Hot-Blooded Pinoy Expat


HUBAD

Ipinaskil sa Usaping Sekswal ni hisnameisdencios on the Nobyembre 22, 2008
Tags: ,

22082008_006gg

Katatapos ko lamang magbabad sa gym nang mapadaan ako sa aming malaking tokador na may malaking salamin sa harap. Nakita ko ang aking sarili na half naked. Bigla ko naisip mula sa kawalan ang tungkol sa NUDE PHOTOGRAPHY.

Mga kaibigan wala akong intensyong mangbastos dito o kung anu pa man ha? Hahaha :-)

Ok, Teka anu ba ito? Sa aking sariling pagkakaalam ay ang ART sa hubad na mga larawan ay depende sa husay ng pagkakakuha ng potograper- ang gamit ng ilaw, kulay, ang gamit ng abstrak, ang gamit ng iba’t ibang posisyon ng modelo, ang lugar ng pagkukuhaan at kung anu anu pa.Wala akong alam dito pero sa tingin ko ay importante ang komunikasyon ng larawan sa tumitingin o sa madaling salita ay yuong may SUBJECT na kung saan ang larawan ay may binabaybay na emosyon. Tama?

Pero…

Depende talaga iyan sa tao. Iba iba kasi ang ating pananaw sa lahat ng bagay lalo na pagdating sa hubad na katawan ng tao. Sa ngayon ay maaaring may malisya pa din ang ilan o sa iba naman ay bukas na ang isip sa mga ganitong aspeto ng ART.

Kung anu man yang nasa isip ng tao ay wala na tayong magagawa duon. I-respeto na lamang natin.

Ikaw ba anu ang tingin mo sa mga ganitong klase ng Art?