Hot-Blooded Pinoy Expat


Nag-aalala si Dencios

Ipinaskil sa Buhay Dubai, Rants, Repleksyon at Aral, Trabaho! Trabaho! ni hisnameisdencios on the Nobyembre 27, 2008
Tags: ,

Sa dadating na sabado ng gabi (Nobyembre 29) ay gaganapin ang semi formal Christmas Dinner Party ng aming opisina sa isa sa mga restawran ng JUMEIRAH BEACH HOTEL. Ang bigat ano? Parang umaatikabong payamanan ng pormahan ito at paguapuhan pa since halos lahat dito sa aming kumpanya ay pulos adan.

Magsasawa ka sa ibat ibang klase ng lalaking lahi – syempre una sa billing tayong mga Pinoy, British, Iranian, Indian, Lebanese, Thailander, Chinese at Mexican. O ang daming pagpipilian ng mga bloggers dito. Hehehe. Smart casual ang required na isusuot. Syempre isa ba naman ito sa pinaka magarbong beach-hotel sa buong mundo kaya dapat ay presentabol.

Teka pupuntohin ko na ang gusto kong sabihin. Tama na ang intro hehehe.

Ngayon ay usap usapan dito na magaganap na ang EVICTION NIGHT sa party na iyon. Hehehe. Sa dahilang Cost Cutting dahil ang Dubai ang isa sa pinaka nahagupitan ng World Financial Crisis dito sa UAE.

Bagsak talaga lalo sa Construction ay halos ihinto muna ang mga gawa.

Daan na ang nawalan ng trabaho dito.

Nag-aalala na nga ang aking mga magulang lalo ang nanay ko. Positive naman ako kapag kausap ko sila sa telepono pero sa totoo ay nag-aalala naman talaga ako. Ayoko lang iparamdam. Iniisip ko lang positive lagi para naman masecured sila na ok ako.

Sabi ko nga sa last post ko ay hayaan nating SIYANG magdesisyon para sa ating buhay pero mabuhay din naman tayo ng tama.

Pero…

Hindi naman seryoso ang usapaing ito. Pinagtatawanan nga lamang nila at ginagawa talagang biruan palibasa kasi ay parang secured naman kame sa alaga ng kumpanya. Iyan naman ang maganda dito sa amin, naalagaan kame kaya ganun ko na lang kamahal ang kumpanyang ito para ibuhos lahat ng aking natatanging talento sa mundo ng Arkitectura. Ang yabang ko! Joke lang yun. Hindi rin half meant. Hahaha.

Teka naisip ko tuloy poporma at magpapapogi pa naman sana ako (asa! har har har) tapos ay may ganun palang ebiksyon-ebiksyon na iyan, hehehe. Pero wala naman talagang ganun.

Naisip ko magpapa ampon na nga lang ako. Puede naman akong boy sa bahay basta may free akong blog everyday. Haha.

Habang tinatayp ko ito lumapit ang isang 3 months old opismeyt ko na baka siya daw ang matanggal kasi bago pa lamang daw siya. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya…

Pagdasal na lang natin ang kalagayan ng buong mundo ngayon okey?

:-)