Hot-Blooded Pinoy Expat

Nobyembre 22, 2008

HUBAD

Isinalansan sa: Usaping Sekswal — Mga Marka:, — hisnameisdencios @ 10:05 umaga

22082008_006gg

Katatapos ko lamang magbabad sa gym nang mapadaan ako sa aming malaking tokador na may malaking salamin sa harap. Nakita ko ang aking sarili na half naked. Bigla ko naisip mula sa kawalan ang tungkol sa NUDE PHOTOGRAPHY.

Mga kaibigan wala akong intensyong mangbastos dito o kung anu pa man ha? Hahaha :-)

Ok, Teka anu ba ito? Sa aking sariling pagkakaalam ay ang ART sa hubad na mga larawan ay depende sa husay ng pagkakakuha ng potograper- ang gamit ng ilaw, kulay, ang gamit ng abstrak, ang gamit ng iba’t ibang posisyon ng modelo, ang lugar ng pagkukuhaan at kung anu anu pa.Wala akong alam dito pero sa tingin ko ay importante ang komunikasyon ng larawan sa tumitingin o sa madaling salita ay yuong may SUBJECT na kung saan ang larawan ay may binabaybay na emosyon. Tama?

Pero…

Depende talaga iyan sa tao. Iba iba kasi ang ating pananaw sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa hubad na katawan ng tao. Sa ngayon ay maaaring may malisya pa din ang ilan o sa iba naman ay bukas na ang isip sa mga ganitong aspeto ng ART.

Kung anu man yang nasa isip ng tao ay wala na tayong magagawa duon. I-respeto na lamang natin.

Ikaw ba anu ang tingin mo sa mga ganitong klase ng Art?

Mga Puna »

  1. i think…..

    I got more nude pictures than you have,,,,ahahhahaa…

    well…..kanyang kanyang trip lang naman..walang basagan…

    and i also love oder people how they adore my body…sshhhhh!!ahahaha

    ***DENCIOS: whoe! asteeeg! U da man maldito!

    Comment ni Maldito — Nobyembre 22, 2008 @ 10:24 umaga

  2. tingin ko may malisya pa rin yun kahit gaano ka kaprofessional hehehe.. joke lang.. para sa akin lanmg un.. tingin ko lang naman.. pero naniniwala rin naman ako sa art ng nudity pero basta, may malisya pa rin yun/./ hhehe

    http://fjordz-hiraya.blogspot.com

    ***DENCIOS: Ok may malisya pa din talaga para sayo hehe.

    Comment ni fjordz — Nobyembre 22, 2008 @ 10:41 umaga

  3. ok lang naman sakin. basta wag traydor humarap! haha

    ***DENCIOS: hahahaha :-)

    Comment ni prosetitute — Nobyembre 22, 2008 @ 11:01 umaga

  4. ok naman ah, mahusay ang pagkakakuha, print mo lang tapos frame pwede na ibenta yan sa divisoria *joke*… pero ikaw ba talaga yan?


    ***DENCIOS: oo pag-uwi ko sa Pinas sa divisorsia ko po ibabagsak yan lols. tinatanung mo kung ako yan? sekreto hahaha. salamat ms.ana sa pagdaan :-)

    Comment ni ana_banana — Nobyembre 22, 2008 @ 11:04 umaga

  5. meron kasi mga nude photos na parang pornographic na talaga ang dating.May mga *nude* photos naman na pwede matawag na ART.Depende na lang cguro sa tumitingin,pero akala kasi ng iba na basta hubad na larawan pwede na matawag na art.

    P.S ayos ng pagkaka-edit mo,galing! hindi nila nakita yung original ahihi ;) )

    ***DENCIOS: dyaskeng bata ire hahahaha. salamat boy!

    Comment ni MC — Nobyembre 22, 2008 @ 12:08 hapon

  6. ibang level

    ***DENCIOS: Guapong guapong mangbadoy salamat sa koment! u da man!

    Comment ni mangbadoy — Nobyembre 22, 2008 @ 1:09 hapon

  7. Biglang na-curious ako sa shot:

    1. Parang umiihi ka ata dyan sa may kurtina?
    2. Naka bukas ang bintana at may tumitingin?
    3. Mainit ang panahon, kaya dapat walang saplot?
    4. O baka….

    Ok lang yan, next time, yung maliwanag naman, thought-provoking kasi yung madilim. My dirty mind.


    ***DENCIOS: palagay ko yung pang apat mong sasabihin ang ginagawa ng lalaki diyan hahaha. salamat :-)

    Comment ni K — Nobyembre 22, 2008 @ 2:29 hapon

  8. wala naman.
    ART.
    parang kelangan i-appreciate.
    un lang un.
    kahit anu pa iyan.
    basta tawagin na art
    may mga bagay na nasa likod nito na kailangan ng makabagbagdamdaming pagiintindi.


    ***DENCIOS: ahehehe. salamat pareng pepe!

    Comment ni pepe21 — Nobyembre 22, 2008 @ 3:07 hapon

  9. hi! may tag/award ako for you visit ka dito, tnx.
    http://anasarmiento.wordpress.com/2008/11/23/blogger-buddy-award/

    ***DENCIOS: tenchu! tenchu! gorgeous ms. ana banana! :-)

    Comment ni ana_banana — Nobyembre 23, 2008 @ 11:26 umaga

  10. Ayos yan kapag nagpost ka dito ng nude pic mo. Hahaha. Pero, kidding aside, tama mga sinabi mo about one’s perspective sa art at kung kelan masasabing art un. Hindi naman kasi lahat ng HUBAD, kabastusan.

    ***DENCIOS: oo nga. iba iba naman kasi ang tao diba? :-)

    Comment ni Paurong — Nobyembre 23, 2008 @ 11:43 umaga

  11. wala akong alam sa photography. sa nudity lang he he

    ***DENCIOS: yeaaaah…hahaha. salamat sa pagdaan mo! =)

    Comment ni abou — Nobyembre 23, 2008 @ 4:48 hapon

  12. how i’d love to see that artform!
    asan na? dali send mo sa email ko..hehehehe

    i love seeing at nude photos, not because i’m geisha but because i see it in its aesthetic aspect other than the pleasure ignited by it.

    pero ganun din yun! hahahahahah :lol:

    ***DENCIOS: pretending lang na maharot pero conservative ka talaga no? haha. ayaw mo naman talaga sa nudity diba? hahaha nag blush! =D

    Comment ni Geisha — Nobyembre 23, 2008 @ 5:19 hapon

  13. Do you know about the latest issue of art censorship? Apparently, gusto ng legislators natin i-define ang limitations ng “art” through censorship i.e. baka ipagbawal ang nude photography–way too weird!

    ***DENCIOS: oonga daw e. kakaiba talaga sa Pinas no? salamat sa pagdaan mo :-)

    Comment ni aLps — Nobyembre 23, 2008 @ 6:41 hapon

  14. tama ka!depende din yan sa tumitingin. kung bastos ang tingin mo, bastos nga ito. hehe

    gusto ko rin ang photography, pero wla pa ako magandang camera eh.

    art censorship? naku, masisikil ang pagiging artist natin nyan!

    Comment ni ELIment — Nobyembre 24, 2008 @ 12:56 umaga

  15. Wala talaga ako alam sa art. Tinanong ko minsan yung partner ko na nalilinya sa art kung sino ang magsasabi na art ang isang gawa. Sabi nya ang academic institution daw. Hindi naman ako bahagi ng kahit anong academe kaya hindi ko masabi kung art yan o hindi.

    Pero ako ang tatanungin kung ano ang nakuha kong emosyon sa imahe, sasabihin ko kalungkutan, pagkakabilanggo at pangungulila.

    Naisip ko din an masarap siguro maupo dun sa upuan :)

    Comment ni Niel — Nobyembre 24, 2008 @ 3:02 umaga

  16. i think nude art is one of the most expressive forms of art. kung baga, walang bahid na kasinungalingan. un nga lang, marami ang nilalagyan ng malisya.

    depende rin yan sa purpose ng picture. halimbawa, kung sa men’s mag, dapat mapang-akit talaga ang pics. but if the purpose of the nude pic is to merely express the inner nature of one’s person, then the photo [or any forms of art] should give justice to its purpose.

    hehe. yun lang. napadaan. :D

    Comment ni — Nobyembre 24, 2008 @ 3:07 umaga

  17. para sa iba, malaswa ang ganitong art. pero depende talaga sa taong tumitingin at depende din sa intention ng gumagawa ng mga ganitong klaseng pic. :) para sa akin, this kind of art is really cool. saka walang basagan ng trip. hehe.

    nakibasa at dumaan,
    -joshy

    Comment ni joshmarie — Nobyembre 24, 2008 @ 8:53 umaga

  18. depende kung anong itsura. pero kapag nakaharap parang mas okay, nyahahaha

    Comment ni kengkay — Nobyembre 24, 2008 @ 9:09 umaga

  19. ano kaya next entry niya? hhmmmnnn

    Comment ni MC — Nobyembre 24, 2008 @ 7:55 hapon

  20. dude, your site’s kinda becoming a here’s-my-body-you-can-take-it spot. hahah. but it;s your style. anyway. who who the hell is that guy?

    art is something subjective. nude ones are not for the squeamish.
    o for catholic school boys like me. OR NOT. lol.

    Comment ni barrycyrus — Nobyembre 29, 2008 @ 2:17 umaga

  21. bata pa ako. di pa ako pwede sa mga ganyang art. lol.
    tska na pag hindi na R-18. hihi. pero sabi nga nila.. ang mga may “katawan” lang naman ang kayang magpapicture ng nude. sabi nga nila.. ung mga may “K” lang. syempre di na ako magtataka sau kuya dencios. ampugee mo dba? haha. apir!

    Comment ni Lei — Nobyembre 29, 2008 @ 4:32 umaga

  22. Para maniwala ako sa sinulat mo, klangan ko ng ebidense magpadala ka lng ng Nude pic mo sa akin , hokei.. *wink-wink*

    Comment ni lhay — Nobyembre 29, 2008 @ 7:32 umaga

  23. wala ako masabi hek3…

    Comment ni anakngpating — Enero 25, 2009 @ 9:58 umaga

  24. porno. hahaha. depende. pano kung matigas naman yung nota nung nakahubad. wala pa bang malisya yun???

    Comment ni Kara Krus — Mayo 2, 2009 @ 9:57 umaga

  25. [...] ang puso ko sa masasabi kong pers lab kong tunay. *Interesado ka sa pwet ko? O i-judge mo ito kung naniniwala ka. [...]

    Pasa ni [76] Kinilala ko si Dioniscio « His name is DENCIOS — Mayo 29, 2009 @ 5:11 hapon

  26. leche! takbo naman ako dito! ano baaaa! hahahaha!

    Comment ni reyna elena — Mayo 31, 2009 @ 5:43 umaga

  27. ok lang siguro basta hindi mukhang dehado yung “subject” mo… actually parang gusto ko rin magpa-paint na hubad…hehe

    Comment ni johnonline — Nobyembre 5, 2009 @ 2:47 umaga


RSS ulat para sa mga puna sa paskil na ito. BakasPabalik URI

Mag-iwan ng puna

Sumulat ng Blog sa WordPress.com.