Hot-Blooded Pinoy Expat

Pebrero 27, 2009

Maraming Salamat!

Isinalansan sa: Kwentong Sari-sari — Mga Marka:, , , , , — hisnameisdencios @ 9:39 hapon

The hardest part of any friendship is when it is time to say goodbye.
As much as we might like things to stay the same, change is an inevitable part of life.
The universe may seem huge and the rift between friends on opposite side of the world may seem a great distance indeed.
But there is a secret that only real friends know and it is this:
All the mountains and valleys in the world cannot separate friends whose hearts are as one.

Source: familyfriendpoems.com

Salamat sa unang 5 blogista (highlighted * l i n k) na nag komento sa akin dito sa blogosphere. Salamat din kay Jie na siyang nagpakilala sa akin sa WP family. Sa lahat ng nakalista sa baba at sa inyo na nagbasa, nagdaan at nagkomento SALAMAT. Babalik ako hindi lang alam kung kailan. :)

Dioniscio Ladao Katindig

Dioniscio: "maraming salamat!"

Pebrero 24, 2009

Magkwekwento na muna ako

Nuong nakaraang weekend ay nagpunta kame ng Dubai Zoo. Gusto ko sana makakita ng elepante kaso wala. At mantakin nyo na may malalaking bintilador ang ibang mga hayop dito kasi nga ay pag summer extreme ang init ng Dubai. Balita pa nga ay may ilang hayop na namamatay. Pero ngayon siguro ay isteybol na kasi kawawa naman ang mga nilalang na ito. O eto ang litrato sa baba:

o ang gaganda nila ano? :)

o ang gaganda nila ano? :)

Ilan sila sa mga kinuhaan ko ng litrato. Malolobat na kasi ang telepono ko kaya hindi ko na naisama ang iba. Pero kung tatanungin nyo ko kung sino ang pinaka maganda sa personal? 3 ata: Giraffe, European Wolves at Flamingo.

Pagkatapos ng Zoo na ito ay tuloy party naman ako ng aking mga kaopisina. Hindi naman ako nangamoy animals hehe. Nakisawsaw at nagcontribute na din ako sa handaan para na din sa kaarawan ko last week. Pero ang bida talaga dito ay iyung magpinsan na kaopisina ko. O eto larawan sa ibaba:

party mode

party mode

Syempre kainan ito at mawawala ba ang inuman? Hindi naman ata puede yun. O ayan ang itsura sa ibabang bahagi ng larawan. Pero sila lang ang uminom at ako naman ay kinalimutan muna ang diet at tumira ng ispageti Jolibee style daw. Hehe. Ang itim ko ano? Haha.

At bago ko makalimutan ay may nagregalo pala sa akin ng original Kenneth Cole watch, Zara plaid black and red semi fit jeans, coumoflage na sinelas nuong nakaraang kaarawan ko. Saya ano?

gifts

gifts

Teka napabilis ata ang update ko ngayon. Basahin nyo naman ang tula na ginawa ko sa baba lang ng post na ito o kaya eto ang link. Salamat! :)

Pebrero 23, 2009

Tula: Pulos Pangarap

Isinalansan sa: Poetry — Mga Marka:, , , , — hisnameisdencios @ 6:03 hapon
lonely man by salihguler

image by salihguler

Hindi birong sumulat ng tula para sa iyo.
Naupo sa paanan ng puno, minasdan ang karagatan habang
ginugunita maamong mukha mo.
May bitbit na panulat at lumang kwaderno
Habang nilalaro aking damdamin para sa iyo.
**
Aking naalala nang sabihing “mahal kita”
Nagsimula kang umiwas oh aking sinta.
Dahil ba ako’y ordinaryo at waring nanlamig ka na?
O dahil sa dami ng sumisinta na tila ako sa iyo’y walang ibubuga?
**
Inaamin ko namang ako’y simple lamang.
Walang magarang porma na kung mapapansin man ay sadyang kay dalang.
Hindi katangkaran, mukha’y sa dilim lamang maaaring iyabang.
Wala namang magawa kahit na mag agam-agam.
**
Gayunpaman ako ay nagagalak sa minsan nating kasiyahan.
Tinanggap ko na namang kailangan mo nang lumisan.
Heto na naman ako’t pulos pangarap na lamang.
Sino ba ang tatanggap ng wagas na pag-ibig ko lang ang kayang ipagsigawan.

by: Dencios (4:35pm; Pebrero 23, ‘09)

Pebrero 18, 2009

Happy Exercise! Eat Healthy!

Isinalansan sa: Ehersisyo't Diyeta, Pagkain at Kainan — Mga Marka:, , , , , , — hisnameisdencios @ 8:37 hapon
gym equipments

gym equipments

Ang mga larawan sa itaas ay ilan sa mga gym equipments na madalas kong gamitin sa pang araw-araw (kung pahintulutan ng isked ko) kong ehersisyo:

a. Adjustable Dumbbells
b. Multi-gym Pro
c. Abs equipment
d. Weight mesure equipment
e. Pulse Measurement
f. Treadmill
g. Decline Bench
h. Abs Work bench

Pagkatapos kong makipagbuno at gahasain sa mga iyan ay masarap at magaan ang pakiramdam talaga.

food for good health

Oatmeal, Eggs and Low fat Milk

At ito naman mga pagkain na nasa larawan din sa taas ay ang mga ika nga e “must haves” kapag nagda-diet ka. Para sa akin ito ang da bes:

*Oatmeal na hahaluan mo pa ng fresh fruit lalo na mansanas-napakasarap!
*Itlog na source of protein
*At syempre gatas na low fat at syempre madaming tubig.

Pero syempre kailangan mo din ng meat para may ibu-burn ka sa iyong pageehersissyo tulad ng manok o laman ng baka o kahit na kanin sa tamang amount lang. Nakakatulong din kasi ang meat sa paglaki ng muscle natin.

Kung ako kasi ang tatanungin ay kanya kanya namang diskarte iyan. Basta sinusunod ko lang ang sa tingin ko ay nararamdaman ng katawan at ng tiyan ko.

Pero kung ikaw ay may pera naman at gusto mong karirin ang pagpapaganda ng katawan ay maaari ka namang komunsulta talaga sa eksperto o mag enrol sa gym para sigurado ka sa lahat ng gagawin mo.

dencios on action

dencios on action

Isa lang ang mahalaga dapat nag e-enjoy ka sa ginagawa mo at hindi napipilitan para may motivation at mag resulta ng maganda.

O ito pala ang isa sa mga larawan ko na resulta din ng pagkikipagtuos ko sa gym. Hehe

Tips ko lamang ito na base sa alam kong paraan. Iba iba naman ang diskarte ng mga nag-eehersisyo. Happy Exercise na lang at eat right/healthy!

Pebrero 17, 2009

Sino ba ang pinaka MAGANDANG nilalang?

Isinalansan sa: Paniniwala't Relihiyon, Repleksyon at Aral — Mga Marka:, , , , , , — hisnameisdencios @ 3:17 hapon
ikaw nga po..

ikaw nga po..

Kung si God ay may repridyereytor, ang larawan natin nakasabit sigurado sa gitna ng pinto nito.

Kung Siya ay may walet lang, paniguradong nakalagay din ang larawan natin.

Tuwing tagsibol binibigyan Niya tayo ng luntiang halaman at mababangong bulaklak.

At tuwing umaga, dampi naman ng liwanag na galing kay haring araw.

Kapag gusto nating Siya kausap, lagi Siyang handa makinig!

Alam mo bang maaari Siyang mamahay sa ibang planeta o sa kalawakan? Pero huwag ka kasi ang pinili Niya ay sa PUSO natin.

Kung ating susumahin, TAYO na ang PINAKA MAGANDANG NILALANG sa mundo!

Tanggapin mo na! Mahal na mahal talaga Niya tayo!

Hindi naman Niya ipinangakong ang bawat araw ay walang hatid na hirap, ang bawat ngiti ng walang kalungkutan ngunit binibigyan naman Niya tayo ng LAKAS para bumangon, YAKAP sa bawat pighati at LIWANAG sa bawat daang tatahakin natin!

Hindi ba at sobra sobra na ito para tayo’y tumayo at lumaban pa at mabahaginan na din ng kulay ang buhay ng iba?

Ang sarap mabuhay ano?

:)

Pebrero 14, 2009

Sa araw na ito..

Isinalansan sa: Buhay Dencios — Mga Marka:, , , , — hisnameisdencios @ 9:16 hapon

Sa aking paggising una sa lahat nagpapasalamat ako sa Diyos para sa araw na ito.

Sa araw na ito nagpapasalamat ako sa aking pamilya na sobra ang tiwala sa akin.

Sa araw na ito gusto kong maging masaya at iwaksi na lahat ng sakit na nadarama.

Sa araw na ito gusto ko magpasalamat sa LAHAT ng taong nagmamahal.

Sa araw na ito para sa Blogosphere: Ako po ulit si Dioniscio – ang simple nyong kapitbahay na nagpapasalamat sa inyong pagbibigay pansin at unawa sa aking mga minsang walang saysay na salita. Walang nakalalamang dito, walang pangit, walang tomboy, walang bakla, lalaki o babae ka man, may kapansanan o wala, WELCOME KA DITO. MASAYA AKONG DUMADALAW KA. KARANGALAN IYUN SA AKIN KAYA SALAMAT TALAGA!

Sa araw na ito ika labing apat ng Pebrero aking hinihiling ang apat na bagay para sa panibagong yugto ng aking buhay – malakas na pangangatawan, tamang desisyon sa buhay, nag-uumapaw na pag-ibig sa aking puso para sa aking mga mahal at HUMIHILING NG SIMPLENG BUHAY.

At sa araw na ito binabati ko ang aking sarili,

“Dioniscio! Maligayang kaarawan sa iyo!”

 

Pebrero 12, 2009

pantasya mode

Isinalansan sa: Kwentong Ako — Mga Marka: — hisnameisdencios @ 8:05 hapon
ZZZzzz..

dencios: ZZZzzz..

Dioniscio is dreaming and fantasizing of someone gorgeous.
“I’m dating you tonight in my dreams..”


Pebrero 11, 2009

pagdating ng panahon na kinailangan ng malanta..

Isinalansan sa: Repleksyon at Aral — Mga Marka:, , , — hisnameisdencios @ 9:12 hapon

Nuong isang araw na naglalakad lakad ako mag-isa papaunta sa kung saan ay nakakita ako ng mga maliliit na bulaklak na tumutubo lang pag tag-lamig dito sa disyerto. Sabihin na nating ignorante ako pero ang alam kong tumutubo na may bulaklak ay ang kaktus lamang. Hindi pala. O heto ang larawan ng bulaklak sa baba.

uy, plawers!

dencios: buti pa ang disyerto..

Natuwa ako. Akalain mong ang parang patay na disyerto nakapagpapatubo pala ng isang klase ng bulaklak na kulay dilaw na kitang kita sa gitna ng sinag ng araw. At wala pang nagdidilig diyan a. Galing ng kalikasan!

Ilang minuto pa habang pinagmamasdan ang larawan sa aking telepono ay nag-iisip na naman ako.

Naisip ko tuloy minsan ang tao tanim ng tanim sa puso ng mga napakagagandang bulaklak para ialay sa akala nya ay magdidilig nito upang mas mamukadkad pa. Pero ang resulta? Nalalanta naman. Nagkulang kasi sa aruga.

Pero hindi natin alam minsan hindi naman kailangan talaga magtanim. Tutubo na lang yan may magdilig man o wala basta nasa tamang panahon ng pagsibol. Kung may tatapak, tutubo pa din! Kung walang makapansin, tutubo pa din! At kung may pipitas at magpapayabong, salamat kasi dadami.

At pagdating ng panahon na kinailangan ng malanta at mamatay ng bulaklak sa puso mo, wag kang malungkot oh. Babalik yan!

Hindi mo man nailay ang bulaklak sa nag-iisang taong gusto mo, isipin mo ay mayroon din namang pumitas at nabahagian ng kasiyahan sa kulay na dulot nito.

O tignan nyo kung ang disyerto ay nakapasasalita lamang ay natuwa na iyun kasi may nakapansin sa kanyang simpleng handog at naibahagi pa sa inyo ang saya at repleksyong naramdaman ko.

**

Wirdo? Hindi. Sabihin na nating nakita ko lang ang isang pamantayan sa buhay sa isang simple at maliit na bagay tulad nito. Wirdo pa din ba at mas bumaduy pa? Aminado naman ako pero nakarating ka sa dulo nito ibig sabihin niyakap mo ang pagkabaduy ko :-)

Pebrero 10, 2009

Malapit na ang pagtatapos..

Isinalansan sa: Kwentong Sari-sari — Mga Marka:, — hisnameisdencios @ 8:49 hapon

..ng isang kabanata sa aking buhay.Tatlong araw na lang bago ang importanteng petsang iyon. Matagal tagal ko din itong pinag isipan. Sana tama ang aking magiging desisyon.

agoodhusband.net

image: agoodhusband.net

Edited: Malagong buhok sa..

Isinalansan sa: Buhay Dencios, Kwentong Ako, Trends & Gadgets — Mga Marka:, — hisnameisdencios @ 9:34 umaga

..ulo! Mag babalentayns na, Pipiliting kong magmukang tao para naman yung titisurin ko sa tabitabi papunta sa aking bisig-bisigan ay ma inlab sa buhok ko este sakin pala hehe.

Pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga, pagninilay at mga medyo seryosong posts ay eto na naman ako walang katuturan na naman ulit ang sasabihin. Oo nga pala may mga nag tag sa akin, tatlo ata – si cutie azul, ina aydol kong si bossing Eli at maldito da hunk. Salamat gagawin ko iyan sa mga susunod kong entri. Aabangan ko ang sarili kong post kasi magpapasabog ako. (di ko na inaaya ang buong blogosperyo kasi hindi naman ako malakas sa inyo hehe)

Sa ngayon ay ipepersonalays ko muna ulit ang bahay ko. Magpapagupit ako. Malago na kasi ang buhok ko. Pinagiisipan ko pa kung anung magandang areglo ang bagay sa ulo/buhok ko at para naman magmuka akong ganap na tao.

a. Sa gupit na iyan magmumukha akong kagalang-galang at ginyus (..sana).

b. Sins samer na ay balak ko ng long crew cut daw ang tawag tulad ng sa nakikita nyo (mukang eto natritripan ko por a change)

c. Parang ganito ang buhok ko ngayon, mas manipis lang ang side cut ng nasa larawan at matayog ang itaas.

d. Eto naman ang isa na meduim cut na malinis din tignan at mukhang boring din hehe.

mi ni mi ni may ne mo.. eto ba o eto..eto.

dencios: mi ni mi ni may ne mo.. eto ba o eto..eto.

So ayun na nga mga bossing at pinagiisipan ko pa. Oo nga pala papasilip ko iyung malago at maitim kong buhok. Eto.

Pebrero 6, 2009

Fast Random Pictures

Isinalansan sa: Buhay Dubai, Disenyo't Arkitektura, Kwentong Ako, Kwentong Galaan, Kwentong Litrato — Mga Marka:, , — hisnameisdencios @ 8:24 hapon

January 26, 2009 - SUNSET

January 26, 2009; 6:21pm - SUNSET

55pm - DUBAI OLDEST TOWER

January 26, 2009; 6:55pm - DUBAI OLDEST TOWER

31am - GOING WORK (fog madness)

January 30, 2009; 8:31am - GOING WORK (fog madness)

26pm - NEW 2 FLOORS DUBAI BUS

February 2, 2009; 9:26pm - NEW 2 FLOORS DUBAI BUS

41pm - NAG-BOATING AKO PAUWI (sarap!)

February 2, 2009; 9:41pm - NAG-BOATING AKO PAUWI (sarap!)

21pm - VIEW pauwi from work

February 4, 2009; 6:21pm - VIEW pauwi from work

13pm - FESTIVAL MALL INTERIOR

February 4, 2009; 8:13pm - FESTIVAL MALL INTERIOR

53pm - FESTIVAL MALL FOODCOURT (hanep no?)

February 4, 2009; 8:53pm - FESTIVAL MALL FOODCOURT (hanep no?)

42pm - PICTURE TAKING hehe

February 6, 2009; 4:42pm - PICTURE TAKING hehe

02pm - PICTURE TAKING again hehe

February 6, 2009; 8:02pm - PICTURE TAKING again hehe

Pebrero 3, 2009

Pasasalamat sa aking Ina at Ama

Isinalansan sa: Buhay Dencios, Repleksyon at Aral, Usaping Pamilya — Mga Marka:, , , — hisnameisdencios @ 11:20 umaga

happy1

Sinu bang anak na kumikita na ng sariling ikabubuhay ang hindi nanaising makatulong sa kanyang ina, ama o kapatid lalo kung wala pa naman sariling pamilya? Syempre lahat naman ay gugustuhing makatulong. Sisikaping masuklian ang pagpapalaki ng mga magulang. Ayoko mang sabihin pero sobra na nga ata akong na attached sa aking pamilya. Hindi naman ako inoobliga at saka kusa naman at kailangan talaga ang pagtulong ko/namin ng kapatid ko.

Eto nga leytli pakiramdam ko sa nalalapit kong paguwi ay ibubuhos ko ang panahon para sa maiksi lang naming pagsasama. Saka syempre pa ay nakabili na ako ng kaunting gamit sa bahay/damit/sapatos at regalo para sa nanay at tatay ko. Hindi naman mawawala iyon. Aba naman mga bossing, mga magulang ko ata iyon! E saan ba ako pupulutin kung hindi nila ako iginapang para makapag-aral? E paano ba naman ay mahirap lang kame. Lumaki sa lugar na laging binabaha, may tulo ang bubong pag may bagyo, walang plash na banyo, sira sira ang tayls sa sahig, ang bintana namin basag na tapos tinakpan ko lang ng gamit na kardbord at iskats teyp, iyung upuan nga namin bulok na ang isang paa dahil sa madalas na pagbaha ay pinakuan ko lang ng kahoy para tumayo tas binarnesan ko para magmukhang bago. At ang resulta? Luma pa din pero mukha na ding bago kahit paano.

Naalala ko lagi sinasabi ng nanay ko sa amin ng kapatid ko ay kapag tinanong daw kame ng mapapangasawa/kaklase/kaibigan ay sabihin daw na nagtitinda lang ang aming ina ng daing at ang tatay naman ay drayber. Naku e paano ko ba naman makakalimutan iyon e kapag sinasabi nila yun ay natatawa talaga ako pero sa kabilang banda kapag naiisip ko iyon ay totoo naman talaga na sa ganung paraan nga kame nabubuhay. Hindi ako nahihiya at prawd pa nga ako na sa ganuong paraan ay parang madyik na nakapagaaral kame sa magagandang kolehiyo. Ang abilidad nila ano? Kapag naiisip ko iyon ay hindi ko magawang hindi maging emosyonal katulad ngayon na habang tinatayp ko ito, totoo! Kadalasan kasi sa mga anak hindi natin naiintindihan agad ang sitwasyon nila hanggang hindi pa natin ito nararanasan.

Nagpapasalamat na nga lang ako ay dahil masasabi kong kahit sa mga ganyang panahon ay hindi naman namin nakakalimutang magtawanan. Nuon ngang nagtataas kame ng gamit dahil hanggang bewang na ang tubig sa amin ay nagkakalokohan pa kami. Tapos naalala ko pa na nuong umuwi ako galing trabaho ay hindi na maaaring pumasok sa pinto namin kasi di na kayang daaanan ng tao dahil sa baha kaya sa bubong na lang ng kusina ako dumaan para makaakyat sa bahay namen. Natatawa nga ako kasi inabot pa ako ng tatay ko noon e paano ba naman ay mas malaki pa ata ako sa tatay ko. Sa mga usaping awayan na kahit madalas noon (na normal lang) ay naitutuwid naman namin ito ng maayos. Ang sikreto ay dapat malaya kang nagbabahagi ng niloloob mo sa kanila sa maayos na paraan para hindi na lumaki pa ang isang bagay.

Sa akin hindi pa nahuli ang lahat para maiparamdam ko na mahal ko sila. At iyung magpasalamat sa akin ang mga magulang ay napakasarap naman talaga sa pakiramdam. Hindi nila alam na sa tuwing sinasabi nila iyon sa akin ay lalo ko pang pinagtitibay ang loob para umusong pa. Hindi ko na ata kaya pang isalarawan ang pagmamahal at pasasalamat sa kanila – sa nanay ko, sa tatay ko at sa nag-iisa kong kapatid na lalaki na nagta trabaho na din at nakakatulong at klows pa sa akin.

Kung hindi para sa akin ang magagarbong bagay sa mundo ay wala namang problema. Hindi ko naman ikamamatay iyun. Okey na sa akin ang pagigigng simple lang kasi mas sasarap pa ang simpleng pamumuhay lalo at kasama mo ang iyong pamilya na nagkakaintindihan at tulong tulong para sa isat-isa.

Eh ikaw ba naparamdam mo na ba sa iyong mga magulang/pamilya ang galak at pasasalamat sa puso mo? Hala kung hindi pa ay GAWIN mo na at pagkatapos ay balitaan mo naman kame!

Pebrero 2, 2009

Laban OFW, Laban!

Isinalansan sa: OFW Talk — Mga Marka:, , , , , — hisnameisdencios @ 11:17 umaga

Laban OFW, Laban!

Laban OFW, Laban!

As I gaze through the internet awhile ago, I found out that despite Global Financial Crisis, Philippines’ Professional (and other they so-called skilled workers) OFW’s income rose to whopping 50% compared the previous year according to POEA. It is definitely good news! I can offer an instance as according to my personal understanding why this swelling of income occurred in the face of the crisis.

When GFC (Global Financial Crisis) busted on its peak months ago (…and until now) I happened to over act what would ensue my family back in The Philippines. So as much as I may possibly imagine I sent money (on a new amount and up till now) for them to not go through the crisis. And I suppose that’s also the first thing an OFW would want to do.

On a heavier note, yeah bad news, I was informed recently by a friend that recession on companies is still arising. In fact some even already 5-10 years employees were fired out. I still worry up to now what would possibly happen to the company I am working at. A week or two or a month can be decisive because anything can take place.

I still need to hang on, to stay. I just pray firm.

A little off topic I recalled the simbang gabi mass, a corporate-looking lady was invited to share her experience at Kish Island where hundreds of OFW’s require to stay for a month while waiting for their new visa’s to arrive. You might be asking why a need to stay when you can get back to The Philippines? The answer it’s a lot cheaper (and we, Pinoys would certainly prefer primarily because we are talking as regards with money – we need or if that would be me, I NEED money so I choose Kish) except for it is not in fact a safe place to stay. In other words, as according to the lady, you have to be economical (or matipid) for you to carry on to this kind place. The teary eyed lady gave details that some would go fishing (because it’s a small island) then create a small fire just for the fish to get cooked and eventually pass the starvation. Others don’t even eat thrice anymore. Not to mention the racism going on because it is a mix of different people/culture – Pakistani, Lebanese, and Indian (and etc) so there might be groupings and “kampihan”. The lady cited few more troubles there and was then so emotional that I really, really, really felt for her. Most were weeping.

We are still experiencing Global Financial Crisis and hundreds of OFW sacrificing everything for their families. That’s why when I pray whether I may know them or not, I include them, ALL OFWs like me particularly our domestic helpers around the world.

As a result I always say “LABAN OFW, LABAN!” (et al, seriously in Nora Aunor firm and full conviction)

Mabuhay ang mga OFW!

Mabuhay ang lahat lahat ng Filipino!

Pebrero 1, 2009

Makaahon sa hirap

Isinalansan sa: Buhay Dubai, OFW Talk, Repleksyon at Aral, Usaping Pamilya — Mga Marka: — hisnameisdencios @ 8:32 hapon

Kay lamig ng panahon ngayong Pebrero. Ang daming mga kabayan(OFW) naglalakad sa gitna ng lamig. Nagtataasan nga ang aking balahibo sa bawat ihip ng hangin at ang fog ay sadyang kay kapal upang halos matakpan na ang mga gusali’t kaldasa.Mabuti na lamang at walang disgrasya sa daan.

Wow..(singhot, singhot..)

teary eyed Dencios: Wow..(singhot, singhot..)

Kahapon din ay aking kinuhaan ang daan papuntang opisina (larawan sa taas). Nakita ko kasi mula sa aking kinauupuan ang sinag sa gitna ng mga nagtataasang gusali. Tila isang geyt papuntang langit. Naisip ko ganyang kalaki ba ang daan papunta sa ating pinaleng destinasyon? Napakibit-balikat na lamang ako.

Gayunpaman ang hiling ko talaga sa Taas ay ang mabigyan pa ng mas makabuluhang buhay at tamang pag-iisip upang mapagsilbihan pa ang aking, una sa lahat, Pamilya. Kaya nga andito ako/kaming mga OFW para makatulong at maiahon sa hirap ang mga pamilya namin.

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.