Kwentong AngheL
(sermon po ito ni father sa aming parokya sa Pinas)
Sina Anghel Wan at Anghel Tu ay naglalakbay.
Napansin ni Anghel Tu na aabutan na sila ng dilim at nagpasyang makisuyo sa isang malaki at magandang bahay na kanilang nadaanan. Pagkatok ay pinagbuksan sila ng lalaking may-ari.
Anghel Wan: Magandang gabi po. Maaari po ba kameng makapagpalipas ng gabi sa inyong bahay?
Lalaki: Ay naku! wala na kasi kameng ekstrang kwarto kaya. Sa ibang bahay na lang kayo pumunta. (sabay sara ng pinto)
Nagkibit balikat na lamang na umalis nang mapansin ni Anghel Tu na may inayos na sirang sahig sa bakuran ng malaking bahay si Anghel Wan bago sila umalis.
Sa kanilang paglalakad ay may nakita ulit si Anghel Tu na isang maliit at maralitang kubo at nagbaka sakaling pasisilungin sila ng may-ari. Pagbukas ng pinto nakita nila agad ang mag-asawa at dalawang maliliit pa nitong mga anak..
Ina: A ganun ba? Oo nga’t lumalalim na ang gabi. Naku sige pasok-pasok kayo. O dito na kayo sa aming kwarto ha at pagpasensyahan nyo na aming maliit na papag.
Nagpasalamat at nahiga na ang dalawang anghel. Nauna nang nakatulog ng mahimbing ang isa. Si Anghel Wan ay nagpahangin muna sandali nang mapansin ang kalabaw ng mag-anak bago tuluyang natulog.
Kinaumagahan ay nagising na lamang ang dalawa nang madinig ang malakas na iyak ng mag-anak. Sa kanilang paglapit ay nakita nilang namatay nuong gabi ang kaisa isahang kalabaw ng mag anak na siyang tanging pinagkukuhaan ng kanilang ikabubuhay.
Hinatak papalayo ni Anghel Tu si Anghel Wan sabay sabi,
Anghel Tu: Ano ka ba naman Wan. Hindi mo man lang pinigilan ang pagkamatay ng kalabaw samantalang pinatuloy tayo ng maralitang mag anak na ito sa kanilang bahay ng buong puso at pinatulog pa sa kaisa-isahan nilang papag at sila ay sa sala. Tapos duon sa malaking bahay ay pinagtabuyan tayo pero nakuha mo pang ayusin ang sirang sahig sa kanilang bakuran…
Anghel Wan: Mali ka Tu. Kagabi ay bago ako matulog ay nagpasya muna akong magpahangin at nakita kong padaan ang anghel ng kamatayan para kunin ang buhay ng Ina. Alam ko na mas mahirap ang pagdadaanan kapag siya ang nawala. Kaya nakiusap akong imbes na ang kanilang ina ay ang kalabaw na lamang ang kunin. Tungkol naman sa sirang sahig sa bakuran ng malaking bahay ay napansin ko kasi na ang laman ng butas na iyon ay pulos ginto. Tu hindi karapatdapat na malaman iyon ng may-ari ng bahay kaya naisipan kong takpan na lamang ito.
ARAL:
Lahat ng nangyayari sa ating buhay ay may kaakibat na dahilan masakit man ito o hindi para sa ating kalooban. Hindi man natin malaman ang genuwing dahilan sa ngayon ay ang mahalagang maisapuso natin ay iyung dapat na TIWALA natin sa KANYANG desisyon para sa ating buhay.
