Hot-Blooded Pinoy Expat


no RICE diet

Ipinaskil sa Ehersisyo't Diyeta, Pagkain at Kainan ni hisnameisdencios on the Nobyembre 20, 2008
Tags: , ,

Ang sarap ng pagkaing pinoy lalo na kapag may bandibandihadong kanin para sa adobo o pritong ulam. Pero ako kasi NO RICE DIET…

Pero bago ang lahat ay naglagay na muna pala ako ng aking mga litrato (ayun sa gilid..) kasi maraming nawirduhan at nagtanung sa ginawa ko sa nakaraan kong side bar pictures. Ayan na siya at sana ay hindi naman kayo matakot na bumisita ulit, hehe.

So mabalik na tayo sa aking simpleng post. Ito’y tungkol sa aking diet na no rice. At ang aking ipinalit ay ang mga sumusunod:

** Mansanas o Saging

** Oatmeal o Brown Bread

** Manok o Isda

** Regular na Ehersisyo

Alam na ng lahat kung anu ano ang mga benepisyo ng mga ito kaya wala ng palinawagan. Malamang lang na magulat ang iba sa NO rice diet ko.

atn56racag51wg6ca4478i1cau80ss3caalr7yucah3fqkqcadwo206ca2j1c02cao67k3ucazeriyfca7m4tpzcaaj5v7hcazxszh5ca1f69qtcaqltilncavzdbvhca0i554bca4x01b4cagd953d1

Wala naman akong nakitang masamang epekto kapag walang kanin. E halos 7-8 buwan na din akong hindi kumakain nito. Pero sa aking pagkakatanda pag pumupunta ako ng bertdeyan o simpleng kainan lang ay tumitikim naman ako. Mga 2-3 beses iyon kasi kailangan lang talaga at nakakahiya naman kung iniabot na sa akin ay ibabalik ko pa. Hehe.

Kaya nga lagi ko sinasabi na kapag ako ang idineyt o kasama lang sa kainan ay hindi mangangayayat yang walet na yan ehehe. Meron nga akong malusog na klasmeyt noon na lagi ako ang gusto nya kapartner sa mga awting kasi alam nya na katiting lang ako kumain. Ewan ko ba kung bakit mahina din talaga ako kumain kadalasan (at dahil hindi din naman kasi ako marunong magluto kahit magsaing lang. Hahaha)

E kayo ba anu ang diet nyo? I-share nyo naman!