Sa dadating na sabado ng gabi (Nobyembre 29) ay gaganapin ang semi formal Christmas Dinner Party ng aming opisina sa isa sa mga restawran ng JUMEIRAH BEACH HOTEL. Ang bigat ano? Parang umaatikabong payamanan ng pormahan ito at paguapuhan pa since halos lahat dito sa aming kumpanya ay pulos adan.
Magsasawa ka sa ibat ibang klase ng lalaking lahi – syempre una sa billing tayong mga Pinoy, British, Iranian, Indian, Lebanese, Thailander, Chinese at Mexican. O ang daming pagpipilian ng mga bloggers dito. Hehehe. Smart casual ang required na isusuot. Syempre isa ba naman ito sa pinaka magarbong beach-hotel sa buong mundo kaya dapat ay presentabol.
Teka pupuntohin ko na ang gusto kong sabihin. Tama na ang intro hehehe.
Ngayon ay usap usapan dito na magaganap na ang EVICTION NIGHT sa party na iyon. Hehehe. Sa dahilang Cost Cutting dahil ang Dubai ang isa sa pinaka nahagupitan ng World Financial Crisis dito sa UAE.
Bagsak talaga lalo sa Construction ay halos ihinto muna ang mga gawa.
Daan na ang nawalan ng trabaho dito.
Nag-aalala na nga ang aking mga magulang lalo ang nanay ko. Positive naman ako kapag kausap ko sila sa telepono pero sa totoo ay nag-aalala naman talaga ako. Ayoko lang iparamdam. Iniisip ko lang positive lagi para naman masecured sila na ok ako.
Sabi ko nga sa last post ko ay hayaan nating SIYANG magdesisyon para sa ating buhay pero mabuhay din naman tayo ng tama.
Pero…
Hindi naman seryoso ang usapaing ito. Pinagtatawanan nga lamang nila at ginagawa talagang biruan palibasa kasi ay parang secured naman kame sa alaga ng kumpanya. Iyan naman ang maganda dito sa amin, naalagaan kame kaya ganun ko na lang kamahal ang kumpanyang ito para ibuhos lahat ng aking natatanging talento sa mundo ng Arkitectura. Ang yabang ko! Joke lang yun. Hindi rin half meant. Hahaha.
Teka naisip ko tuloy poporma at magpapapogi pa naman sana ako (asa! har har har) tapos ay may ganun palang ebiksyon-ebiksyon na iyan, hehehe. Pero wala naman talagang ganun.
Naisip ko magpapa ampon na nga lang ako. Puede naman akong boy sa bahay basta may free akong blog everyday. Haha.
Habang tinatayp ko ito lumapit ang isang 3 months old opismeyt ko na baka siya daw ang matanggal kasi bago pa lamang daw siya. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya…
Pagdasal na lang natin ang kalagayan ng buong mundo ngayon okey?
magagamit ko yung 2 kong relo kung kasama ako dyan at mag papa smart casual ako ng bonggang bongga! enjoy… panalo pag bading ka kasi lahat kayo lalake dyan kung lalake ka kawawa ka kasi walang pekpek… hahah!
smart casual?
pag ganyan, simple lang ako.
BARONG TAGALOG! hahaha.
Pabombahan ba ang laban, Maghubad ka, may ipapakita ka naman, Ayt. Pabonggahan yata ibig sabihin lols. nyahahahaha..
mas simple mas elegant di ba? gasgas pero totoo yun parekoy.
**
Totoo pala yung World Financial Crisis.. tsk tsk,. may tiwala naman ang buong mundo sa talento mo parekoy, kaya tama yan think safe.. ikinakarangal ka naming nandito sa ‘PInas..
Mabuhay ang mga naghuhubad na Bayani! Joke.. Bagong Bayani! hahaha ang green ko, ibig kong sabihin mga sukdulan sa pagtatrabaho para sa naiwan na pamilya dito sa pinas.
Ako na lang aampon sa’yo.. ibibigay ko sayo lahat, sahod ko pati katawan kung gusto mo, nyahahahahahaha.. (nabakla na naman).
Sa huli parekoy, walang nakakaalam sa plano sa ‘tin sa taas, basta sunod-agos na lang tayo diba? pero kaakibat pa rin dun yung pag tya-tiyaga! Tama!
Ayos!
Naku kaya ayokong pumunta sa mga sosyalin na party eh,ukay-ukay lang ang kaya ko isuot. lol
Kawawa naman yung mga matatanggal sa work,don’t worry gaya nga ng sabi mo hayaan na lang natin SIYA mag decide.
Dionicio iba na naman ang theme ha? Mas pabor ako dun sa previous, IMO, may character eh?
Wear something that will not intimidate others. Easy, just bring yourself to the social function and the rest will follow.
mabigat yan….poporma nang alam mong maghihirap!
pero mabigat din kung lahat ilalagay mo sa iyong balikat?
did i make sense? hehehe
at nag-google pa talaga ako sa JUMEIRAH BEACH HOTEL. wahahaha!
lol. di ako maka relate sa smart casual party na yan. wala akong alam sa pormal na okasyon.
wag kang mag-alala tsong, hindi ka pa pauuwiin dito sa Pinas. yun ay kung ok naman ang yong performance.
magdasal nalang tayo para sa ikauunlad ng kalagayan ng buong mundo.
-napadaan na naman-
naalala ko ang party kagabi..ako ang pinakaiba..ahahaha….iwan…indi ko daw masyadong pinaghandaan ang party….at talbog lahat ng suot nila..popost ko soon.ahhaha
naligaw lng pare.. hehe
smart casual? hmmm… pang simbahan attire ba yan?
smart casual? depende yan sa kung anong definition sa inyo. dito kasi smart casual meaning slacks and polo shirt with neck tie pero walang jacket. pero sabi ko kay kengkoy mas pogi kapag walang neck tie
ang masasabi ko lang, ang dapat na dala talaga e ang iyong sarili, have fun! dito rin, ang daming stop work ngayong pasko, tadtad na rin kami ng problema sa krisis na yan
salamat sa comment mo…hehe. nakakainlab ba? toinks.
naku HALOS lahat yata ng kumpanya ngayon any nasa cost cutting stage. ramdam na ramdam ang epekto ng krisis sa america. ts.
Parehas tayong nag aalala ganyan din sa company namin parang in any moment mawawalan ka ng work at uuwi k sa Pinas na luhaan. Just pray na sana gumanda na ang sitwasyon… haaaayyyys….
you and the many others who fear for their jobs have my prayers.
Anu’t ano man, basta tuloy ang buhay, tuloy ang blogging!ü
God bless!
ps. may prayer brigade kami para sa next election. baka gusto mong sumali. hanapin mo na lang sa blog ko. cool ang badge, cool din ang advocacy. thanks!
hayy naku papa dence lahat tayo may ganyang fear at the moment.
we will unite our forces and pray na lang na sana malampasan natin ang krisis na ito bago pa man tayo kumain ng putik.. hehehe
excited ako sa pics mo sa parteee….
parang bigaten nga ung hotel.. prang gusto ko isearch. haha.
everything will be fine.. basta enjoy the party nalang. malay mo makadekwat ka pa dyan.. e di sure na hindi ka na uuwi. haha.
anyway.. kasama ka sa prayers ko ngaung gabi. diba nga sabi nila.. mas malakas ang dasal kapag marami at ibang tao ang nagdadasal para sayo? haha.
Makikidaan lang pot, hehe, uy, added u sa blogroll ko ha? Pinapa-alam ko lng po, salamat And OO nga pla prehas pla taung nsa contracting business..
smart casual? pasok ang white chuck’s ko jan! ahahaha…
competitor namin jumeirah beach hotel eh, so no comment. ahihihihi. basta, sana hindi ka ma-award. yun lang!
inde ku nararanasan yan…
pero baka mga magulang ku…
baka isang araw, magising na lang aku
nagbobote na kami… (pero nagbblog pa rin. lolz)
naku pow! wag naman sana…
anyway, gud luck!
Dionisio: (sarap sabihin nang pangalan mo hehehe)
Kala ko asa Manila u, nasa Duba ka pala. Glad to hear news from Dubai although that was not good news. Am sure, tatamaan nito mga OFW’s pag nagtanggalan dyan. It’s all over. Kaya I hope yung mga karamihang Pinoy dyan are ready for the worst sakaling dumating man yan at maapektuhan sila. But all the best sa mga Pinoy in Dubai and thank you for leaving your footprints sa palasyo ko.
[...] this is now hitting Dubai, where Dencio is. I like the term he used: magkakaron daw nang EVICTION NIGHT sa party nila. I hope it doesn’t happen. I hope Dubai stands strong for I can only imagine [...]
Gusto ko rin ng Hottie shirt.
Yun lang. Hehe.