Pasasalamat sa aking Ina at Ama

Sinu bang anak na kumikita na ng sariling ikabubuhay ang hindi nanaising makatulong sa kanyang ina, ama o kapatid lalo kung wala pa naman sariling pamilya? Syempre lahat naman ay gugustuhing makatulong. Sisikaping masuklian ang pagpapalaki ng mga magulang. Ayoko mang sabihin pero sobra na nga ata akong na attached sa aking pamilya. Hindi naman ako inoobliga at saka kusa naman at kailangan talaga ang pagtulong ko/namin ng kapatid ko.
Eto nga leytli pakiramdam ko sa nalalapit kong paguwi ay ibubuhos ko ang panahon para sa maiksi lang naming pagsasama. Saka syempre pa ay nakabili na ako ng kaunting gamit sa bahay/damit/sapatos at regalo para sa nanay at tatay ko. Hindi naman mawawala iyon. Aba naman mga bossing, mga magulang ko ata iyon! E saan ba ako pupulutin kung hindi nila ako iginapang para makapag-aral? E paano ba naman ay mahirap lang kame. Lumaki sa lugar na laging binabaha, may tulo ang bubong pag may bagyo, walang plash na banyo, sira sira ang tayls sa sahig, ang bintana namin basag na tapos tinakpan ko lang ng gamit na kardbord at iskats teyp, iyung upuan nga namin bulok na ang isang paa dahil sa madalas na pagbaha ay pinakuan ko lang ng kahoy para tumayo tas binarnesan ko para magmukhang bago. At ang resulta? Luma pa din pero mukha na ding bago kahit paano.
Naalala ko lagi sinasabi ng nanay ko sa amin ng kapatid ko ay kapag tinanong daw kame ng mapapangasawa/kaklase/kaibigan ay sabihin daw na nagtitinda lang ang aming ina ng daing at ang tatay naman ay drayber. Naku e paano ko ba naman makakalimutan iyon e kapag sinasabi nila yun ay natatawa talaga ako pero sa kabilang banda kapag naiisip ko iyon ay totoo naman talaga na sa ganung paraan nga kame nabubuhay. Hindi ako nahihiya at prawd pa nga ako na sa ganuong paraan ay parang madyik na nakapagaaral kame sa magagandang kolehiyo. Ang abilidad nila ano? Kapag naiisip ko iyon ay hindi ko magawang hindi maging emosyonal katulad ngayon na habang tinatayp ko ito, totoo! Kadalasan kasi sa mga anak hindi natin naiintindihan agad ang sitwasyon nila hanggang hindi pa natin ito nararanasan.
Nagpapasalamat na nga lang ako ay dahil masasabi kong kahit sa mga ganyang panahon ay hindi naman namin nakakalimutang magtawanan. Nuon ngang nagtataas kame ng gamit dahil hanggang bewang na ang tubig sa amin ay nagkakalokohan pa kami. Tapos naalala ko pa na nuong umuwi ako galing trabaho ay hindi na maaaring pumasok sa pinto namin kasi di na kayang daaanan ng tao dahil sa baha kaya sa bubong na lang ng kusina ako dumaan para makaakyat sa bahay namen. Natatawa nga ako kasi inabot pa ako ng tatay ko noon e paano ba naman ay mas malaki pa ata ako sa tatay ko. Sa mga usaping awayan na kahit madalas noon (na normal lang) ay naitutuwid naman namin ito ng maayos. Ang sikreto ay dapat malaya kang nagbabahagi ng niloloob mo sa kanila sa maayos na paraan para hindi na lumaki pa ang isang bagay.
Sa akin hindi pa nahuli ang lahat para maiparamdam ko na mahal ko sila. At iyung magpasalamat sa akin ang mga magulang ay napakasarap naman talaga sa pakiramdam. Hindi nila alam na sa tuwing sinasabi nila iyon sa akin ay lalo ko pang pinagtitibay ang loob para umusong pa. Hindi ko na ata kaya pang isalarawan ang pagmamahal at pasasalamat sa kanila – sa nanay ko, sa tatay ko at sa nag-iisa kong kapatid na lalaki na nagta trabaho na din at nakakatulong at klows pa sa akin.
Kung hindi para sa akin ang magagarbong bagay sa mundo ay wala namang problema. Hindi ko naman ikamamatay iyun. Okey na sa akin ang pagigigng simple lang kasi mas sasarap pa ang simpleng pamumuhay lalo at kasama mo ang iyong pamilya na nagkakaintindihan at tulong tulong para sa isat-isa.
Eh ikaw ba naparamdam mo na ba sa iyong mga magulang/pamilya ang galak at pasasalamat sa puso mo? Hala kung hindi pa ay GAWIN mo na at pagkatapos ay balitaan mo naman kame!
sa Pebrero 3, 2009 sa 6:47 hapon
alam mo natutuwa ako sa post mo kasi nakakatuwa naman talaga yung sobra ang pagrespeto at pagmamahal sa magulang (although no chance na ko gawin yun ngayon, pero nandun pa rin ang respeto at pagmamahal.)
isa lang dre…parang di yata makatotohanan yung laki sa hirap hehehe!
salamat! =)
dencios: magkwe kwento ba ako ng hindi totoo?
sa Pebrero 3, 2009 sa 11:21 hapon
isa kang mabait na anak! am sure excited na sila sa pag uwi mo kuya! they miss you na kaya! stay pious and may god bless you!
dencios: katulad nyo rin ako na gustong makatulong kahit paano =) salamat geisha!
sa Pebrero 4, 2009 sa 12:05 umaga
sa mga posts mo, ito ang da best. tagos ang message! nakakatouched basahin kasi kitang kita ko ang struggle at victories ng pamilya mo. saludo ako!
i-hi mo na lang ako kila nanay at tatay ha!
dencios: haha naku salamat bro. di mo lang alam kung paanu bahain ng hanggang bewang! pasalamat na lang at hindi basura at madumi kasi mga palaisdaan ang umaapaw
ok, i ha-hay kita haha =)
sa Pebrero 4, 2009 sa 2:39 umaga
salamat sa entry mo namiss ko lalo ang mudang ko.i don’t live with my mom at bihira akong umuwi sa bulacan.kasi naman pag umuuwi ako dun pagbalik ko sa barong barong ko sa qc bonggang bonggang nahohome sick ako..
dencios: nakakamiss no? anu namimiss mo? ako lutong bahay ni nanay
sa Pebrero 4, 2009 sa 2:57 umaga
halos pareho tau ng mga pinagdaanan kuya pero di pa ako kasingsuccessful mo. Kakagraduate ko lang kasi last year at i’ve been working for 7 months pa lng. btw, if you have enough time, pkibasa ng post ko written for my parents. It’s entitled BRAIN EXERCISE NO.3 at pkisagot na rin po ng tanong ko dun sa OFW,LABAN post mo.
Thank you po.
dencios: kung balak nyo mag abroad, wag muna siguro ngayon kasi financial crisis e unless galing kayo sa agensy na manpower type. pero kung visit visa, naku wag muna ang hirap sa panahon ngayon unless ulit na may kamaganak o kakilala kayu na puedeng tumulong sa inyo dito, pero yulad ng nasabi ko ay huwag muna sa ngayon at syempre kailangan ng ipon. handa hindi lang pinansyal, isip pati puso sa mga isasakripisyo..
sa Pebrero 4, 2009 sa 3:13 umaga
here’s the link po <a href=”BRAIN EXERCISE NO.3
sa Pebrero 4, 2009 sa 3:16 umaga
ay mali po. eto na talaga
tenchu!
dencios: got it. haha kalawkawin ko yan mamaya po ha?
sa Pebrero 4, 2009 sa 4:55 umaga
alam mo na rin naman kung sino priority ko di ba ?
napadaan lang about sa update na dalawang bese mo tinanong di ko alam kung makakagawa ako dis time
bibisita na lang muna ko sa mga bahay nyo…
sa Pebrero 4, 2009 sa 5:38 umaga
I love this post,nakakaiyak at parang gusto ko na ipadala kay Tita Charo.
Kidding aside,bilib ako sa’yo kasi napaka-humble mong tao at napakabait na anak.Kelan ka naman uuwi?
dencios: salamat boy! ayoko muna sabihin kung kelan kasi di pa definite baka maudlot haha. btw o magaling na sakit mo?
sa Pebrero 4, 2009 sa 7:37 umaga
nakaka touch true enough si boni rin ganyan… ako rin pala hahaha kahit di ko maamin.. madami rin naman ako natutulong parating sinasabi ni mama na hulog ako ng langit pag nagpapadala ako buwan buwan pero di naman nila ginagastos ang pera ko iniipon lang nila para sa retirement funds daw nila… napapunta ko na rin silang tatlo ng kapatid ko sa kl malaysia at nag side trip kame sa singapore nung nagpunta sila dito last year…
june 2007 ako nag decide pumunta ng kl ngayon malapit ng mag july 2009… ang bilis pero diko namalayan..madaming nangyari pero diko naramdaman
isa na lang ang pangako ko sa nanay ko ang magawa ang dream house ko sa bulacan pero on the way na naman kasi huhulugan ko na sya this coming june so malapit lapit na at tapos na ang pangako ko sa kanila at sisimulan ko naman ang sarili kong pamilya…
dencios: alam mo saludo ako talaga sa yo badoy! alam mo e talagang tumutulong ka din sa inyo. at masinop ka naman talaga. kita naman sa mga ginagawa mong pagiipon ng mga engrandeng regalo
e kaya nga no.one fan mo ako, naks =)
sa Pebrero 4, 2009 sa 12:33 hapon
Ka-ganda naman nito!
Ngayon na magulang na ako e mas naiintindihan ko na rin kung bakit ginagawa ng mga tatay at nanay natin ang mga nakikita natin noon sa kanila. At ang magkaroon ng isang anak na tulad mong sobra-sobra ang pagmamahal at pasasalamat sa kanila ay isang tunay na biyaya! Mabuhay ka – at mabuhay sila sa magandang pagpapalaki sa iyo!
At sa simpleng pamumuhay naman, mas okay nga yan. Lagi kong naaalala yung nabasa ko noong kolehiyo ako – Live simply so others may simply live. Payak pero may kurot sa puso at napakatotoo.
dencios: tama lahat ng nasabi mo ms.pinky.. naku e kung di naman dahil sa parents ko e baka batang kanto na ko hehe. tama, live simply! salamat sa pagdaan. makadalaw din sa bahay mo at mahalughog hehe
sa Pebrero 4, 2009 sa 2:27 hapon
bow.ang galing…
dencios: haha. makadalaw ulit sa inyo ms.hailey. naging busy e
salamat!
sa Pebrero 4, 2009 sa 2:38 hapon
Napadaan lang Brod Dencio…
Tama ka, dapat ipakita natin sa magulang natin na mahal natin sila.
Hindi lang sa material na bagay kundi sa emosyonal din.
Mahirap pag wala na sila saka natin naiisip na nagkulang pala tayo.
dencios: kaya dapat sabihin na natin ang nararamdaman dba? salamat sa pagdaan. URL mo tsong? a na kay anakngpating, sige bulabugin ko bahay mo minsan haha.
sa Pebrero 4, 2009 sa 3:26 hapon
sabi nga ng apo hiking society, “walang masama run. okay lang ang mangarap.” malay mo, isang araw ay maging kasing yaman mo ang mga taong nakikita mong mayaman ngayon. basta bitbit mo ang pamilya mo sa mga pangarap mo sa buhay. at nananatili sa lupa ang iyong mga paa.
- tenco
dencios: tama iyan tenco! aanhin mo naman ang yaman kung walang kaibigan dahil mayabang ka.
salamat!
sa Pebrero 4, 2009 sa 3:40 hapon
touching story dude. naiintindihan kita, dahil ako kahit nag-aaral pa at hindi din naman inoobligang tumulong, tumutulong rin ako kahit papaano gamit ang sarili kong pera mula sa aking part-time. alam ko ang hirap ng tatay ko sa ibang bansa, dahil sa kanya magaan ang buhay namin dito sa pinas. kaya naman kahit sa maliliit na bayarin ay tumutulong ako.
saludo ako sa iyo at sa mga OFW. ^^
dencios: waw. ang galing mo naman! keep it up!
sa Pebrero 4, 2009 sa 6:15 hapon
pare nabanggit ko lang yung hindi totoo kasi muka kang anak ng isang asindero o isang propitaryo hehehe
dencios: haha. salamat!
sa Pebrero 5, 2009 sa 2:38 umaga
hahaha ahmmmm hekshuli ako ang nagluluto nung sa bulacan pa kami kasi ndi masarap magluto si mama.sabihin na nating namimiss ko ang ingay nila..sa barong barong ko kasi walang maingay kasi ako lang nandun..
dencios: ikaw pala ang namimiss ng parents mo. oo nga no nakakamiss angmaingay na magulang haha
sa Pebrero 5, 2009 sa 5:09 umaga
naiinis naman ako sa yo. lagi na lang akong naiiyak sa mga posts mo! huhhuhu. ganyan din ako ka-aatached sa family ko eh. i always thank God kasi sila yung binigay nyang family sa akin.
dencios: pareho lang tayu marvin na maswerte sa pamilya. o tama na ang iyak hehe. thanks
sa Pebrero 5, 2009 sa 5:17 umaga
huling tagay para sayo dencios! happy birthday in advance!
dencios: binulgar mo naman gorgeous joshy haha
thanx
sa Pebrero 5, 2009 sa 5:21 umaga
dencios: salamat boy! ayoko muna sabihin kung kelan kasi di pa definite baka maudlot haha. btw o magaling na sakit mo?
##
reply: yup magaling na siya! korek wag muna sabihin para walang jinx. lol
dencios: haha. salamat!
sa Pebrero 5, 2009 sa 5:36 umaga
ay sus, nagself pity pa c kuya di kapani paniwala ha hehe… nwei, ang sweet mo naman sa parents mo… nakaka turn on… hehe joke…
cge ipagpatuloy mo po ang ganyang pag uugali ha…
dencios: iba ang understanding ko sa word na “turn on”
salamat!
sa Pebrero 5, 2009 sa 7:27 umaga
very inspiring. na-miss ko tuloy mga magulang ko…
dencios: nakakamiss ano?salamat!
sa Pebrero 5, 2009 sa 10:01 umaga
sino ba naman ang hindi excited sa pag-uwi ng isang artistahin at napakabait na anak? baka nga nagsasabit nga ngayon ng streamer at nakahanda na rin ang bandang sasalubong sa iyo!
dencios: artista ka dyan bossing! haha salamat!
sa Pebrero 5, 2009 sa 12:34 hapon
huy, kelan ka uwi? tagos sa puso yang mga sinabi mo ;D ako bago umuwi ng pinas nagbabalikbayan box rin, aside pa yung mga binili kong pasabulong na nakakadagdag bigat sa aking maleta.
dencios: naku ayoko muna sabihn kung kelan haha. nagbalikbayan box na ko nung christmas. lahat bibitbitin ko na lang muna ngayon hahaha.
sa Pebrero 5, 2009 sa 11:27 hapon
kilala mo ako kuya dens? hehe.
sabi ng mama ko pinagpapala daw ung mga taong minamahal ang magulang nila at di sila kinakahiya.
bakit naman “lang” lang ang sinabi ng magulang mo sa trabaho nila. marangal naman un kesa magnakaw. sabi nga ng mama ko ung lola ko daw nagtitinda ng isda at gulay sa palengke dati, ung lolo ko naman karpentero-slash-supervisor sa printing. super sipag ng lola ko, super maabilitad naman lolo ko. ayun, napagtapos nila sila mama at 2 kong uncle sa college. at heto kami ngayon-ang mga apo nya-nasa amerika. sinong magsasabing “lang” lamang ang pagtitinda?
trabaho=pagkatao? para sa akin mali un. dito sa earth, ang pinaimportante ay marunong makipagkapwa-tao, masipag, matyaga at makadyos.
-hehe.
dencios: aba nakakainlove ang mga sinasabi mo lei. totoo, wala sa trabaho iyan nasa diskarte at husay sa pakikipagkapwa tao. ang galing ng koment mo
sa Pebrero 6, 2009 sa 1:03 umaga
[...] Pasasalamat sa aking Ina at Ama Nang mabasa ko ang post ni Dencios, hindi ko napigilan na isulat itong post na ito. Bagama’t may naka-reserve ng post para sa [...]
sa Pebrero 6, 2009 sa 1:04 umaga
eto na, makikibalita……….
http://rllqph.wordpress.com/2009/02/06/re-pasasalamat-sa-aking-ina-at-ama/
dencios: up[date ko ang blogroll ko. pansin ko iba na pala ang blog mo. asan yung dati?
sa Pebrero 6, 2009 sa 5:16 umaga
ano naman pagkakaintindi mo po sa salitang turn on? parang anu lang yan eh.. uhm ilaw.. kelangan iswitch on at iswith of… hehe! hehe!
dencios: wag mo na alamin, bastos e haha.
sa Pebrero 6, 2009 sa 10:13 umaga
wow.. sa title pa lang napareply na ako
sa Pebrero 6, 2009 sa 10:22 umaga
Ayan, nabasa ko na siya! Napakagandang post nito
God Bless..
saludo ko sa’yo dencios
dencios: mas saludo naman ako sayo!
sa Pebrero 6, 2009 sa 6:56 hapon
aminin mo na kung kelan ka uuwi, hahaha
dencios: pag definite na haha
sa Mayo 8, 2009 sa 8:35 hapon
[...] MALIGAYANG ARAW NG MGA INA para sa aking mahal na NANAY (narito ang kwento ng buhay namin) at sa lahat ng butihing ina sa mundo lalo’t higit dito sa mundo ng [...]
sa Mayo 9, 2009 sa 4:46 hapon
hindi kami ganoon kaINTIMATE ung relationship namin.
walang kiss at hug, pwera lan kung may special ocassion.
sana nga masanay na akong ipakita sa kanila ang BIGTIME kong PAGMAMAHAL!
New Post: My First Inspiration
sa Hunyo 17, 2009 sa 7:03 hapon
[...] Pulos Pangarap[79] Boboto ka pa ba ng TRAPO?[81] Oh, Pag-ibig nga naman![64] Nagtapon ng BuhayPasasalamat sa aking Ina at Amano RICE [...]
sa Hunyo 22, 2009 sa 8:34 umaga
i love it!
kung paano talaga tayo pinalaki ng magulang natin, nagrereflect sa kung ano tayo ngayon.