Kwentong AngheL
(sermon po ito ni father sa aming parokya sa Pinas)
Sina Anghel Wan at Anghel Tu ay naglalakbay.
Napansin ni Anghel Tu na aabutan na sila ng dilim at nagpasyang makisuyo sa isang malaki at magandang bahay na kanilang nadaanan. Pagkatok ay pinagbuksan sila ng lalaking may-ari.
Anghel Wan: Magandang gabi po. Maaari po ba kameng makapagpalipas ng gabi sa inyong bahay?
Lalaki: Ay naku! wala na kasi kameng ekstrang kwarto kaya. Sa ibang bahay na lang kayo pumunta. (sabay sara ng pinto)
Nagkibit balikat na lamang na umalis nang mapansin ni Anghel Tu na may inayos na sirang sahig sa bakuran ng malaking bahay si Anghel Wan bago sila umalis.
Sa kanilang paglalakad ay may nakita ulit si Anghel Tu na isang maliit at maralitang kubo at nagbaka sakaling pasisilungin sila ng may-ari. Pagbukas ng pinto nakita nila agad ang mag-asawa at dalawang maliliit pa nitong mga anak..
Ina: A ganun ba? Oo nga’t lumalalim na ang gabi. Naku sige pasok-pasok kayo. O dito na kayo sa aming kwarto ha at pagpasensyahan nyo na aming maliit na papag.
Nagpasalamat at nahiga na ang dalawang anghel. Nauna nang nakatulog ng mahimbing ang isa. Si Anghel Wan ay nagpahangin muna sandali nang mapansin ang kalabaw ng mag-anak bago tuluyang natulog.
Kinaumagahan ay nagising na lamang ang dalawa nang madinig ang malakas na iyak ng mag-anak. Sa kanilang paglapit ay nakita nilang namatay nuong gabi ang kaisa isahang kalabaw ng mag anak na siyang tanging pinagkukuhaan ng kanilang ikabubuhay.
Hinatak papalayo ni Anghel Tu si Anghel Wan sabay sabi,
Anghel Tu: Ano ka ba naman Wan. Hindi mo man lang pinigilan ang pagkamatay ng kalabaw samantalang pinatuloy tayo ng maralitang mag anak na ito sa kanilang bahay ng buong puso at pinatulog pa sa kaisa-isahan nilang papag at sila ay sa sala. Tapos duon sa malaking bahay ay pinagtabuyan tayo pero nakuha mo pang ayusin ang sirang sahig sa kanilang bakuran…
Anghel Wan: Mali ka Tu. Kagabi ay bago ako matulog ay nagpasya muna akong magpahangin at nakita kong padaan ang anghel ng kamatayan para kunin ang buhay ng Ina. Alam ko na mas mahirap ang pagdadaanan kapag siya ang nawala. Kaya nakiusap akong imbes na ang kanilang ina ay ang kalabaw na lamang ang kunin. Tungkol naman sa sirang sahig sa bakuran ng malaking bahay ay napansin ko kasi na ang laman ng butas na iyon ay pulos ginto. Tu hindi karapatdapat na malaman iyon ng may-ari ng bahay kaya naisipan kong takpan na lamang ito.
ARAL:
Lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may kaakibat na dahilan masakit man ito o hindi para sa ating kalooban. Hindi man natin malaman ang genuwing dahilan sa ngayon ay ang mahalagang maisapuso natin ay iyung dapat na TIWALA natin sa KANYANG desisyon para sa ating buhay.

sa Nobyembre 26, 2008 sa 10:03 umaga
Kaso mahirap malaman ang KANYANG totoong layunin.
Paano nalaman ng pakialamerong anghel na walang mabuting maidudulot ang pagkamatay ng ina? Malay natin baka ang kaganapang ito ang magtuturo sa anak tumayo sa sariling paa at maging matibay na tao. Paano nalaman na hindi karapat dapat matanggap ng lalaki ang ginto? Malay mo dahil dito magbago sya.
Siguro sasabihin mo tinanong nila si God. Pero tayo pano natin malalaman na kailangan natin pakialaman ang isang sitwasyon? Paano natin malalaman na pabayaan na lang?
sa Nobyembre 26, 2008 sa 10:04 umaga
amen
sa Nobyembre 26, 2008 sa 10:19 umaga
very inspiring…:)
sa Nobyembre 26, 2008 sa 12:54 hapon
whatta nice story.
napag-isip ako dun ah.
sa Nobyembre 26, 2008 sa 6:58 hapon
kahit ilang beses kong basahin yang kwento na yan, manghang mangha pa rin ako sa binibigay niyang aral
sa Nobyembre 26, 2008 sa 11:10 hapon
ang ganda naman ng moral lesson,thanks for sharing dencio boy.
P.S wow new theme na naman,yan gusto ko sa’yo eh *wink*
sa Nobyembre 27, 2008 sa 12:19 umaga
papa dence.. i love your new pic sa sidebar! its so provocative and seductive.. (redundant di ba?) hehehheh
pag naging ganyan ang katawan ko magiging lalaki na ako! swear!
sa Nobyembre 27, 2008 sa 1:30 umaga
huwaw. ang nice ng story ha. pakisabi kay anghel wan na ibigay nalang sa akin ang ginto. hehe.
seriously, ang masasabi lang natin in the end is “Thy Will Be Done.”
sa Nobyembre 29, 2008 sa 4:49 umaga
nakakakilabot pero may moral at spiritual lesson. sana ganyan din mga pari dito. hmmmmm.. naniniwala din ako na lahat ng bagay ay planado na ni God, ang mga plano ay maaaring mabago depende sa kung paano tayo humingi ng gabay sa kanya at kung paano tayo kikilos para sa ating sarili. hindi masamang humingi ng tulong kay God para sa tamang landas.. at lalong hindi masamang maging mabait sa kapwa.
sa Mayo 24, 2009 sa 4:58 umaga
its so nice,… grabe ,..
yahey may irereport na ako sa legion namin,…
thank you,…
sa Mayo 24, 2009 sa 5:00 umaga
sana makagawa pa kau ng ganyang story,.. na nakakainspire,… talaga,..
may god bless you,…
sa Hulyo 3, 2009 sa 8:18 hapon
[...] Aba malay natin at baka maging “anghel” pa tayo na makapagpagaan ng loob sa kapwa, hindi ba? O may kwentong anghel pa ako na may magandang aral, klik mo ito. [...]