,

    naku iho ako’y iyong napahanga… isa ka palang manunula, ikaw ba’y anak ng isang makata, at ang iyong talata ay kakaiba parang may lungkot talaga… sige ipagpatuloy ang pagtula at ng mabigyan halaga ang mga salita…

  17. ALPSaguado.com sinabi,

    Simple ka pa sa lagay na ‘yan? Ang fab nga ng life mo eh! Haha

  18. Jonell sinabi,

    Gusto ko to.
    May damdamin.
    Aprub ako.

  19. ELIment sinabi,

    naks ang tirada mong ito, ginoong balagtas. hehe

    ——–
    natagalan ako b5 nag update boss. busy kase.


Mag-iwan ng Tugon